Simon POV
Imbitado ako sa Royal Academy bilang panel ng Archery competition.
Malapit na ako sa naka reserbang upuan para sa kin. Nang sinalubong ako ni Bridgette.
"Ma - mahal ko" Naiiyak niyang sabi. May halong pagmamahal na nakatitig sa kin. Subalit hindi ko kailangan ang pag mamahal niya. Hindi na siya ang babaeng itinatangi ko.
"Anong kailangan mo sa kin. Lady Bridgette?" Bagot kong tanong.
"Mahal ko, mag usap tayo. Parang awa mo na" Nakikiusap niyang sagot.
"Sinabi ko na sa iyo. Bridgette, ayoko na sa iyo. Kaya itigil mo na ang kakahabol sa kin." Naiinis kong sinabi.
"Subalit mahal kita. Ibinigay ko ang sarili ko sa iyo. Dahil... Dahil akala ko mahal mo din ako" Napangisi ako sa kasinungalingan niya.
"Bridgette, Bridgette, hindi lang ikaw ang babaeng nakatalik ko. Marami kayo! Kaya alam ko na hindi ako ang unang lalake sa buhay mo!" Nanlaki ang mata nito sa gulat.
"Hi - hindi! Ikaw lang ang unang lalake - "
"Tumigil ka na! Kahit ano pang sabihin mo. Hinding hindi na ako babalik pa sa iyo" Pumatak ang luha sa mata nito. Makikita ang sakit sa mukha niya.
"Kung ganon. Kung ayaw mo na sa kin. Maaari ba akong makiusap sa iyo na... Ibalik ang titulo ni Ama. May... May pinag samahan naman kayong dalawa." Tumiim ang bagang ko.
"Ibalik? Maraming niloko at sinamantala ang iyong ama. Ang pangungurap niya sa pera ng bayan. Sa tingin mo? Maaari ko pa siyang ibalik?" Natatawa kong sagot.
"Pakiusap! Gagawin ko ang lahat. Basta't ibalik mo lang ang titulo namin" Akmang hahawakan ako sa braso.
Subalit lumayo ako sa kanya. Biglang may pumasok na idea sa isip ko.
Maaari ko siyang magamit sa Prinsipe.
"Sige, papayag ako na ibalik ang titulo sa iyong ama bilang Duke. Ngunit may kapalit." Nakangisi kong sinabi.
"A - ano yun?"
"Akitin mo ang Crown Prince" Nanlaki ang mata nito.
"Ngunit may iniibig na ang Prinsipe. Si... Si Lady Helena!" Gulat nitong sagot.
"Gagawin mo o mawawala ng tuluyan ang titulo sa inyo?" Mariin ko siyang tinitigan. Kumuyom ang kamao nito.
Akmang sasagot siya. Nang makarinig kami ng anusyo mula sa tagapag salita ng programa. Lahat kami napatingin sa grupo na lumabas sa stage.
Napaawang ang labi ko. Nang makita ang babaeng itinatangi ko. Kaya nahinto ang pag uusap namin ni Bridgette. Dahil napatitig ako kay Helena na Napakagandang binibini.
Napakaganda niya! Para siyang anghel!
***
Helena POV
Pagkatapos ng aming show sa stage. Sinabi ng mga guro na pumunta kami sa guild seige para panoorin ang competition ng Junior at Senior student ng Royal Academy.
Maglalaban ang mga Junior and Senior student ng Archery, Blade at Knight.
Archery sila ang humahawak ng Bow and Arrow
Blade sila ang humahawak ng Sword
Knight sila ang humahawak ng Axe.
Kapag natalo ang isang student. Magiging isang kawal ito sa Royal Academy.
Kapag nanalo ang estudyante sa larangan ng pakikipag laban. Pwede silang maging Grand Duke, Duke, Marquis, Viscount at Baron.
Ang Grand Duke ang mamumuno ng isang bansa. Parang presidente ng Pilipinas. Katulad ng Ibrahim, Windsor, Campbell, Hamilton.
BINABASA MO ANG
The Villainous Doctor (Under Editing)
FantasyPaano mo maitatama ang ikatlong buhay?