Kabanata 20: New Member

93 0 1
                                    

KAIDEN

Minsan natatanggap ko nalang lahat ng mga masasakit na bagay. Hindi ko naman 'yon napipigilan. May pagkakataon talaga na hindi natin inaasahan ang nangyayari pero anong magagawa ko? Kailangan lang nating harapin.

Maging matapang.

Patawarin ang sarili.

Tanggap ko na yung nangyari. Hindi naman ako galit. Naiyak si Tita sa sinabi ko pero ayos lang. Ilang beses rin siyang humingi ng tawad kahit hindi naman siya 'yung nakasagasa.

Drunk driving. Sa tatay pala nina Anna at Ms. Snow 'yung kotse na nakita ko noong bata ako.

Nakatulala lang si Anna pagka-uwi. Napansin niya lang ako noong aalis na ako sa kotse. Pilit ang ngiting pinakita niya sa akin at hindi ako sanay doon.

"Anna? Ambag mo daw sa class fund sabi ni Treasurer," mahina kong sabi sa kaniya habang nagsusulat siya.

Tahimik niyang binuksan ang bag, hindi pa rin tumitingin sa akin. Hindi niya nga ako binigyan ng tingin kanina.

Mabilis niyang nilagay ang pera sa kamay ko. Naghintay pa ako sa harap niya ng ilang segundo pero hindi siya gumalaw, nagsusulat lang ng kung ano-ano.

"Anna, alam kong gwapo ako kaya please tumingin ka na sa'kin."

Tumabi na ako sa kaniya sa pangalawang araw na hindi niya pagpansin sa akin.

"Bakit, insan?" tanong ni Mira.

Humalukipkip ako. "Kausapin mo nga 'tong kaibigan mo, ayaw ako tignan."

Nagsalubong ang kilay niya habang kumakain ng chichirya. Recess na kasi, pero si Anna hindi man lang kumakain.

"Anna, oh. Kain ka na." Inalok ko sa kaniya yung bili kong sandwich sa cafeteria pero tinignan niya lang 'yon.

Sana all sandwich.

Napupuno na 'ko. Dapat na akong magbawas, kaya dumiretso na ako sa cr. Halos magkalapit lang ang cr ng lalaki at babae sa building na 'to kaya nakita ko si Anna na kakalabas lang ng pintuan.

Kakalabas ko lang din mula sa cr ng lalaki.

"Huy..." tawag ko.

Nagulat siya sa biglaan naming pagkikita, nagpatuloy siyang maglakad sa kabilang daan.

"Anna...bakit ba? Anong problema?"

Hinawakan ko na siya sa braso para patigilin.

Nagbuntong hininga siya saka tumingin sa mata ko. Huminto yata ang pagtibok ng puso ko.

"Sorry."

Napataas ang kilay ko. "Para saan?"

"Sa aksidente. Sorry," mahina pa sa mahina niyang sabi.

Namumugto pala ang mata niya.

"Huy...Anna, hindi mo kasalanan." Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya, at niyugyog siya para magising sa katotohanang mahal ko siya.

Crossing Roads Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon