Contract Thirteen: Maging friends?

94 5 1
                                    

Contract Thirteen: Maging friends?

Ae’s POV

“So, after a few minutes we will start the audition. Remember the rules. Kayo mismo ang pipili ng line na iaact niyo sa harap. Igugroup kayo in to three. Drawlots ang gagawing pagpili. Hindi namin iaannounce kung sino ang mga judges they will judge you from far. Makikilala niyo sila later for the announcement. Blah blah blah.”

Hindi na ko nakinig kay Miss Guinto, binasa ko na lang yung script. Wala pa’ng title, pero maganda yung pagkakagawa. Tungkol sa lalaking iniwan ng babae tapos nainlove sa iba tapos biglang bumalik yung babae gumulo na ang lahat. Alam niyo na ang ending. HAHAH.

“Number, 8, 5, and 6 please proceed na sa stage.” Tinignan ko yung number ko. Number 8, ako pala yun. Hehe. Nagulat ako pag akyat ko sa stage. Is this my lucky day? “Oh, what a great combination. Miss Lee, Mister Monreal, and Miss you are?” Hindi ko alam kung matatawa ako o hindi eh.

“Elizabeth Mender Miss.” She smiled, pero may pagka plastic. Siguro nainis siya.

“Oh yes, Miss Mender, so you know the rules hindi ko na naman siguro kailangan ulitin. Sino ang mauuna?” Hmm. Bigla ako’ng napaisip. Lumapit ako kay Maykel, at hinawakan siya sa braso. Pag ako ang nauna, kailangan alam na nila ang kasunod.

“Tanging ikaw lamang ang aking iibigin, walang ibang hiling kundi ang yakap mo’t halik…” Kanta ko, wala pa naman talagang kanta na nakalagay, pero trip ko lang kumanta para malito sila. “Wala na ba talaga tayo? Akala ko ba naiintindihan mo ako? Anong nangyari?” Dahan dahan ko’ng pinaluha ang mga mata ko. Tinitigan lang ako ni Maykel, hindi ko alam kung nakuha na ba niya kung ano’ng part yun o nag iisip pa siya. Inalis niya yung kamay ko sa braso niya.

“Sana hindi ka na lang bumalik…” Umiwas siya ng tingin at tumingin kay Eliz, na hindi ko din alam kung alam na niya yung part na iaact naming ni Maykel. “..may mahal na ako’ng iba.” Sa totoo lang wala namang line dito si Eliz, kaya ito ang pinili ko para maging props lang siya. HAHAH.

“Liar! Tumingin ka sakin tsaka mo sabihing hindi mo na ako mahal.” Patuloy pa din ang pag iyak ko. “Hindi ako naniniwala, ginagawa mo lang siyang panakip butas!” Dahan dahan siyang humarap sakin at tinignan ako sa mga mata.

“I’m sorry, pero…” Pumikit siya ng mariin at tsaka tumingin ulit sa mga mata ko. “Hindi na kita mahal.” Tinapangan ko yung tingin ko sa mga mata niya.

“Then, I’ll make you fall for me again. I still love you, and I never stop loving you.” Tumalikod ako at bumaba na ng stage. Nagpalakpakan yung mga ibang mag o-audition.

“Sana nakita mo si Eliz, she froze at the stage. HAHA. You are the best Ae!” Nag high five kami ni Ecka, kakatapos lang iannounce yung mga roles. Syempre kami ni Maykel ang napili for the lead, tapos si Eliz yung dun sa ka love triangle. “Pero biased lang sila Lolo kaya siya ang napili sa role na yun. Ni wala nga siya’ng line dun sa  napili mo’ng part eh.”

“Sinadya mo naman talagang piliin yung part na 'yun dahil alam mo’ng malalamangan kita kapag may linya ako.” Nagulat ako nung nakita ko si Eliz sa kabilang table.

[IN THE PROCESS OF REVISING]Breaking the ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon