All characters names, event and setting are fiction
This story is purely from imaginations, any part of the story that is similar to other stories are coincidence
Reader below 18 are not suitable
Plagiarism is a crime
This story contains mature scene***
Helena POV
Nakasuot ako ng itim na black victorian gown. Habang nakatayo sa entablado. Nanlilisik ang mata ko sa galit dahil sa pag ta traydor sa kin ng step sister ko si Lady Bridgette Fiennes - White. Kasama ang pinakamamahal kong Grand Duke na si Simon Ibrahim. Puno ng poot na nakatingin sa kin.
Ang lalakeng iniibig ko.
Inaamin ko na masyado ko siyang minahal. Kahit nag mumukha na akong katawa tawa sa paningin ng iba. Dahil sa paghahabol ko sa Grand Duke of Ibrahim. Isa sa mga bansa ng Kingdom of Etherial.
Sa kabilang banda ang aking ama si Duke Joseph Cannes - White, The Dukedom of White kasama ang asawa nito Duchess na si Sonia Fiennes - White, pati ang anak nitong panganay si Marquis Bryan Fiennes - White na stepbrother ko. Lahat sila masama din na nakatitig sa kin.
Naririnig ko ang sigawan ng mga tao. Puno ng pangungutya at pag aalisputa sa akin.
Isang hindi kinikilalang noble na pupugutan ng ulo. Dahil sa kasong panlalason sa legitimate na anak ng Duke Joseph White na si Lady Bridgette Fiennes - White. Ang kilalang mabait at mabuting anak ng Duke.
Wala akong kasalanan!
Gustuhin ko mang isigaw subalit binusalan ako ng maruming tela. Paano ko ipag tatanggol ang aking sarili kung lahat ng nanonood sa kin ay poot at pagkasuklam silang nakatingin sa kin.
"Lady Helena Joyce Calliope - White is sentenced to death penalty in a crime of attempting poisoning of Lady Bridgette Fiennes - White. The House of White."
Naramdaman ko na may itinali sa aking mata. Ang itim na bandana.
Nanginginig ang buong katawan ko sa takot.
Oo, inaamin ko natatakot ako sa kakaharapin kong kamatayan. Dahil hindi ko alam kung saan ako patungo kung sa langit ba o sa impyerno.
Nauwi sa wala ang hirap at sakripisyo ko na mahalin ako ng pamilya ko.
Sa edad ko na labing anim na taon gulang. Hindi ko man lang naranasan na makapag aral dahil sa kagustuhan ito ng aking ama. Lumaki akong mang mang at walang alam sa buhay. At isa din sa ayaw niyang malaman ang tungkol sa pagkatao ko.
Ikinahihiya niya akong anak dahil ang aking ina ay isang katulong sa pamilyang White.
Sa angkin kagandahan ng aking ina na akit ang Duke at hinalay niya ito. Kahit labag sa kalooban ng aking ina. Itinago ito sa publiko para hindi malaman ang kahihiyang ginawa ni Duke Joseph Cannes - White.
Namatay ang aking ina pagkapanganak sa akin.
Sa totoo lang. Wala akong alam sa pamilya ng aking ina. Lumaki akong tinatrato na parang basura ng pamilyang White at binukod ng tirahan sa Mansion ng White.
Dahil sa masama ang trato sa akin ni Duchess Sonia. Palagi akong tahimik at hindi kumikibo kahit anuman ang sabihin nila sa akin na masasakit na salita. Tiniis kong hindi sumagot. Dahil isa lang akong sampid sa pamilyang White.
Akala ko hindi na magugulo ang buhay ko. Hanggang sa makilala ko si Grand Duke Simon Carter - Ibrahim. Ang lalakeng itinatangi ko. Unang pag lapat pa lang ng mata ko sa kanya.
Nahulog na ang loob ko. Dahil sa angkin nitong kagwapuhan. Maraming kababaihan na naghahangad kay Grand Duke Simon Ibrahim, bukod sa itsura at kakisigan kasama pa na maayos itong mamuno sa bansa nila.
BINABASA MO ANG
The Villainous Doctor (Under Editing)
FantasyPaano mo maitatama ang ikatlong buhay?