Contract Eleven: No.
MK’s POV
Hindi pa dapat ako papasok, kaya lang pinilit ako ni Daddy, pag hindi pa daw ako pumasok ikikick out na daw siya ako. Oh well, siya ang may ari ng school eh. Wala ako’ng magagawa. HAHAH. Pag pasok ko sa room, hinanap ko kagad si Ae, pero wala siya. Ayoko sanang mag isip ng masama dun sa tawag ko nung nakaraan kaya naisip ko na baka naman may paliwanag siya.
“Okay class, one seat a part. Ang mahuli ko’ng nangongopya at nagpapakopya, alam na ang mangyayari okay?”
“Sir wala pa po si Ae Young.” Tinignan ako ni Sir.
“Nakapagtake na siya ng exams last week, uuwi daw kasi siya ng Korea this week dun ata siya mag dedebut. At ikaw Mr. Monreal, hindi porque anak ka ng may ari ng school pwede ka ng pumasok kung kalian mo gusto. I hope prepared ka para sa exam today.” Nginitian ko lang si Sir.
Hindi ako masyado nakapag concentrate sa exam, iniisip ko kasi yung sinabi ni Sir eh. Bakit hndi manlang nagsabi sakin si Ae? Oo nga pala, hindi na pala kami. After ng class ko hinanap ko kagad si Ecka, alam ko may sinabi sakanya si Ae kahit papaano. Magbest friend sila kaya dapat may alam siya.
“Alam mo MK, kahit ano’ng gawin mo’ng piga sakin wala ako’ng sasabihin dahil walang sinabi si Ae maliban sa naghiwalay na kayo at uuwi siya ng Korea.” Napakamot ako ng ulo.
“Couz naman, wala namang ganyanan.” Tinaasan niya lang ako ng kilay.
“Naku MK, hindi ka kasi lumalabas ng kwarto mo, ayan wala ka’ng alam sa mga nangyayari.” Sinimangutan ko lang siya. “Hay. Kailan ka ba mag mamature? Alam ko nagpalaam si Ae kila Tita Jai bago siya umalis kahapon. Patay daw kasi yung phone mo hindi ka matawagan ni Ae.”
“Eh bakit niya ako kailangan tawagan? 'Di ba hiwalay na kami? Tss.” Akmang babatukan niya ako.
“Tignan mo 'tong gunggong na 'to. Kung yan din naman ang dahilan mo bakit ka pa nag tatanong? Lumayas ka nga sa harapan ko.” Tinalikuran na niya ako, pero pinigilan ko siya.
“Couz saglit lang, kilala mo ba kung sino yung lalaking kasama niya nung gabing nag break kami?” Tinignan niya ako tapos parang nag iisip.
“Sino? Yung mukhang Korean? Nakita ko siya kahapon kasama siyang umuwi sa Korea ni Ae, pero hindi ko alam kung ano relasyon nila. Why?”
“Feeling ko kasi siya yung dahilan kung bakit kami nag hiwalay eh.”
“Hindi ako magtataka kung siya, gwapo kaya nun tapos ang sweet sweet pa nilang dalawa. Sayang hindi mo nakita kahapon.” Nginitian niya ako ng nakakaloko. “Una na ako, may klase pa ako eh.”
“Mommy, bakit hindi mo po sinabi sakin na umuwi ng Korea si Ae?” Nag pout ako. Lumapit sakin si Mommy.
“Akala ko hindi ka interesado eh. Dapat sasabihin ko sayo kahapon kaya lang pinalabas mo ako ng kwarto mo, so paano ko pa sasabihin?” Bigla tuloy ako nainis sa sarili ko. “Buti pa, mag ayos ka na. Andyan na ulit yung kotse mo binalik na ni Lolo mo.” Oo nga pala, kinuha pala ni Lolo yung kotse ko nung iniwan ko sila nung nakaraan. Kaya ako tumakbo pabalik ng school. Sheet.
“Bakit po pala ako mag aayos?”
“May date kayo ni Eliz, hindi mo ba binasa yung text ko saiyo?” Binato niya sakin yung susi ng kotse ko. “Dalian mo na, hindi magandang pinaghihintay ang babae.”
“Pero mommy, bakit po ako pupunta dun?” Niyakap niya ako.
“Alam ko’ng sinabi ni Ae saiyo na bigyan mo ng chance si Eliz, kaya gawin mo na.” Sasagot pa sana ako kaya lang pinigilan niya ako. “Si Ae ang nag ayos ng date na 'to.”
“Mommy hindi na po ba talaga ako mahal ni Ae?” Pilit na ngumiti si Mommy.
“Who knows? Bilisan mo na. Tinext ko na saiyo yung address, puntahan mo na lang.” Pilit na tumango.
“Hi?” Bati sakin ni Eliz. “MK, sorry pala nung nakaraan. Hindi ko naman sinasadya na masampal ka eh.” Ngayong tinitignan ko si Eliz, maganda pala siya at mukhang mabait. Ngayon ko lang ata siya natignan ng ganito. “May dumi ba ako sa mukha?”
“Ah. Wala. Kain na tayo.” Puro favorite foods ko yung nakahayin, pati yung decor ng place yung mga bagay na simple lang pero romantic tignan. “Bakit niya pa kailangang gawin 'to?”
“Hmm? May sinasabi ka?” Umiling ako at tinuloy na lang ang pagkain. “Nagpatulong ako kay Ate Ae na ayusin 'tong place. Sinabi niya sakin yung mga gusto mo’ng pagkain at yung mga ayaw mo sa date.” Tumango na lang ako. “Alam ko kakabreak niyo lang at malamang ako yung sinisisi mo kung bakit nangyari 'yun, pero sana bigyan mo ako ng chance?”
“Kahit hindi naman kita bigyan ng chance, lagi namang mangyayari 'to.”
“Dahil sa contract? Pwede naman nating isipin na hindi nag eexist 'yun. Mag simula tayo sa simula. Papatunayan ko saiyo na kahit wala yung contract ako yung babaeng karapatdapat saiyo. Just give me a chance. Please?” Hindi ako sumagot, hindi ko alam ang isasagot ko eh. “Hinatid ko pala si Ate Ae kahapon sa airport. Bagay sila ng bago niya’ng boyfriend. Ang sweet nga nila eh.” Nakuyom ko yung kamay ko. “Ang alam ko nga din, mag papakasal na din sila eh. Mukhang ang saya saya niya nga eh.” Nabagsak ko yung kutsara ko.
“Pwede ba wag natin pag usapan yung ibang tao? Date natin 'to 'di ba?” Napayuko siya.
“Sorry, akala ko lang interesado ka.” Huminga ako ng malalim.
“Sa susunod wag na natin pag usapan si Ae. Hiwalay na kami kaya hindi na niya kailangan pa’ng mabanggit.” Napatitig siya sakin.
“Si-si-sigurado ka?” Tumango lang ako.
Ginabi na din kami ng uwi, hindi kasi nauubusan ng kwento si Eliz. First year college kasi kaya madaming bagong experience. Lahat at gusto niyang ikwento sakin buti na lang tinawagan na siya ng Mommy niya kaya inihatid ko na pauwi. Naalala ko yung sinabi niya kanina. Totoo kaya yung kay Ae? Kailan pa kaya 'yun? Dalawang linggo palang kaming hiwalay. Hindi na nga ba niya ako mahal? Ganun ba kadali kalimutan 'yun?
“Dude, kailangan natin ng magkocompose ng kanta for the upcoming play. Sa tingin mo ano’ng maganda nating gawin? Gusto ko sana si Ae Young na lang ang magcompose since marunong naman siya. Pero since wala siya, mag pacontest na lang tayo?” Tinignan ko si Mike, hindi ko alam kung alam niya ba na hiwalay na kami ni Ae o hindi. “Why? May nasabi ba ako’ng mali?”
“Wala, mag pacontest na lang tayo. Baka matagalan pa bago bumalik si Ae.”
“Oh. Si-sige. Ecka, kalian ang schedule ng audition for the lead roles?” Tinignan ni Ecka yung folder niya.
“Next week, tapos sabi ni Direk si MK na lang daw ang gawing hero at si Ae Young sa heroine… Kung makakauwi si Ae bago mag start ang rehearsals.” Napatingin ako sakanilang dalawa.
“Wait ano 'to? Bakit hindi niyo sinabi sakin kagad? Alam niyo naman 'di ba?”
“Wow, sino kaya ang hindi pumasok ng dalawang linggo? It’s not our fault. We tried to call you pero cannot be reach ang phone mo.” Napalamukos na lang ako ng mukha.
“Sino ang director ngayon?”
“Si Tita Sharmaine. Yung dean ng Arts and Letter.” You must be kidding.
“No.”

BINABASA MO ANG
[IN THE PROCESS OF REVISING]Breaking the Contract
Teen FictionKung ang parents ni MK ay nalagpasan ang Marriage Contract, siya din kaya? Maipaglalaban niya ba ang pagmamahal niya kay Ae kung madaming hahadlang?