Kabanata 19: An old friend

34 1 0
                                    

KAIDEN

Mawawarak na yung puso ko sa kaba.

Narito na yung dalawa nilang kotse kaya nakakasiguro na akong nagpapahinga na sila sa kwarto.

"Denden, gabi na ah," bati sa akin ni Mang Tomas.

"Alam ko, Mang tomas. Bakit di ka pa natutulog?"

"May anghel kasi akong nakita," nilagok na niya ang isang tasang kape at saka dumiretso sa lababo. Mukha siyang problemado.

"Ako ba 'yon?" natatawa kong tanong.

"Ikaw yata ang dapat na matulog, Denden," natatawang sabi nito na nagpasimangot sa akin.

"Nandiyan na ba sila?"

"Oo, hinahanap ka rin," sagot nito.

Kinakabahan man, kailangan kong gawin ang sinabi ni Anna. Kumatok ako ng tatlong beses sa kwarto nila.

"Nandiyan po ba kayo?"

Si Dad lang ang nakita ko habang gumagamit ng laptop niya.

"Si Mama?"

Lumingon siya sa akin kasabay ng pagbukas ni Mama sa banyo. Parehas kaming napatingin ni Dad nang lumabas siyang naka-bathrobe at bagong ligo.

"Kai? What are you doing here?" tanong ni Mama, dumiretsong umupo sa kama.

"May tatanong lang po."

Tumingin si Mama sa kabuuan ko mula ulo hanggang paa. "What happened to your knee?"

"Sugat po, pero maliit lang," sagot ko at sinara ang pintuan.

Nakatayo lang ako sa harap nila kaya nagtagal ang katahimikan. Naghihintay sila ng sasabihin ko pero hindi ko alam kung paano sisimulan ang pag-uusap.

"Kai?"

Huminga ako nang malalim at kinalma ang sarili. "Galit po ba kayo sa akin?"

"May kalokohan ka na naman ba sa school?" natatawang tanong ni Mama.

"Ito naman si Mama tumatawa pa," reklamo ko sabay kamot sa ulo.

"What is it Kai?" Ngumiti siya, namumungay ang mga mata.

Tagal ko nang hindi nakikita 'yon. Sinara rin ni Dad 'yung laptop niya at nilagay sa bed side table para matuon ang atensyon sa akin.

"Tungkol kay..." Huminga ako nang malalim. Lalabas na yung puso ko sa dibdib. "...Ate Kara."

Napahinto sila kaya alinlangan akong ngumiti.

"Iniisip niyo po ba na..."

Biglang tumayo si Mama at hinawakan ang pisngi ko. Pinahid na niya ang nagtutuluang luha.

"...na kasalanan ko po?"

Agad umiling si Mama habang hawak ang magkabilang pisngi ko. Nanghihina na ang tuhod ko. Kumukuha nalang ako ng lakas sa mga haplos na binibigay ni Mama.

Crossing Roads Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon