Contract Fourteen: MK, I need to talk to you.

139 6 3
                                    

Contract Fourteen:

MK’s POV

“MK, nakikinig ka ba?” Tinanguan ko lang si Eliz, kahit hindi naman talaga ako nakikinig sa tantrums niya. Nagrereklamo pa din siya dahil hindi siya nakuha sa lead role. Hello? Magsisimula na ang rehearsals nagrereklamo pa din siya. Bata nga naman. “MK!”

“What!? Narinig ko na yan ng maraming beses. So will you stop?” Tss. Pissing me off. “I’m done here. I’m going home.” Iniwanan ko na siya sa loob ng restaurant.

I really want to think na tapos na talaga kami ni Ae. Hindi ko talaga kayang tanggapin. I’m glad na kahit papaano nakakapag usap na kami. Hindi man katulad ng dati, pero at least. Kahit papaano I feel better. I want to take her back. I really do. I just don’t know how to.

“So, now we will start officially the rehearsals. The schedule will be every Sunday and 6 to 8pm every weekdays. If you can’t attend on a specific date please sabihan kagad ang mga officers para ma-excuse nila kayo sa rehearsal. Btw..” Kumaway si Tita Sharmaine sa entrance ng theater parang may tinatawag. May magandang babae na pumasok. “This is Stephanie Kitagawa, siya ang magiging incharge sa costumes and props.”

“Hi! I’m Stephanie, you can call me Steph, para maikli.”

“Ah! Eonnie!” Napatingin kaming lahat kay Ae. Ngayon ko lang napansin, late pala siya. “Oops. Sorry po I’m late.” Lumapit siya at yumakap kay Steph, magkakilala sila?

“Ae-chaaaan! Long time no see, kalian ka pa bumalik dito?”

“Ahem.” Singit ko. “We’re in the middle of something important. Pwede mamaya na kayo mag kamustahan?” Ngumiti lang ng nakakaloko yung dalawa, napa-iling na lang ako. Tss. Mga babae nga naman.

“Blah.. Blah… Blah… That’s for today. Tomorrow na tayo mag start officially mag uusap muna kami ng mga officers regarding sa music, and other things na kakailanganin natin. Ae and Stepahnie kasama kayo sa meeting with the officers.”Nag si alisan na yung mga casts ang natira nalang ay ako, si Mike, si Ecka, si Tita, at yung dalawang huli. “MK, mukhang may uninvited guest tayo sa meeting.” Napatingin ako sa tinitignan ni Tita. Si Eliz, nasa dulo ng mga theater chair.

“Eliz? Dinismiss na kayo 'di ba? Ano pa ginagawa mo dito?” Sabi ko kagad paglapit ko sakanya.

“I’m waiting for you.”

“Matagal 'to, umuwi ka na.” Inayos niya pa yung upo niya.

“Ayoko, I can wait kahit gano katagal. I won’t leave hanggat hindi kita kasama.”

“Do what ever you want. Tss.” Iniwanan ko na siya dun, ayoko kong masira yung mood ko at baka hindi ako makausap ng maayos sa meeting. “Tita, ayaw po umalis eh. Pabayaan na lang po natin.”

“Hindi na 'to pwede sa susunod ha?” Tumango na lang ako.

Inabot kami ng 1am ng medaling araw sa ginagawa namin. Pumili na kami ng mga songs na gagamitin, na discuss na din namin kung ano dapat yung mga props at damit na kakailanganin. Kung magkakaroon man ng kulang malalaman na lang namin pag nag start na ang rehearsals. During the meeting lagi ko lang chinecheck si Eliz, baka kasi umalis na. Pero hindi talaga. Ang tibay din.

“Hey, let’s go.” Aya ko kay Eliz.

“Oppa!” Napatingin ako sa pinto sa likod ng upuan ni Eliz. Si ShinJae. Tss. “Kanina ka pa?” Tinignan muna ako ni ShinJae bago sumagot.

“Kadarating ko lang, sakto lang yung text ni Steph. Kaja?” Tinitigan niya ako, hanggang sa makadating si Ae at Steph sa pwesto niya. “Hey, you’re MK right?” Tumango lang ako. “I’m ShinJae, cousin-slush-uncle of Ae and Stephanie’s boyfriend.” Nakipagholding hands siya kay Steph. “Nice to meet you.” Yun lang tapos umalis na sila.

“Cousin-slush-uncle? Pwede ba 'yun?” Hindi ko na pinansin yung sinabi ni Eliz. Naglakad na ko palabas ng theater papunta sa sasakyan ko. “Hey! Hahatid mo pa ko.”

“Tinext ko na yung driver mo, papunta na siya. Hintayin mo na lang.” Pinaharurot ko na yung sasakyan ko.

Cousin-slush-uncle. Bakit kasi oppa ang tawag niya? Naiinis tuloy ako ngayon sa sarili ko. Parang nag seselos ako sa wala. Tss. Hindi naman sinabi ni Ae na pinsan niya yun. It’s her fault. Pagdating ko sa bahay, chineck ko kagad kung may tao na kila Ae, patay pa lahat ng ilaw, siguro wala pa. Umupo muna ako sa bench sa garden namin. Aabangan ko na lang siya.

“2:30 na ah? Bakit wala pa sila?” Lumabas ako ng gate para dun na lang mag hintay, sakto naman nakita ko si Ae naglalakad. “Ae!” Sinalubong ko kagad siya.

“Maykel? Bakit nasa labas ka pa?” Hindi ko na pinansin yung tanong niya.

“Bakit nag lalakad ka? Bakit hindi ka hinatid ni ShinJae?” Parang nagtaka siya sa tanong ko.

“Gusto ko lang mag lakad lakad kaya nag pababa na lang ako sa entrance ng nito subdivision. May kailangan ka ba?”

“Don’t you think we need to talk?” Mukhang na gets naman niya ako.

“About ba kay ShinJae oppa?” Tumango ako, pasok muna tayo. Medyo malamig dito sa labas eh. Pumasok na kami sa bahay niya. “Juice?”

“Wag na, so… Cousin mo pala siya.” Umupo siya sa tapat ko at tumango. “Bakit hindi mo sinabi sakin?”

“Tingin ko kasi hindi na naman kailangan.” Lumapit at lumuhod ako sa harapan niya. Hinawakan ko yung kamay niya.

“Ae, can I take you back? I miss you so much, and I love you so much. I’ve been torturing myself trying to avoid you. Hindi ko na yata kaya pa.” Tinignan niya ako sa mga mata ko.

“So do I. Pero alam mong hindi na pwede.” Inalis niya yung kamay ko.

“Bakit hindi pwede? Mahal natin ang isa’t isa bakit tayo papaapekto sakanila?”

“Do you really want to do this?” Tumango ako at hinawakan ko ulit yung mga kamay niya.

“I will do everything, bumalik ka lang sakin.”

“Kahit na kailangan nating itago sa lahat? I mean, we can be together again pero hindi nila pwedeng malaman. I know everything. Alam ko kung ano ang mga pwedeng mangyari kapag nalaman nila. I will take the risk, but will you?”

“Tanong ba yan? Syempre naman!” Niyakap ko siya ng mahigpit. “I miss you so much, Ae.” Gumanti na din siya ng yakap.

“Mas lalo naman ako. I love you, Maykel. I’m sorry kasi hindi kita pinaglaban.” Humiwalay ako at tinignan ko siya.

“You don’t need to be sorry. Malulusutan din na din 'to. Sa ngayon, kahit patago. I’m happy to be back in your arms.” Niyakap ko ulit siya. “I love you, Ae. Walang bibitiw ha?” Naramdaman ko yung pagtango niya.

“OMO!” Napabitiw kami sa yakapan namin at napatingin sa pintuan.

“Umma, appa!”

“You’re not about to do something, right?” Tanong ni Tito. Sabay kaming umiling. “MK, I need to talk to you.” Hindi ko alam, pero kinabahan ako sa sinabi ni Tito.

[IN THE PROCESS OF REVISING]Breaking the ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon