Kabanata 03: New Classmate

54 2 0
                                    

KAIDEN

Lahat kami ay natigilan nang biglang tumili ang babae. Kitang-kita ang basa sa harapan ng uniform niya.

"S-sorry..."

Wala siyang sinabi pero halatang-halata sa tili niya kanina na sobrang bad trip niya.

Binalik ko sa kaniya ang tingin at nakitang hinaharangan na niya ang sarili ng jacket na kulay pink. Humingi ulit ako ng tawad pero napag-isipan ko, hindi ko naman kasalanan ah.

Siya yung bumangga sa akin tapos siya pa ang may karapatang magalit?

Matalas siyang nakatingin sa akin, parang kakatayin niya ako ng buhay.

"P-pasensya na A-ate..." natakot ako sa tingin niyang 'yon kaya pumiyok pa ako habang nagso-sorry.

Umirap ito at nag-umpisa nang lumakad paalis sa amin. Kaya lang, bigla nalang sinangga ng babae ang braso ko.

"Gagi?" reklamo ko, nagtataka pa rin sa inasal ng babae. "Siya na 'yung may kasalanan, siya pa 'yung may karapatang magalit..." bulong ko habang hinahawakan ang binanggang braso.

"Let her be," singit ni Ace. "Baka may pinagdadaanan."

"Pinagdadaanan? 'yung natapon yung halo-halo ko sa kaniya?"

Nanatili ang tingin namin sa likod ng babae hanggang sa lumiko na siya papuntang CR.

"May luha sa pisngi niya..." sagot ni Fujin.

Tumaas ang kilay ko. "Naiyak na siya doon?"

"Tanga." Marahan akong binatukan ni Raijin. "S'yempre bago mangyari 'yon," sambit niya at umiling.

Ang tulalang si Drake, himalang nagsalita. "Hindi niyo ba napansin 'yung mukha niya?" tanong niya.

Napatingin kami sa kaniya. "Bakit?"

"Parang pamilyar..." dagdag ni Raijin.

"Parang little version ni Ms. Snow," sagot ni Connor.

Unti-unting namilog ang mata ko. "Hindi ko napansin." Binalik ko ulit ang tingin sa dinaanan ng babae kanina kahit alam ko namang wala na 'yon doon.

Ngumuso ako nang hindi namamalayan. "Tara na nga," aya ko sa kanila at saka tinapon ang cup sa basurahan. "Sayang halo-halo ko," sabi ko habang naglalakad, pero mas nangibabaw ang pag-aalala ko sa babae.

Kung totoo mang umiyak siya bago nangyari 'to, sana naman napagaan siya ng halo-halo ko.

Pumunta na kami sa kaniya-kaniyang room dahil nag-ring na ang bell, hudyat na kailangan nang magpasukan ng estudyante sa mga klase nila.

Mabilis kaming umupo nina Raijin at Connor dahil una naming teacher ay si Ms. Snow. Malalim akong huminga para pakalmahin ang sarili at ngumiti nang sobrang tamis.

Ang ganda talaga niya. Para siyang anghel sa sobrang ganda at bait. Kahit anong gawin ko, hindi ko mapigilan ang ngiti sa mukha.

Pakiramdam ko nga sobrang init sa room. Namumula ang pisngi ko kaya pilit kong pinapaypayan ang sarili.

Pero nang maglakad siya papunta sa lamesa, nag-aalala ang mga mata niya. Mabilis ang paglakad niya papunta sa desk. Inilapag kaagad niya ang bag habang nasa tainga ang telepono.

Tumayo kami para batiin si Ms. Snow pero nanatili lang siyang palakad-lakad habang naghihintay ng tawag.

Nagsimula na kaming magtinginan nila Raijin at Connor dahil sa pagtataka.

"May...may nakita ba kayong babae nakapink jacket kanina?" tanong nito, naghihintay pa rin sa tawag na sagutin. "Kasi kung hindi, baka magpunta na ako sa security office para sa CCTV."

Crossing Roads Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon