Contract Nine: Gomawou Oppa.
Ae’s POV
“Ecka~ Do you think tama yung naging decision ko? Gyeolhon ka? Eotteokhahae?” Sabay gulo sa mahaba ko’ng buhok. Nandito kami ngayon ni Ecka sa malapit na restaurant sa school. Pinauna ko ng umuwi si Maykel, gusto ko muna makapag isip isip.
[Gyeolhon ka: by marriage ; eotteokhahae : what should I do?]
“Ako pa tinanong mo, alam mo naman against ako dyan. Tsk.” Inirapan niya ako, nag pout naman ako. “Ae, why did you agree with him?”
“Mahal ko kasi siya eh.” Tumango tango lang siya. “Yah, may alam ka 'di ba?” dahan dahan siyang tumingin sakin at tinaasan ako ng kilay, yung parang nag tatanong. “May alam ka 'di ba?”
“Ang alam ko lang, kahit mag pakasal kayo hindi kayo titigilan nila lolo.” Tumayo siya at iniwanan ako. Naglapag lang siya ng pera pambayad sa inorder niya.
“Yah! Ericka!!! Eodilo ganeungeoya!?” Hindi na niya ako sinagot at tuluyan nang umalis. “Aish.” [eodilo ganeungeoya?: where are you going?]
“Ae young-ah!” Sumimangot muna ako bago ko tinignan yung tumawag sakin. “Ae young-ah! Kailan ka pa bumalik?”
“Shin Jae oppa? “ Kumurap kurap pa ako habang tinititigan siya. “Oppa!” Tumayo ako at yumakap sakanya. “Kamusta na?” Umupo siya sa tabi ko.
“Ikaw ang kamusta na? Nakabalik ka na pala hindi mo man lang sinabi sakin.” Nag sad face siya.
“Aigoo. Hahaha. Ikaw talaga, kababalik ko lang. Hinabol ko kasi yung pasukan para macontinue ko yung studies ko dito.”
“Oh? Saan ka nag aaral? Dun pa din sa dati?” Umiling ako.
“Ani, sa JCFMU ako, yung mother school ng Matthew College.” Tumango tango siya. “Wait, ano nga pala ginagawa mo dito?”
“May date dapat ako eh, kaya lang nung nakita kita kinancel ko na.” Sabay kindat sakin.
“Sipain kita dyan eh.” Nagkwentuhan muna kami sandali tapos nag prisinta na siya’ng ihatid ako pauwi, syempre sino ba naman ako para tumangi. HAHHAH.
Shinjae is my cousin sa father side tapos uncle ko siya sa mother side. Okay alam ko complicated. HAHAH. Yung papa niya at papa ko mag kapatid, tapos si Mama niya Lola ko. Uhm. Bunsong kapatid ng mama nila mama. Oo na magulo, kahit ako nahirapan intindihin yan noon. HAHA.
“Oppa, tingin mo papayag sila appa na mag pakasal na ko pag dating ko ng 18?” Tanong ko habang nasa byahe kami pauwi, hindi ako nakatingin sakanya, sa labas lang ng bintana.
“Waeyo?” Naramdaman ko na tinitignan niya ako sa gilid ng mga mata niya. “Don’t tell me inaya ka na mag pakasal ni Maykel?” Tumango lang ako. “Hindi ba ang bata niyo pa para magpakasal?” Huminga muna ako ng malalim, at nag hintay ng ilang Segundo bago sumagot.
“Medyo complicated kasi yung sitwasyon namin eh.” Hininto niya yung kotse sa isang tabi at hinarap ako. Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita.
“Buntis ka?”
“MWO!? A-a-niyo! Hindi ako buntis!” Kumunot yung noo niya.
“Eh bakit kayo mag papakasal na?” Ikinuwento ko sakanya yung sitwasyon. “Alam mo tama si Ericka eh, hindi naman pag papakasal ang sulusyon sa problema niyo.” Nagulat ako ng bigla siya’ng tumawa. “I can’t believe na uso sa dito sa Philippines ang arrange marriage.”
“Oppa! Seryosohin mo naman. Aish.”
*I hope you won’t get tired day by day…*
“Yeoboseyo?” Walang sumasagot, papatayin ko na sana ng may biglang nag salita.
“Is this Ae Young Lee?”
“Speaking, who’s this please?”
“This is Marcus Cruz, MK’s grandfather. Can we meet at my office?” Napatingin ako kay Shinjae oppa, nakatingin din siya sakin na parang nag tatanong. Tinuro ko yung screen ng phone ko. “Hello?”
“Ah… S-sige po.”
“Then I’ll wait you here at school office.” Then binaba na niya yung tawag.
“Sino 'yun?” Tanong kagad ni oppa.
“Lolo ni Maykel… Punta tayo ng JCFMU, kailangan lang.”
“Come in hija.” Dahan dahan ako’ng pumasok.
“Bakit niyo po ako pinatawag?” Pinaupo niya ako sa couch.
“Naistorbo ba kita sa ginagawa mo?”
“Hindi naman po.” Umupo siya sa katapat ko’ng upuan.
“Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Gusto ko o namin na hiwalayan mo si MK. Nalaman namin ang plano niyo’ng pagpapakasal at alam din namin na alam mo na kung sino talaga ang gusto namin para sa apo namin. Hindi ang isang katulad mo ang gusto namin para sa apo namin.” Habang nagsasalita siya napakuyom ang mga kamay ko. “Alam ko’ng nanggaling ka sa hirap at kaya lang yumaman ay dahil sinuwete ang papa mo sa Korea, hindi ka karapatdapat sa apo namin. Ngayon mag kano ba ang kailangan mo para hiwalayan mo ang apo ko?” Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko.
“Sir sorry kung magiging rude ako sa mga sasabihin ko. Una’ng una sa lahat mahal ko ang apo niyo hindi dahil sa pera niyo. Oo sinuwerte nga lang po kami kaya kami yumaman pero hindi ko naman po matatanggap kung lalaitin niyo yung pinanggalingan ko. Hindi ko po kinahihiya kung ano man ako noon. At kung sa tingin niyo po magpapabayad ako para iwanan ang apo niyo nag kakamali po kayo.” Aalis na sana ako ng bigla siya’ng nag salita ulit.
“Ayos lang ba saiyo na itakwil ng pamilya niya si MK? Mawawala yung karanyaang natatamo niya ngayon. Maaring ikaw okay lang saiyo iyon, sabi mo nga laki ka sa hirap at hindi mo ikahihiya yun. Paano ang apo ko? Hindi siya sanay sa kanilakihan mo’ng buhay. Hindi niya kakayanin na maging mahirap. Kung magmamatigas ka at hindi hihiwalayan ang apo ko wala ako’ng ibang magagawa kundi ang alisin sakanya ang lahat ng meron siya.” Hinarap ko siya.
“Hindi po ba unfair yang ginagawa niyo? Pinipigilan niyo po si Maykel kung saan siya masaya.” Naglakad na ako palabas.
“Huwag ka sanang mag sisi.” May sinabi pa siya pero hindi ko na masyado narinig. Ang sama nila, ang sama sama.
“Ae, sorry pero narinig ko kasi yung pinag usapan niyo eh.” Nagulat ako nung nag salita si Shinjae sa likuran ko. “Sinabi niya pa na ikikick out ka niya sa school kapag hindi ka nakipaghiwalay.” Nagulat ako sa sinabi niya. Babalik sana ako para kausapin pero pinigilan ako niya ako. “Ae, dalawa lang yan eh. You will keep your relationship with MK, tatanggapin mo na makikick out ka at hahayaan mo si MK na maghirap o di kaya hihiwalayan mo siya, mag stay ka sa school makakasama mo pa din siya pero hindi na katulad ng dati ang maganda lang hindi siya maghihirap. Ah! Ang gulo. Ano ba naman kasi yang pinasok mo?” Naintindihan ko naman yung sinabi niya eh. Tama naman pareho.
Hindi ako nagsasalita habang nasa kotse kami pauwi, ewan ko parang nawalan ako ng lakas magsalita. Hindi ko na din alam kung ano ang dapat ko’ng gawin. Tama si ShinJae eh, dalawa lang ang choice ko. Ang makipaghiwalay o hindi. Sa lalim ng iniisip ko hini ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng bahay ko. Bumaba si Shinjae para pag bukan ako.
“Gomawou oppa.” Niyakap niya ako, yung yakap na feeling ko protected ako. Nagulat na lang kami ng may sumuntok sakanya. “Maykel!”
BINABASA MO ANG
[IN THE PROCESS OF REVISING]Breaking the Contract
Teen FictionKung ang parents ni MK ay nalagpasan ang Marriage Contract, siya din kaya? Maipaglalaban niya ba ang pagmamahal niya kay Ae kung madaming hahadlang?