> steal's pov" come again sir " sabi nung cashier
lumabas na ko ng fastfood at naglakad na pabalik sa hospital, bumili kasi ako ng makakain namen ni joshua, nandito din kasi sya para dalawin si anae.
bzzzzt bzzzzt bzzzzzt bzzzzzt
agad kong kinuha yung cellphone ko para tingnan kung sino yung tumatawag. pagkakita ko kung sino yung caller ee sinagot ko na
( ARGEL ! ....HURRY UP ! COME BACK HERE ! ..... SI NATH....) sigaw nya sa pagitan ng hingal nya
" what about my anae ? what happen ?" sunod-sunod na tanung ko pero tumatakbo na ako papunta sa hospital
( @$/(/"/:/$'/@ sya ) pagkasabi nya nun ay pinatay ko na yung tawag at mabilis na tumakbo papasok sa loob ng hospital. wala akong naintindihan sa sinabi ni archie ee
agad akong pumunta sa kwarto ni anae at duon nakita ko na umiiyak si anna. nilapitan ko sya. " anna, what happen ?" tanung ko,
umiiyak sya habangg tinuturo ang kama ni anae, at pagtingin ko dun halos malaglag ang panga ko nung makita ko na wala si anae sa kama. teka ? paanong
naalintana ang mga tanung ko nung magsalita si anna " hindi namen alam kung bakit sya nawawala basta pag dating ko na lang dito wala na sya " tapos umiyak ulit sya.
hinimas-himas ko yung likod nya para tumahan sya. nawawala si anae ? sino namang tarantado ang kukuha sa walang malay na babae ? o baka naman ipinakuha sya ng masasamang loob na gusto syang tapusin ? no! hindi pwede .
matapos kong magpaalam kay anna ay agad na akong lumabas ng kwarto at hinanap sya. halos nalibot na namen ang buong hospital pero wala parin kameng nakikitang anae. nasan ka na ba ?
" lahat na napuntahan naten pero wala parin sya . " sabi ni mario
" kung i-report na kaya naten sa mga pulis ? " tanong naman ni archie,
sabay-sabay namen syang tiningnan ng masama, at mukhang nakaramdam naman sya " sorry naman ee kasi wala sya dito ee " pout na sabi nya
napailing nalang ako. ito talagang ate ko kung ano-ano naiisip ee. pero back to business wala si anae sa lahat ng bahagi ng hospital ? then nasan sya ? ayoko naman isipin na kinuha sya ng kung sino dahil ang gusto kong isipin ay nagising na sya at nagpahangin lang sa roof top ... teka! roof top..
" may pumunta na ba sa roof top ?" tanung ko, lahat naman sila ay kunot noong napatingin saken at maya-maya
" sh*t " sabay-sabay na bulalas nila kaya nagtakbuhan na kame paakyat sa fire exit dahil puno ang elevator.
" p*t@ bat walang nakaisip saten na nasa rooftop sya ?! " sigaw ni joshua
" tss. hindi naman kasi naten akalain na mawawala sya " sabi naman ni mario
" pero sana naisip naten na paborito nyang tambayan ang rooftop " hindi ko alam pero nung sinabi yun ni eren feeling ko matagal na nyang kilala si anae.
dahil sa mas importante samen na makita si anae ay isinantabi ko na muna ang mga iniisip ko. at isa pa sigurado naman ako na hindi kilala ni anae si eren dahil kung oo. dapat kasama sya ni anae sa gang. gangster rin kasi si eren.
pagkaakyat namen ng rooftop ay agad kong binuksan ang pinto. at bigla akong nakaramdam ng kaba nung makita ko ang babaeng nakatayo na nakatanaw lang sa napakagandang view rito sa roof top.
sa tindig nya pa lang, isang babae lang ang pumasok sa isip ko nung nakita ko sya. yun ay walang iba kundi si .. " Anae !"
hindi ko na inantay pang lumingon sya dahil alam ko sa na sya nga yan. ramdam kong sya ang babaeng inantay kong magising sa loob ng lagpas dalawang linggo at higit sa lahat, alam kong sya ang babaeng mahal ko dahil yun ang sinasabi ng puso ko.
BINABASA MO ANG
My Wife Is a gangster ( Unedited)
AçãoMy wife is a gangster ( MWIG ) ay book 2 ng Casanova prince met gangster princess ( CPMGP ) dito natin malalaman kung ano nga ba ang magiging buhay ng mga bida na sina Nathan at steal o mas kilala bilang "Nargel couple " after they get married at m...