Contract Ten: LANG?

109 5 11
                                    

Contract Ten: LANG?

MK’s POV

“Hindi mo dapat siya sinuntok.” Sabay diin ni Ae sa bandage na nilalagay niya sa gilid ng labi ko.

“Sino ba kasi 'yun? Tinawag mo pa’ng oppa.” I pout. “Aray!” Dinutdot niya yung sugat ko! “Ano ba?” Umiwas siya ng tingin sakin tapos inayos na yung first aid kit, hindi manlang ako sinagot. “Hey. May problema ba?” Huminga siya ng malalim bago siya tuluyang humarap sakin.

“Let’s end this Maykel.” Lumapit ako sakanya at humawak sa mga balikat niya. Tinitigan ko siya sa mga mata.

“Hmm. End what?” Umiiwas siya ng tingin, pero pilit ko’ng hinahabol ito. “Something wrong?”

“Everything is wrong.” Hinawi niya yung mga kamay ko, at nag lakad palabas ng bahay nila. Sinundan ko siya, hindi ko maintindihan. Sheet. Ang slow ko na naman ba? “Maykel, ano pa ba ang mga bagay na hindi mo sinasabi sakin?”

“Hmm? Ano ba yang sinasabi mo? Wala na naman ako tinatago saiyo ah? If you’re talking about Eliz and me, 'di ba napagkasunduan na natin yan kanina?”

“Hindi 'yun Maykel.” Huminga siya ng malalim.

“Kung hindi 'yun, ano?” Lumayo ulit siya sakin, hindi na ko nag tangkang lumapit, wala paulit ulit na lang kami eh. “Ano ba kasi Ae?”

“Tapusin na lang natin 'to. Parehas lang tayo’ng mahihirapan eh.” Hindi ako kumibo. Hinihintay ko lang siya mag salita. “Maykel, hindi ko kasi maintindihan kung bakit ko kailangan na maranasan 'to? Alam mo 'yun?” Lumingon siya sakin, saglit na nagtama yung mga mata namin pero umiwas siya kagad. “Nahihirapan ako, mahal kita pero alam ko naman sa badang huli hindi rin magiging tayo eh. Nasasaktan lang ako, o mas masasaktan lang ako pag pinagpatuloy pa natin 'to.”

Pinipilit ko’ng intindihin yung sinasabi niya, pero yung katawan ko parang naparalisa. Hindi ako makakilos, nasasaktan ako. Tao lang din naman ako. Nakakaramdam ng sakit. “Hindi ko maintindihan. Akala ko ba okay na? Nag-usap na tayo kanina 'di ba?” Hindi siya kumikibo, hindi rin siya tumitingin sakin. “Lahat na nga sila sinasaktan ako, pati ba naman ikaw?” Lumapit ako sakanya at hinawakan yung mga kamay niya, pero agad niyang binatawan.

“I’m sorry.” Naglakad na siya papasok ng bahay, hindi na ko nakakilos.

“MK, ano ba’ng ginagawa mo dito?” Nginitian ko si Ecka. “MK, pag nalaman 'to nila tita at Ae naku lagot ka dun.” Natawa ako sa huli niya’ng sinabi.

“Ae? Hindi 'yun mag aalala shakin. Nakipaghiwalay na kaya shiya kanina.” Tinunga ko yung pang walo ko’ng bote. “Ang sarap pala pag 18 ka na 'no? Heheh. Tignan mo ako? Pinapashok nila ko dito, taposh pinayagan pa ko uminom. Ang sarap pala nito, I should drink this more often.” Inalok ko siya. “Inom ka din, masharap promishe.”

“Lasin g ka na MK. Tara na umuwi na tayo.” Hinatak niya yung braso ko pero pumalag ako.

“Ano ba? Dito lang ako, masharap dito. Hindi ko shiya naiiship. Shiguro may shinabi ka kay Ae kaya shiya nakipaghiwalay shakin 'no? Shabihin mo nga? Ano ba mashama kung magpakashal kami pagdating niya ng 18? Wala naman 'di ba? Mahal naman namin yung isha’t isha.” Inangat ko yung bote ko tapos parang inalok siya na magcheer. “Para shakin. HAHAH.” Iinumin ko na sana ng may biglang umagaw ng baso ko. “Elish~ Kamushta ka na?” Inagaw ko ulit yung bote ko tapos tinungga ko ng mabilis. “Alam mo ba? Iniwan na ko ni Ae! Shiguro ang shaya shaya mo 'no? Wala ka na kashi kaagaw shakin. Halika magshelebrate tayo!” Nagulat ako ng bigla niya ako’ng sinampal. Napatayo ako at tinignan siya ng masama. “Ano ba’ng problema mo!? 'Di ba dapat matuwa ka!?”

