Contract Two: Bawal tumakbo sa corridor.
MK’s POV
“Ikakasal na kami.” Napatingin kami’ng lahat kay Eliz. “Hindi mo alam?” Tanong niya sabay tingin kay Ae.
“Oh. Sino ka nga ulit? Ikaw yung girl sa labas kanina 'di ba?” Natatawang tanong ni Ae, akala niya siguro niloloko lang siya ni Eliz.
“Elizabeth Mender, MK’s fiancée.”
“Elizabeth, uhm. Hindi kasi maganda sa pandinig ko yung sinabi mo eh. If you’re the fiancée then I am MK’s wife?” Nagtawanan yung buong grupo namin. Si Eliz naman parang inis na. Hinawakan ko yung kamay ni Ae.
“Wag mo na pansinin yan, bata lang naman yan eh, baka may crush lang sakin.”
“I’m already 16!”
“Elizabeth.” Buti na lang dumating na si Mommy. “Hija nandito ka pala, halika gusto ko makita ni Seb.” Pagtalikod ni Eliz kinindatan ako ni Mommy.
“Sino ba yung bata na 'yun?” Natatawang tanong ni Ae, kami naman ni Ericka pilit na tumatawa.
“Apo 'yun ng mga family friend nila Lolo.” Tumango tango lang siya.
“Ah by the way, Maykel samahan mo naman ako sa JCFMU bukas?”
“Hmm? Dun ka mag-aaral?” Kumunot yung noo niya, tapos nag pout siya.
“Bakit parang ayaw mo?” Tumayo siya tapos nag lakad palayo. Syempre sinundan ko. Hindi naman sa ayaw ko siya dun mag-aral kaya lang kasi baka makick-out siya nang dahil sakin.
“Ae!” Tawag ko sakanya nung nakarating na kami sa gate. “Ae, hindi naman sa ayaw ko. Sino ba namang boyfriend ang ayaw makasama yung girlfriend sa iisang school?” Sabi ko habang hinawakan ko yung braso niya para pigilan siya sa pag lalakad.
“Ikaw.” Hindi pa din siya tumitingin sa akin.
“Okay, sasamahan na kita bukas. Wag ka na mag tampo.” Hinarap ko siya sa akin pero nakayuko pa din siya. “Ae, sorry na. Naqulat lang naman ako kanina eh.” Tumingin siya saakin.
“Ano ba nakakagulat dun?” Halata sa boses niya na medyo naiinis pa din siya. Hay. Kasi bakit ba kasi hindi ko inayos ko yung way nangpagsagot ko kanina. “Sige, bumalik ka na dun sa loob, uuwi na ko.”
“Ae naman. Sorry na kasi. Wag ka muna umuwi please?” Hinawakan ko yung mga kamay niya. “Please?” Hindi pa rin siya sumasagot. “Kababalik mo lang, hindi pa tayo masyado nagkakasama ulit tapos maaga ka pa’ng uuwi ngayong birthday ko, hindi ba dapat kasama kita ngayon hanggang sa matapos ‘tong party? Hindi mo na ata ako mahal eh... Aray!” Binatukan niya ako.
“Yah! Kung hindi kita mahal edi sana hindi na ako bumalik dito. Sabihin mo ulit yan sasabunutan na kita.” Ngumiti ako sakanya. Yung ngiti na alam ko na hindi niya mareresist. “Ano ba!? Wag ka ngang ngumiti ng ganyan!” Ilang Segundo lang napapangiti na din siya, pero pinipigilan niya.
“I love you. Sorry na.” Sabi ko gamit ang pinakamalambing ko’ng boses.
“Hay. Bakit ba hindi kita matiis?” Kinurot niya yung ilong ko. “I love you, too.” Siya na yung kumiss sakin sa lips. Smack lang.
“Kinikilig naman ako.” Napatingin kami, si Ericka pala. “Patampo tampo pa, in the end kiss and make up din naman ang drama. Bakit ba ako nandito?”
“Ano nga ba kasi ang ginagawa mo dito?” Pinanlakihan ko pa siya ng mata, parang sinasabi na istorbo siya.
“Aba, ako naman ay concern citizen lang ng Pilipinas ang tagal niyo kasi bumalik, kaya akala ko kung ano na nangyari, nag tutukaan lang pala kayo.” Kinikilg na sabi niya. Kami naman ni Ae natawa na lang.
11pm na natapos yung party sa bahay. Si Eliz maagang umuwi, hindi naman siya nag paalam sakin sinabi na lang sakin nila Mommy na umuwi na nga daw si Eliz, wala din naman ako’ng pakialam. Buong gabi ipinakilala ko sa mga tao dun na girlfriend ko si Ae, pati kila Lolo. Wala naman sila sinabi, ang bait pa nga nila kay Ae eh. Naisip ko nga baka niloloko lang ako nila Mommy about sa freaking contract pero bigla ko ding naisip na narinig din ni Ericka yung tungkol dun. Hay buhay life.
“Good morning.” Dahan dahan ko’ng dinilat yung mga mata ko. “Good morning sleepyhead.” Nginitian ko si Ae. Dito nga pala ako natulog sakanila, sa guest room nila. Ahem, para magkaliwanagan lang. Tinulungan ko kasi siya mag ayos ng mga gamit niya. Kadadating lang niya kasi kagabi nung nagkita kami.
“Good morning.” Tinignan ko yung wristwatch ko. “Eight na pala.” Tumayo na kaagad ako.
“Wag ka na mag madali, sabi ni Tito Seb dun na daw tayo dumiretso sa office niya mamaya. Kinuha niya na sakin yung mga documents na kailangan ko for enrollment.” Humiga ulit ako, hinatak ko siya napahiga siya sa braso ko. “Yah!” Pinalo niya ako sa dibdib.
“What? Si Daddy na bahala 'di ba? Tulog muna ulit tayo. Ano’ng oras na tayo natulog kanina. Ang dami mo kasing gamit eh, parang inuwi mo buong kwarto mo sa Korea.” Pinalo niya ulit yung dibdib ko. “Aray! Nakakadalawa ka na ha, isa pa hahalikan na kita.” Papalo sana ulit siya, kaya lang bigla niya siguro narealized yung huli ko’ng sinabi. “Ano? Palo na.”
“Tse.” Tumayo na siya. “Magpreprepare lang ako ng breakfast.” Umupo ako.
“Yiiee. Nagpapractice na siya na maging Mrs. Monreal.” Binato siya sakin yung unan sa sofa. “Oy! Nakatatlo ka na ha! Halika dito!” Sigaw ko. Nagbelat lang siya sakin. Madaya. HAHAH.
“Thank you po talaga Tito.” Sabi niya kay Daddy habang kinukuha yung assessment paper niya. Diretso na kami mamaya sa cashier para mag bayad.
“Okay lang 'yun hija, kinuha ko na din yung parehas na schedule kay MK para hindi ka mahirapan. Maiba ako, good boy naman ba 'tong anak ko habang nasa inyo?” Tinignan ako ni Daddy nang nakakaloko. Natawa lang kami ni Ae.
“Opo, wala naman po siya’ng ginawa na hindi maganda.” Tumango tango si Daddy pero parang hindi convince.
“Dad, wala po talaga ako ginawa.”
“Wala naman ako sinasabi.” Tumawa nang nakakaloko si Daddy. Tsk.
“Sige po Tito mauna na kami, baka po mahaba pa pila sa cashier.” Bago kami tuluyang lumabas ng office ni Daddy lumingon ulit ako sakanya.
“Dad, hindi nga ako nascore kanina eh. Kahit good morning kiss lang… Aray!” Pinagtawanan lang ako ni Daddy. Lumabas na kami nang tuluyan. “Nakakaapat ka na ha? Isa na lang talaga.” Tinignan niya lang ako nang nakakaloko. Tinapakan niya yung paa ko, tapos bigla siya’ng tumakbo. “Oy!” Hindi pa siya nakakalayo, huminto din siya kaagad.
“Oh Elizabeth, right?” Lumapit ako sakanila ni Elizabeth. “Hubby, nandito na yung fiancée mo.” Biro niya. Inis naman yung mga tingin ni Eliz.
“Bawal tumakbo sa corridor.”
“Oh sorry. Transfer student lang kasi ako.” Nag bow pa siya. “Maykel tara na?”
“Bakit ba Maykel ka nang Maykel? MK nga siya.” Napatingin sakanya si Ae.
“Wae? Kung siya nga hindi nag rereklamo eh. I will call him kahit na ano gusto ko. Yeobo kaja!.” Hinatak na niya ako. Si Eliz hindi na naman maipinta ang mukha, gusto ko nang tumawa ng malakas. HAHAH. [Wae(왜): Why? - Yeobo(여보): Honey – Kaja(가자): Let’s go]
BINABASA MO ANG
[IN THE PROCESS OF REVISING]Breaking the Contract
Roman pour AdolescentsKung ang parents ni MK ay nalagpasan ang Marriage Contract, siya din kaya? Maipaglalaban niya ba ang pagmamahal niya kay Ae kung madaming hahadlang?