Contract One: Ikakasal na kami.
MK’s POV
“Happy Birthday MK!” Bati ng lahat saakin, nginingitian ko lang sila. Medyo hindi ko feel ang birthday ko ngayon. Sabi ko nga kila Mommy wag na lang ituloy ang birthday party na 'to, pero hindi daw papayag sila Lolo na hindi matuloy. Oh well.
“MK! Happy birthday couz!” Sabay kiss sa cheeks ko ni Ericka.
“Thanks couz.” Tumingin ako sa likuran niya. “Andyan na pala yung mga kaklase natin nung high school.”
“Naman!” Hinawakan niya ako sa braso ko.”May surprise ako saiyo.” Hinatak niya ako palabas ng bahay. “Ayaw niya kasi pumasok eh, kaya ikaw na lang ang pumunta sakanya.” Pagkalabas ko sa gate, iniwanan na ako ni Ericka, ano kaya yung surprise nun?
“Ah… Hello?” Sabi ko habang lumilinga linga ako… Okay… Kalsada lang ang nakikita ko… Napatingin ako sa katabi naming bahay. Bumukas yung mga ilaw. Dalawang taon nang walang nakatira dun… Bumalik na kaya siya?
“Happy Birthday Maykel.” Napangiti ako nung nakita ko siya. Parang gusto ko na nga ding umiyak eh. Tumakbo ako papunta sakanya at niyakap ko siya. “Yah!” Pinalo niya ng mahina yung braso ko.
“Ae Young…” Niyakap ko ulit siya. “Akala ko hindi ka na babalik.” Ngumiti siya.
“Pwede ba naman 'yun?” Inabutan niya ako ng maliit pero medyo mahabang box. “Happy birthday.”
“Pwede ko na ba’ng buksan 'to?” Ngumiti lang siya, bubuksan ko na sana kaya lang may nag salita sa likuran ko.
“Ahem. Did I interrupt you guys?” Napatingin kami pareho.
“Eliz.” Pumwesto ko sa harapan ni Ae, yung parang tinatago ko siya kay Eliz. “Kadarating mo lang? Sige pasok ka na sa loob.”
“Ikaw hindi ka pa papasok?” Umiling ako.
“May bisita pa ako dito eh.” Hinawakan ko yung kamay ni Ae, mahigpit. “Girlfriend ko nga pala. Si Ae Young.” Umurong ako ng konti, yung sapat na para makita ni Eliz si Ae.
“Ae Young?” Kitang kita sa mukha ni Eliz ang pagkainis. “Girlfriend huh? Wala ka daw girlfriend sabi ni Tita Jai.”
“Maykel, what’s going on here?”
“Maykel?” Tumingin ng masama si Eliz kay Ae. “Akala ko ba MK?”
“Alam mo Eliz, buti pa pumasok ka na sa loob. Susunod na lang ako.” Lumapit siya at hinatak ang braso ko.
“Hindi ako papasok ng hindi ka kasama.”
“Ae nakabalik ka na pala!” Napatingin kami lahat kay Mommy, lumapit siya at niyakap si Ae. “Bakit hindi ka pumasok sa loob?”
“Tita, kasi parang hindi naman po ako bagay sa loob.” Tinignan niya yung damit niya. “Nakajeans lang po ako, semi-formal po ata yung party ni Maykel.”
“Don’t worry hija, sa ganda mo’ng yan hindi na mapapansin yang damit mo. Plus, nandiyan sila Ericka sa loob I’m sure they will not ignore you.”
“Pero kasi…” Tumingin siya saakin, ngumiti lang ako. “Okay lang ba talaga?”
“Si Mommy na nagsabi.” Inalis ko yung kamay ni Eliz sa braso ko. Nilagay ko naman yung kamay ni Ae sa braso ko. “Let’s go?” Naglakad na kami papasok. Si Eliz, hindi din pinansin ni Mommy, kasi sumabay siya saamin papasok eh. Ewan ko pero feeling ko inis na inis 'yun. HAHAH.
Girlfriend ko talaga si Ae, nung 4th high school pa lang kami na. Uhm 2 years and 5 months na kami. Hindi naman kami nagbreak nung umalis yung family siya papunta sa Korea. Madami naman kasi’ng mode of communications eh. May facebook, yahoo, skype, and twitter? HAHAH. Hindi ko lang alam, kung alam nila Mommy na hindi kami nag break.
“Ae you’re back!” NIyakap din ni Daddy si Ae. “Akala ko you’ll be staying there for good.”
“Of course not Tito, I prefer staying here.” Iniwanan ko muna sila na nag-uusap, lumapit ako kila Ericka.
“Couz, I heard yung usapan nila Lolo kahapon sa bahay. Well wala naman talaga ako balak makinig kaya lang kasi narinig ko involve ka, kaya ayun nakiknig na din ako.”
“Ano ba narinig mo?”
“That you and Eliz…” Tinuro niya si Eliz. “Are getting… You know.” Huminga ako ng malalim. “Paano si Ae? Alam ba nila Tita na kayo pa ding dalawa?”
“I don’t know, pero hindi ko hahayaang masira yung relationship namin ni Ae dahil kay Eliz.”
“You really love her.”
“Oo naman, siya ang dahilan kung bakit ako nag pakatino.” Huminga ulit ako ng malalim. “Nakita mo ba yung contract? Hindi ko alam, pero parang baliw na ata sila Lolo o wala sila sa tamang katinuan nung pinirmahan nila 'yun.” Sinabi ko sakanya yung laman nung kontrata. Ayun tawa siya ng tawa.
“Ginawa ba talaga nila Lolo 'yun? Hihih. Hindi ako makapaniwala.”
“Kung batukan kaya kita dyan?” Napatingin ako kay Eliz, papalapit na siya sa amin. “Couz mauna na ako, puntahan ko lang si Ae, ikaw na bahala diyan.” Iniwanan ko na siya. Pinuntahan ko na sila Mommy sa loob. Umupo ako sa tabi ni Ae.
“Okay ka lang?” Tanong ko sakanya.
“Oo, namiss ko nga makipag usap ng ganito kay Tita.” Sumimangot ako.
“Eh ako, hindi mo namiss?” Iniwasan ko siya ng tingin. Pero hinarap niya mukha ko sakanya tapos pininched niya yung ilong ko.
“Kaya nga ako bumalik dito kasi miss na miss na kita.” Ikikiss ko dapat siya kaya lang…
“Cute.” Umayos kami ng upo ni Ae, nandito nga pala parents ko. Hihih. Sorry naman. “Birthday mo naman, sige aalis na muna kami. Wag lalagpas sa limit okay?” Natawa kaming dalawa ni Ae, ano namang gagawin namin 'di ba?
“Hindi ka ba lalabas dun? Baka mag tampo mga bisita mo.”
“Okay lang yan, araw araw ko naman sila nakikita, eh ikaw? Ngayon lang kita ulit nakita after two years.” Pininched niya ulit yung ilong ko.
“Tara, puntahan natin sila Ericka namimiss ko na din sila eh.” Magkaholding hands kami na lumabas ng bahay papunta sa garden.
“Edi kayo na ang sweet. Kayo na talaga.” Bungad kagad ni Ericka. “Ayaw ayaw pa kasi pumasok kanina, sus si MK lang pala makakapagpapasok saiyo.”
“Wag ka nga.” Nagtawanan lang kami, nagkamustahan, at nag kwentuhan. “Teka maiba ako, good boy ba naman si Maykel habang wala ako?” Si Ericka parang ang sarap batukan.
“Hindi ano nga yan eh…” Tinakpan ko bibig niya.
“Ikakasal na kami.” Napatingin kami’ng lahat kay Eliz.
BINABASA MO ANG
[IN THE PROCESS OF REVISING]Breaking the Contract
Genç KurguKung ang parents ni MK ay nalagpasan ang Marriage Contract, siya din kaya? Maipaglalaban niya ba ang pagmamahal niya kay Ae kung madaming hahadlang?