Contract Five: Sana nga.

166 5 3
                                    

Contract Five: Sana nga.

MK’s POV

“Congrats!” Pilit na bati ko kay Eliz, oo nakapasa siya sa Theater Arts Club. Kung ako lang ang masusunod ayaw ko sana kaya lang hindi eh. Tapos napipilitan pa ako gawin 'to dahil sa kontrata na iyon. Tsk.

Napag-usapan naming  nila Daddy kagabi na sundin ko muna daw yung kontrata habang hindi pa sila nakakagawa ng paraan kung paano madidissolve 'yun. Kaya kagabi napilitan ako pakipagdate sakanya. Wala namang nangyari sa date kuno namin, kumain lang kami tapos iniwanan ko na siya. Ang malala lang na nangyari kagabi yung pinag-usapan namin ni Ae, gusto ko nang sabihin sakanya kaya lang pinangungunahan ako ng takot. Takot na baka iwanan niya ako.

“Thank you!” Nagulat ako nung bigla niya ako’ng niyakap, nilalayo ko siya sakin pero para siya’ng tuko na nakakapit sakin.

“S-s-sorry!” Nagulat ako nung nakita ko si Ae sa pinto, naitulak ko tuloy nang malakas si Eliz. Nag bow siya tapos tumakbo palabas. Tumakbo din ako para sundan siya.

“Ae!” Sigaw ko, lalo siya’ng hindi tumigil sa pagtakbo nung napatingin siya sakin. “Ae!” Huminto siya nung nakarating na kami sa likod nang school, lumapit ako sakanya nanginginig siya… “Ae…” Hinawakan ko siya sa balikat at hinarap sakin. Pagharap niya nagulat ako nung ipinakita niya sakin yung papel.

“N-n-nakapasa ako.” Tumingin siya sakin at pilit na ngumiti, nasaktan ako nung nakita ko yung mukha niya. Alam ko, nararamdaman ko, nasasaktan siya. Niyakap ko siya.

“Ae… Yung nakita mo…” Sabi ko habang yakap yakap ko siya, naramdaman ko yung pag-iling niya at bahagyang pagyuko sa dibdib ko.

“Arasso, walang meaning 'yun 'di ba?” Dahan dahan ako’ng tumango, hindi ko siya pinakawalan sa yakap ko hanggat hindi pa siya kumakalma. “Mianhaeyo… Nagselos kasi ako eh.” Sabi niya pagkahiwalay niya sa yakap ko. (미안해요: Mianhaeyo: I’m sorry.)

“I know… Wala ka namang dapat ipagselos eh, pati siya yung una’ng yumakap.” Nakayuko siya habang tumatango. “Ano ka ba? Hindi kita ipagpapalit dun 'no.” Tumingin siya sakin.

“Yaksok?” Tapos inangat niya yung kamay niya na nakaform parang pinky promise. Pero imbes na mag ganun din ako hintak ko yung kamay niya at kiss siya sa lips. (약속:Yaksok: Promise)

“Promise.” Kiniss ko ulit siya, tapos ngumiti ako sakanya. Nakita ko na ngumiti na din siya, medyo I feel at ease na kahit papaano. “Tara na, mag cecelebrate pa tayo, nakapasa ka 'di ba?” Para siya’ng batang tumatango ang cute, piniched ko yung ilong niya.

“Yah! Lagi mo na lang kinukurot yung ilong ko.” Parang bata siya ulit nung hinawakan niya yung ilong niya.

Kumain lang kami saglit tapos bumalik na school may klase pa din kasi kami eh. Balik naman kami sa normal, though medyo minsan nawawala si Ae, parang malalim ang iniisip. Hindi ko nalang pinansin. Pag uwi namin, sabi ko sa bahay na lang siya kumain pag kapalit niya ng damit, hindi pa kasi umuwi yung parents niya kaya mag-isa pa din siya dun sa bahay nila.

“Mommy, dito po kakain si Ae… Ano ginagawa mo dito?” Tinignan ko ng masama si Eliz.

“Nakauwi ka na pala, MK.” Nalipat yung tingin ko kay Mommy, inaya niya ako sa kusina. “Sorry, hindi kita kagad nasabihan. Nagulat na lang din kasi kami nandito siya eh.”

“Mom, paano po yan sinabi ko po kay Ae dito na lang siya mag dinner.” Inis na sabi ko.

“Eh di dito siya kumain.” Huminga ako nang malalim.

“Hindi po pwede, nag selos na po kanina si Ae dahil kay Eliz, niyakap niya po kasi ako kanina eh nakita ni Ae.” Napahinga din ng malalim si Mommy. “Mom, sa labas na lang po kami kakain ni Ae.” Lumabas na ako ng kusina, kinuha ko ulit yung susi ng kotse ko, lalabas na sana ako kaya lang ang salita si Eliz.

“Saan ka pupunta? Akala ko ba dito kayo kakain ni Ate Ae?” Napatingin ako sakanya. Ate huh? Napasmirk ako. “What?”

“Don’t call her ate, and we have an agreement Eliz, pumayag ako na makipagdate saiyo dahil sabi mo titigilan mo na kami ni Ae, pero ano ginagawa mo dito?” Nag innocent face siya.

“Wala pa nga ako’ng ginagawa eh, may ginawa na ba ako? Yung pagyakap ko ba kanina? Napakaselosa pala niyang si Ate Ae, niyakap ka lang nagselos na?” Pumikit ako ng mariin.

“Stop it. One more word from you, baka hindi na ko makapag pigil.” Iniwanan ko na siya, sakto nasa gate na si Ae. “Ae sa labas na lang tayo kumain, hindi pa pala kasi nakakapagluto si Mommy eh.”

“Eh di tulungan ko na lang siya magluto.” Akmang papasok na siya pero pinigilan ko.

“Hindi na, pagod kasi si Mommy gusto na lang daw niya mag pahinga.” Hindi na naman siya nag tanong, inalalayan ko siya pasakay ulit sa kotse ko. “Saan mo gusto kumain?”

“Kahit saan? Wala ako maisip eh.” Sabi niya habang nakatingin sa bintana, ayan na naman siya parang ang lalim ng iniisip.

“Kanina ka pa parang ang lalim ng iniisip ah.”

“Naisip ko lang kasi… Uhm… Si Eliz, hindi ko kasi siya maintindihan eh.” Tinignan ko siya sa gilid ng mata ko. Hindi ko kasi pwede alisin yung mata ko sa kalsada at baka mabangga kami.

“Huwag mo na kasi 'yun intindihin.”

“Hindi kasi eh, alam naman niya’ng girlfriend mo ko, pero bakit parang hindi manlang siya nahihiya sakin. Lagi pa din siya lumalapit satin, lalo na saiyo.” Huminto ako, kasi nag red na yung traffic light. “Sabihin mo nga, hindi lang kayo basta magkakilala 'no?”

“Nakilala ko lang siya dahil apo siya ng friend nila Lolo, pero bukod dun wala na.” Tinignan niya ako na para bang nanghihinala siya. Ang bilis naman niya makahalata. “Promise, wala na talaga.” Tumingin na ulit siya sa bintana nung nag green na yug traffic light. “Wag na wag ka na lalapit dun sa Eliz na iyon ha? Tignan mo napapraning ka na.” Biro ko sakanya, sinamangutan niya lang ako.

“Pagnilayuan ka lang niya saka lang ako matatahimik.” Tinignan ko ulit siya sa gilid ng mata ko, seryoso siya. Napangiti tuloy ako.

“Nung nakita mo kami magkayakap kanina… Nagselos ka talaga?” Tanong ko sakanya nung naglalakad na kami papunta sa parking lot, pauwi na kami. Inalis niya yung pagkakaakbay ko sakanya.

“Pag ako ba nakita mo nanakikipagyakapan sa ibang lalaki hindi ka mag seselos?” Nag pout siya tapos pinagcross niya yung braso niya.

“Hindi.” Nanlaki yung mata niya sa gulat sa sinagot ko. “Hindi… Hindi lang selos ang mararamdaman ko.” Humawak ako sa balikat niya at tinignan siya sa mata. “Susuntukin ko kagad yung lalaking yayakap saiyo.” Ngumiti siya, tapos nakipagtitigan sakin.

“Kung ganun din pala ang gagawin mo, dapat pala sinampal ko si Eliz kanina.” Nagpout ulit siya. Hindi na ko nakapagpigil, nakurot ko ulit yung ilong niya. Ang cute kasi eh. “Yah!” Kiniss ko siya sa forehead.

“I love you.” Kiniss ko siya sa nose niya. “I love you.” Kiniss ko siya sa lips niya. “Kung meron man silang ilang libong dahilan para iwanan kita, meron naman ako’ng isang dahilan para hindi ka iwanan…” Hinalikan ko ulit siya sa labi. “'Yun ay dahil mahal na mahal na mahal na mahal kita.” Niyakap niya ako ng mahigpit.

“I love you, too!” Kiniss din niya ako sa lips. “Pasimple ka ha.” Sabi niya sabay kurot sa tagiliran ko. Natawa na lang ako.

Hindi muna kami umuwi, tumambay muna kami sa parking lot nung kinainan namin. Wala naman kami ginawa, nakasandal lang sa kotse at nakatingin sa bilog na bilog na buwan habang naka-akbay ako sakanya at nakalean naman yung ulo niya sa balikat ko.

“Sana hindi na matapos ang oras na ito.” Kiniss ko yung forehead niya. Sana nga.

[IN THE PROCESS OF REVISING]Breaking the ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon