Contract Six: Promise
MK’s POV
“What do you want to eat?” Tanong ni Eliz, oo siya ang kasama ko. Dapat sa makalawa pa ang susunod naming date, pero ginawa ko ngayon dahil monthly anniversary namin ni Ae 'yun. Ang pangit naman kung hindi ko siya kasama 'di ba?
“Kahit ano.” Walang gana ko’ng sabi. Ibinaba niya yung menu at tumingin sakin.
“Dapat hindi mo muna ako inaya kung wala ka naman palang gana.” Tumingin lang ako sakanya at nagkibit balikat. “I heard na monthsary niyo daw ni Ate Ae sa makalawa…” And there she goes again. Tinawag na naman niya’ng ate si Ae, ano ba trip nito’ng batang 'to? Hindi ko inalis yung tingin ko sakanya. “Why don’t you bre…”
“Hindi ka ba kakain? Kasi kung hindi umuwi na tayo para matapos na 'to.” Ayaw ko marinig yung sasabihin niya. Baka kung ano magawa ko. Huminga siya ng malalim.
“Gaano mo siya kamahal?” Seryoso yung itsura niya, nung napansin niya’ng tinitignan ko siya inangat niya ulit yung menu, tinakpan yung mukha niya. “Ano?”
“Mahal na mahal, I can even see my future with her.” Sabi ko ng walang kahit ano’ng pag aalinlangan. 'Yun naman kasi yung totoo eh.
“If that so… Bakit mo pa sinusunod yung arriange marriage natin?” Hindi ko makita yung expression niya, nakatakip pa din kasi yung menu sa mukha niya eh.
“Kung ganun lang kadali na huwag sundin yung contract na iyon, edi sana wala ako dito ngayon.” Tumawa ako ng pagak. Binaba na niya yung menu.
“Uwi na tayo.” Nagkibit balikat lang ako nung nauna na siya’ng naglakad palabas. Dumiretso ako sa kotse ko, hindi ko naman siya kailangan ihatid kasi andyan naman ung driver niya. “Salamat sa pag-accompany.” Tumango lang ako. Nung pagkasakay niya sa kotse nila, sumakay na din ako sakin.
Habang ng mamaneho ako pauwi, napapaisip ako. Ang weird ng gabi na ito, why did she asked those questions? Iba kasi yung dating nung tinanong niya, para siya’ng normal na tao. Hindi ko sinasabi na hindi siya normal, what I’m saying is parang na wala yung pagkamaldita niya. Oh well…
“Ecka, please?” Ang haba kasi ng Ericka, may nickname naman siya. So ito ako ngayon kinukulit si Ecka na payagan na ko’ng gamitin 'tong theater bukas.
“No. Humingi ka muna ng permit sa office.” Tinignan niya ako ng nakakaloko. “Did you already tell her?”
“Tell what and to whom?” Akmang babatukan niya ko, pero nag pigil siya. “What?”
“MK hindi ko alam kung manhid ka o nagtatanga tangahan.” Hindi ko talaga siya magets, ano ba problema nitong pinsan ko? “I’m asking about the contract, haller?”
“Oh. So kanino ko siya dapat sabihin?” She rolled her eyes.
“Oh my~ Pinsan ba kita? Kanino mo pa ba dapat sabihin yung tungkol dun?” Tinitigan ko lang siya. Alam ko naman yung sinasabi niya eh, pero parang ayaw ko lang pag-usapan sa ngayon 'yun. I have a big day tomorrow and I don’t want to think of anything else beside that. Huminga siya ng malalim. “Hindi mo pa din sinasabi sakanya 'no?”
“Kung sinabi ko na sakanya, baka hindi ko na kailangan mag handa para bukas.” Mahina ko’ng sagot. Lumapit siya sakin at tinapik ako sa balikat.
“Hindi mo naman alam ang mangyayari eh, paano kung hindi ka naman niya iwanan kapag sinabi mo? Matalino si Ae, and I know maiintindihan ka niya.”
“I know, pinanghihinaan lang talaga ako ng loob. Hindi ko alam, pero natatakot kasi ako na baka pag nalaman niya…”
“Iwanan ka niya? I don’t think so, we all know kung gaano ka niya kamahal. She even chooses you over his father, remember?” And I remembered everything…
Flashback
“Hindi ako sasama kila Appa papunta sa Korea.” Napatingin ako sakanya, she looks really serious. Lumapit ako sakanya at hinawakan siya sa magkabilang balikat.
“Ae naririnig mo ba yang sarili mo? This is your chance to be with your father tapos hindi ka sasama?” Alam ko kung gaano niya kagusto na makasama yung father niya, ang tagal niya’ng hinintay na bumalik ito. Ngayon namang binalikan na sila nito ayaw naman niya sumama.
“Pinag-isipan ko na ito, Maykel. Hindi talaga ako sasama.” Lalo’ng humigpit yung hawak ko sa balikat niya.
“Ae, ilang taon mo ‘tong hinintay tapos ganito lang? Bakit?” Tumingin siya sa mga mata ako.
“Bakit ba gusto’ng gusto mo ako’ng umalis?” Yung boses niya parang galit.
“Look, hindi sa gusto kitang umalis, pero Ae I know kung gaano mo katagal hinintay 'to.” Tinitigan niya ako, bigla ako’ng may narealized. “Ae don’t tell dahil sakin kaya ayaw mo sumama?” Hindi siya sumagot. Umiwas lang siya ng tingin. “Ae naman…”
“Maykel kasisimula pa lang natin…” Yung kamay ko na nasa balikat niya nilipat ko sa mukha niya at dahan dahan ko siya’ng iniharap sakin. Idinikit ko yung noo ko sa noo niya.
“Ae… Pwede naman tayo’ng mag long distance relationship eh. May facebook, skype at iba pa’ng pwede nating communication. Promise hindi’ng hindi ako titingin sa iba’ng babae. Hihintayin kita’ng bumalik, hindi’ng hindi mawawala yung love ko para saiyo.” Nakatitig lang siya sa mga mata ko, ganun din naman ako. “Ipakaladkad mo ako sa Ostrich pag ipinagpalit kita sa iba.”
“Promise mo yan ha?” Nagpinky promise kami.
End of flashback
“Iba 'yun sa ngayon. Ecka marriage ang pinag-uusapan dito.” She rolled her eyes.
“You can’t marry someone you don’t love.”
“I know, that’s why I’m thinking kung paano ko 'to malulusutan.” She smiled, tapos parang my bulb na lumabas from head. “What?”
“In a month Ae will turn 18, right?” Tinignan ko siya with a questioning look. “Why don’t you ask her to marry you?” Sa sinabi niya, parang biglang nabuhay yung dugo’t kaluluwa ko.
“What!?”
“I mean, if you’re already married wala na sila’ng magagawa 'di ba?” Napayakap ako sakanya.
“Couz, you’re genius. Bakit ngayon mo lang sinabi sakin yan?” Pinalo niya ako sa likuran kaya nilubayan ko na siya.
“MK, I was just joking. Don’t you dare to take that seriously?” Nginitian ko lang siya. “MK, I don’t like your smile. I told you, I was just joking.”
“What? That’s not a bad idea.” Napailing iling lang siya.
“MK stops smiling like that. You’re giving me creepy feeling.” Lalo ko lang siya’ng nginitian. Hinawak niya yung kamay niya sa noo niya. “I’ll lend you the theater, but promise me you won’t ask her to marry you.”
“Promise.” Iiling iling siya’ng iniwanan ako, pero bago siya tuluyang nakalayo nag salita ulit ako. “Oh! Promises are meant to be broken, so don’t count on it.”
BINABASA MO ANG
[IN THE PROCESS OF REVISING]Breaking the Contract
Novela JuvenilKung ang parents ni MK ay nalagpasan ang Marriage Contract, siya din kaya? Maipaglalaban niya ba ang pagmamahal niya kay Ae kung madaming hahadlang?