“Ikaw ano’ng problema mo? MK, hiniwalayan ka lang ni Ae pero sinisira mo sarili mo. Umayos ka nga!” Nginisian ko siya, kahit lasing ako, alam ko ginagawa ko at naiintindihan ko siya.

“Hiniwalayan LANG? Lang? Iniwan ako ng taong mahal ko, tapos LANG? Hindi mo kasha ako maiintindihan eh. Ikaw ang may kashalanan nito eh. Shalamat ha? Maraming maraming shalamat.” Nabuhay yung diwa ko dahil may sumampal ulit sakin. “Ae!”

“Maykel, ano ba’ng ginagawa mo!? Kanina ka pa nagkakalat dito, pinagtitinginan ka na ng mga tao.” Hinatak niya ako palabas ng Kaleji Baru. “Maykel, you’re wasted.”

“Well thanks sa pagsampal mo medyo nagising diwa ko.” Hinilot ko yung ulo ko, medyo nahihilo kasi ako. Napadami yata talaga yung nainom ko. “Ano pala ginagawa mo dito?” Tinignan niya ako ng masama.

“Ikaw? Ikaw ano’ng ginagawa mo? Tignan mo nga yang sarili mo, langung lango ka sa alak. Ano ba’ng gusto mo’ng mangyari?”

“Gusto ko mangyari? Pag sinabi ko ba’ng balikan mo ko babalikan mo ko?” Hindi siya sumagot. “Ano ba yan? Silent means yes?” Huminga siya ng malalim.

“Maykel, wag mo na naman ako pahirapan oh? Please?” Tumawa ako ng payak.

“Please? Ae? Did you said please? Hindi pa ba sapat yung nakipaghiwalay ka sakin at kinailangan mo pa’ng mag please? Masakit na yung kanina, mas lalo pa’ng sumakit ngayon. Kung wala ka nang sasabihin aalis na ako.” Maglalakad na sana ako ng pigilan niya ako sa braso.

“Please be good kay Eliz, give her a chance to prove her self.” Inalis ko yung pagkakahawak niya.

Tama na, nasasaktan na talaga ako. “Sabi mo eh. Ikaw naman ang boss, ikaw ang masusunod.” Tuluyan na ako’ng umalis.

“MK, ilang araw ka ng hindi pumapasok. Okay ka lang ba talaga anak?” Umupo si Mommy sa edge ng kama ko.

“Mommy, ayaw ko muna makipag-usap kahit kanino. Kahit sainyo.” Nagtalukbong ako.

“Naiintindihan naman kita anak, pero wag mo naman sana kami pag alalahanin masyado. Ilang araw ka ng nag kukulong dito sa kwarto mo tapos hindi ka pa kumakain ng maayos. Mas gusto ko pa na nag iingay ka gamit yung gitara mo kaysa yung ganito na nakahiga at nag tatago ka lang dyan sa ilalim ng kumot mo.” Hindi ako sumagot, alam ko naman na maiintindihan niya. Huminga siya ng malalim. “Dumaan si Ae dito kanina, kinakamusta ka.”

“Ano po’ng sinabi niyo?”

“Ano ba’ng dapat ko’ng sabihin? Sinabi ko lang kung ano yung sitwasyon mo. She’s worried, you should give her a call.” Tinap niya ako sa bandang hita ko. “Maganda ang panahon sa labas, hindi kita pipilitin kung ayaw mo pumasok. Pero subukan mo’ng maglakad lakad sa labas para makapag isip isip ka.” Naramdaman ko na tumayo siya at maya maya naman ay yung pagsara ng pinto.

Hinawakan ko yung cellphone ko, madaming nag text pero wala ni isang galing kay Ae, karamihan kay Eliz. Tatawagan ko ba siya? Wag na lang kaya? Kung talagang nag aalala siya dapat kahit isang text meron siya. Itext ko na lang kaya? Namimiss ko na din siya eh. Ilang araw na pero masakit pa din. Mahirap kasi tanggapin eh.

*beep*

1 message received.

Kamusta ka na? Hindi ka daw masyado kumain. Wag mo masyado pag alalahanin sila Tita. Kumain ka na ha? Pati iniwan ko yung Xerox copy ng mga lecture sa mail box niyo malapit na exam, kaya magself study ka na din. Fighting! :)

-Ae Young

To: Ae Young

I miss you, I love you. I want to hold you, hug you, and kiss you. Please bumalik ka na. Torture na 'tong ginagawa mo sakin eh.

-MK

*beep*

1 message received.

I’m really sorry. Bye.

-Ae Young

Calling Ae Young…

“Yeoboseyo?” Nabagsak ko yung phone ko pag karinig ko sa nag salita. Tama na 'to. Ang sakit na talaga.

[IN THE PROCESS OF REVISING]Breaking the ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon