Chapter Twenty-Two

496 26 2
                                    

Helena POV

Tumaas ang kilay ni Lady Anna at Lady Bridgette.

"Ikaw? Sasali? Anong alam mo sa archery?" Natatawang saad ni Lady Anna.

Ang yabang talaga ng babaeng ito.

Aminado ako na magaling si Lady Anna sa blade. Kilala siyang matapang ngunit ang ugali niya kasing baho ng basura sa sobrang sama ng ugali.

Sumingit si Lady Bridgette.

"Wala ka naman pag aari para sumali ka sa Bow and Archer?" Nag paghahalataan na mukhang pera ang babaeng ito.

"Pag aari? Meron naman. sarili ko" Banat ko.

"Puro ka kalokohan. Lady Helena, isa ka lang naman iskolar ng Royal Academy. Kaya hindi ka maaaring sumali sa paligsahan ng Archery" Sabad ni Lady Anna.

Tumaas ang kilay ko.

"Ang dami mong alam! Kakabanggit lang ng host kung sinong gustong sumali. Kaya nga nag insist na ako. Dahil walang gustong lumaban sa inyo" Pang aasar kong sagot. Tumingin ako sa host na hindi malaman ang gagawin.

"Hindi daw ako maaaring sumali dahil wala daw akong pag aari" Nakasimangot kong sinabi sa punong abala.

"Ha? Ngunit - " Pinutol agad ni Bridgette ang sasabihin ng punong abala. Dahil sa bulungan ng mga estudyante. Kaya bigla itong naalarma.

Hindi ko akalain na may ganyan pag uugali si Lady Bridgette.

Dahil ba walang pag aari. Hindi na maaaring sumali sa pagligsahan?

Totoo nga ang balitang kaya siya hiniwalayan ni Grand Duke Simon dahil may kasamaan ang kanyang ugali

"Lady Helena, maaari ka ng sumali" Palihim akong napangisi.

"Dami mo pang sinasabi. Bibigay din pala" Mahina kong bulong.

"Anong sinabi mo?!" Hindi napigilan tanungin ni Lady Anna.

"Ngunit hindi naman kita nakitang humawak ng bow and archer para sumali ka sa paligsahan. Kaya't huwag ka ng mangarap na matatalo mo ako" Pagyayabang ni Lady Bridgette.

"Ganito na lang. Kapag nanalo ako. Ibabalik mo ang lupain kay Lady Rachelle. Kapag natalo ako. Magiging alipin mo ako habang buhay. Ano? Deal? " Nakangisi kong sinabi.

Nakita ko ang palihim na pag ngiti ng dalawa. Sa pagkakaalam ko magkaklase sila at graduating na ngayon taon.

"Sige pumapayag ako!" Siguradong sagot ni Bridgette.

"Good! Madali naman pala kayong kausap. Dami n'yong ka echosan!" Kinuha ko ang bow and archer.

"Echosan? Anong ibig mong sabihin?" Naiinis na tanong ni Lady Anna.

"Wala! Itanong mo sa buwan baka sagutin ka ng araw" Mas lalong nainis ang dalawa.

"Wala kang kwentang kausap!" Inis na bulong ni Bridgette. Ayaw nitong iparinig sa iba ang masasama nitong sinabi.

Hindi ko na lang siya pinatulan

"Sino ang mauuna sa ting dalawa?" Tanong ko kay Bridgette.

"Ako ang mauuna" Nakangisi niyang sagot. May hawak na itong bow. Kaya mabilis siyang pumuwesto.

Naunang nagpakawala ng arrow si Bridgette. Napangiti siya dahil nine ang score niya.
Wala pang nakakakuha ng bullseye. Maliban lang kay Grand Duke Simon na isang beses nag Bullseye sa target.

Si Bridgette ang kauna unahang babae nakakuha ng mataas na score.

Ang galing talaga ni Lady Bridgette! Humahangang bulong ng mga estudyante.

The Villainous Doctor (Under Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon