Kabanata 15: Ranks

24 0 0
                                    

ANNA

"Anna."

Tumigil ako sa paglalakad nang marinig ang pangalan ko. Pagkalingon ko, papalapit si Yuan habang may hawak na sobre.

Nilapit niya sa akin ang hawak, hindi ko muna ito kinuha pero nanatili ang tingin ko roon. "Ano 'yan?" tanong ko sa mahinang boses.

"Basta, tanggapin mo nalang," sagot niya nang seryoso pa rin.

Kinuha ko yung sobre mula sa kamay niya, kasabay noon ang pagsigawan ng mga kaklase ko.

Nagtutunugan ang mga upuan at puro tuksuhan ang nangingibabaw.

Hindi naman kami apektado ni Yuan sa ginagawa ng mga kaklase namin. Nanatili lang siyang seryoso habang nakatingin sa akin.

"Pasensya na," iyon lang ang sinabi niya saka bumalik sa upuan.

Ang traditional naman niya, sulat talaga. Pwede naman niyang i-message. Saka ko lang napagtanto, hindi pa pala nahahanap ang cellphone niya. Kaya grabe pa rin ang inis nito kay Mira.

Sa hindi kalayuan, narinig ko ang pagsasagutan ni Raijin at Connor. "Patay, mukhang may kalaban."

"Umayos ka nga, Raijin."

"Pa'no naman~"

"Tuloy mo 'yan, sasapakin kita."

Pilit kong di pinakinggan ang mga sinasabi nila kaya nagpatuloy nalang ako sa paglakad. Hindi ko sinabi kay Mira ang nangyari dahil alam kong kukulitin lang ako no'n, tumigil naman na sila kaya wala nang point kung sasabihin ko pa.

Pero mabilis niyang nalaman ang balita. Parehas sila ng pinsan niya.

Nang magrecess, pumunta kami ni Mira sa cafeteria. Isang oras ang recess namin kaya ayos lang mag-stay doon ng ilang saglit. Kaya lang, pagkabalik namin. Napansin ko ang naka-ipit na papel sa libro ko na nasa desk.

Pero ito papel lang, galing pa sa notebook. Hindi naman sa gusto ko yung magarbong sulat, sobrang nagtataka lang ako kung bakit nakatanggap ako ngayon nito.

Kinuha ko 'yon saka binuklat. Hindi ko pa nababasa ang sulat ni Yuan pero nakatanggap ulit ako ng panibago. Biglang sumilip si Mira sa sulat kaya dali-dali ko itong sinara.

"Chismosa ka 'no?" tanong ko sa kaniya.

"May love letters ka ulit!?"

"Wala. Invitation card 'to." Pinasok ko agad sa bag ang sulat galing kay ewan ko kung sino. Hindi pa rin siya tumigil sa kakakulit.

"Sino nga?!"

"Invitation nga. Nakalagay, come to my birthday party on September 31, 201-"

"Walang 31 ang September, girl."

Natahimik kami parehas.

Pagkauwi ko, kasabay ko si Ate pero nilihim ko sa kaniya ang dalawang sulat na natanggap ko kanina.

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang isa, kaya mas pinili kong basahin ang kay Yuan.

Crossing Roads Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon