Kabanata 14: Letters and Feelings

31 0 0
                                    

KAIDEN

Hindi ko akalain na makakatulog ako sa tabi ni Anna. Siguro dahil na rin sa hangin. O, dahil kay Anna mismo.

Langya. Pagkagising ko nasa mukha ko na ang unan. Naamoy ko pa ang conditioner na gamit niya.

Pinilit ko ang sarili na bumangon sabay kuha ng white teddy bear. Medyo hilo dahil inaantok talaga ako kanina pa. Halos hindi ako nakatulog kagabi kakaisip sa magiging reaksyon ng magulang ko.

Hinanap ng mata ko si Anna o kahit anino ni Anna. Hindi ko siya nakita kahit dumaan na ako sa kwarto, kusina at banyo.

Gulo gulo pa ang buhok, palisaw-lisaw rin ang lakad ko na parang lasing na tambay. Nahagip ng pandinig ko ang pag-uusap sa bandang dining table. Pero alam ko naman na mga magulang ko 'yon. Kaya lang, narinig ko ang boses ni Anna na sumasagot sa mga tanong mula rin doon.

"Opo, medyo baliw talaga siya."

Napataas ako nang kilay habang papalapit sa dingding na naghihiwalay mula sa akin at kanila. Hawak-hawak ko pa ang malaking teddy bear. Hindi pa kami nakaka-isip ng pangalan kaya teddy bear muna. Pero mas maganda kung Aiden.

"Matino ba si Kaiden sa school, Anna?" tanong ni Mama sa kaniya.

Opo.

Matagal bago siya sumagot.

"Opo naman," sagot niya. Unti-unti akong ngumisi. "May pagkasiraulo nga lang po."

Narindi ang tainga ko sa tawanan nila sa sinagot ni Anna.

Kahit gusto kong sagutin si Anna sa mga pangbaback-stab niya sa akin, pinigilan ko ang sariling magpakita. Gusto ko pang marinig ang iba niyang sasabihin nang matuwa naman ako.

"Pero, mabait po siyang kaklase." Napahinto ako at pilit nakinig.

Ganiyan dapat. Good.

"Naalala ko po yung pagpapahiram niya sa akin ng extrang tshirt saka pagtatanggol niya sa akin," saglit na napahinto si Anna.

"Sa totoo nga lang po, napakaswerte niyo dahil may Kaiden kayo, sobrang pinahahalagahan niya yung mga mahahalagang tao sa buhay niya. Hindi siya nahihiya na ipakita sa iba yung pagmamahal niya. Ang cute lang."

Ano ba 'yan. Nahihiya ako.

Medyo ilang pa ako, bakit hindi na small version ang tingin ko kay Anna? Pakiramdam ko, kaibigan ko na siya.

Mahalagang kaibigan.

Sabi na crush talaga ako ni Anna.

Sa gwapo kong 'to?

Pero aaminin ko na napahinto talaga ang buong kalamnan ko sa sinabi ni Anna, maliban sa puso dahil kumakabog ito nang kakaiba.

Nakakatuwa na may nagpapahalaga pala ng ginagawa ko.

"Thank you, Anna, for being with us and being with Kaiden," malambing na sabi ni Dad.

"You know Hon, si Kaiden ang nagplano ng lahat ng 'to kinuntsaba lang niya kami ni Anna," dagdag ni Dad na nagpagulat sa akin.

Bakit niya sinabi? nahihiya na tuloy ako. Mahigpit kong niyakap si Aiden.

"Really? That kid-Kaiden! I know you're there!"

Sa tingin ko, kasing pula na ng kamatis ang mukha ko, nakita na ako ni Mama kaya no choice. Nilagay ko sa mukha ang likod ni Aiden para maitago ang mukha habang nagpapakita sa kanila.

"Narinig ko pinag-uusapan niyo raw si Kaiden," saad ko sa maliit na tono.

"Kay Kara 'yan, right?"

Pinakita ko ang poging mukha ko habang binababa ang bear sa upuan. "Hindi." Iling ko. "Sa inyo po talaga ito."

Crossing Roads Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon