Contract Eight: History repeats itself.

156 6 4
                                    

Contract Eight: History repeats itself.

MK’s POV

“Ae… Will you marry me?” I looked in her, but she was looking on the ring. “Ae?”

“No.” Tinignan niya ako sa mga mata ko. “Maykel, I’m only 17.”

“Mag-18 ka na naman in less than a month. I can wait.” Umiwas siya ng tingin. “What’s wrong Ae?”

“Hindi kasi 'yun 'yun eh. We’re too young para magpakasal.”

“Si Mommy at Daddy nagpakasal sila when Mom was 17.” Humarap siya sakin, hindi ko mabasa kung ano yung naiisip niya.

“Maykel, that was years ago. Iba na ngayon.” Tumingin siya sa mga mata ko. “Tell me, why are you asking me this?” Should I tell her?

“Ae… I can’t.”

“Then it’s still no.” Maglalakad na sana siya kaya lang hinawakan ko yung braso niya. “If you can’t tell me now kung ano man ang nagtulak saiyo na tanungin mo ako ng ganyan, hindi kita sasagutin. Maykel, you’re asking me to marry you pero hindi mo masabi sakin kung ano yung problema mo. You don’t trust me, aren’t you?”

“Ae, hindi sa ganun… Hindi ko kasi talaga kayang sabihin.” Hinigpitan ko yung pagkakahawak ko sakanya. “I’ll tell you, but first please say yes.” Tinanggal niya yung pagkakahawak ko sa braso ko. Huminga siya ng malalim at humarap sakin.

“Okay. I can’t take this anymore. Let’s stop here for now. Sobra na 'to Maykel, I’ve waited here three hours. Wag mo na muna dagdagan yung inis ko.”

“I can explain… But not now.” Pumikit ako ng mariin, huminga ng malalim. “Ae…”

“Stop. Talk to me kapag kaya mo nang sabihin. I’m going home.” Tuluyan na siya’ng umalis. Napaupo na lang ako sa lapag. Bigla ko’ng naramdaman yung pagod.

“Huh… Ngayon ko lang naisip yung layo ng tinakbo ko.” Tumingin ako sa langit. “I’m stupid, aren’t I?” Tumayo ako at pumasok sa loob ng theater. Naramdaman ko na lang tumulo yung luha ko. “AAAAAAAAAHHHHHHHH!” Hinatak ko yung kurtina sa stage na may nakalagay na ‘Happy 30th monthsary Ae!’, lahat ng hinanda ko sinira ko sa isang iglap.

“You are stupid, couz.” Napadilat ako nung narinig ko yung boses ni Ecka. “Sabi ko saiyo sabihin mo sakanya yung totoo.” Tinulungan niya ako’ng tumayo. “Tita Jai told me what happened, kaya dumiretso kagad ako dito. Kaya lang late na ako.” Tumawa ako ng pilit.

“Ang sakit couz. Tinanggihan niya ako.” Kinuha niya yung box ng singsing.

“I told you not to do this. Tsaka, dapat tinawagan mo siya na may pupuntahan kayo’ng gathering para hindi siya nag antay dito. Pinaghandaan niya pa naman yung gabi na 'to.” Iniabot niya sakin yung box. “Naintindihan mo na ba Maykel? Kailangan mo’ng sabihin sakanya yung totoo.”

“Kung kaya ko naman ginawa ko na. Kaya lang hindi ko nga kaya.”

“Maykel, from Hotel Monreal to here you will take two hours pagnakakotse ka, pero natakbo mo sa loob ng tatlong oras.” Tinignan ko siya, hindi siya nakatingin sakin. “Kung 'yun nakaya mo para lang mapuntahan siya, bakit hindi mo kayanin na sabihin sakanya?”

“Magkaiba 'yun Ecka.” Tinapik niya yung balikat ko.

“Parehas lang 'yun sa taong nag mamahal. Naduduwag ka lang Maykel.”

“Duwag na kung duwag, ayaw ko siya’ng mawala sakin.” Huminga siya ng malalim, at nagsimula nang maglakad.

“Lalo mo lang siya tinutulak palayo.”

[IN THE PROCESS OF REVISING]Breaking the ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon