Contract Four: Tahan na.

199 5 7
                                    

Contract Four: Tahan na.

Ae’s POV

“Ericka~ Ano ba magandang sayawin?” Tanong ko habang kausap siya sa telepono at the same time nag sesearch sa internet.

“Ikaw? HAHAH. Hindi ko alam eh.”

“Ano ba yan? Hindi mo naman ako tinutulungan eh.”

“Ano ka ba? Judge ako bukas bakit kita tutulungan?”

“Sabi ko nga~ Hay, wala ako maisip.”

“Hey, nagugutom ako. Kain tayo sa labas?”

“Dadalan daw ako nang food ni Maykel eh?”

“Hmm!?” Yung tono niya parang nagulat na ewan.

“Wae?”

“Alam ko kasi umalis si MK ngayon, may inutos si Lolo.” Chineck ko yung phone ko, wala naman siya’ng text na hindi na niya ako dadalhan ng food. “Sunduin na lang kita dyan ha?”

“Oh sige, daan din ako kila Maykel, wala kasi siya’ng text sakin eh.” Nagbabye na ako, then inayos ko yung sarili ko.

*Ding dong*

“Oh Ae? Pasok ka.” Sabi ni Tito Seb.

“Tito hindi na, itatanong ko lang kung andyan po si Maykel? Sabi niya po kasi dadalan niya po ako ng food, sasabihin ko lang po sana na inaaya ako nila Ericka na kumain sa labas.” Medyo parang lumungkot yung facial expression ni Tito. “Bakit po?”

“Ah wala.” Pilit siya’ng ngumiti. “Ae, umalis kasi si MK eh, may inutos yung Lolo niya sakanya, buti pa itext mo na lang siya.” Nag paalam na ako, paglingun ko nandun na yung kotse ni Ericka.

Nakipagbeso beso siya kay Tito tapos inilock ko na yung bahay at gate, sumakay na ako sa kotse niya. Tinignan ko yung cellphone ko wala pa ding text si Maykel.

“Itext mo na kaya? Kanina ka pa tumitingin diyan sa cellphone mo.” Tumingin ako sa bintana, huminga ng malalim, tapos tumingin ulit sa cellphone. “Baka naman importante yung pinagawa nila Lolo kaya hindi ka niya maitext?”

“Gano lang ba yung itext ako 'di ba? Masyado ba’ng abala 'yun?” Huminga ulit ako ng malalim. “Itetext ko na nga.”

To: 내사랑. (My love.)

Yah, wag mo na ko dalan ng food, I’m with Ericka, nag aya kasi siya kumain sa labas eh. Pinuntahan kita sainyo pero wala ka daw, asan ka ba? :\

-Ae

Hanggang sa makarating kami sa kakainan namin ni Ericka wala siya’ng reply. Siguro nga busy siya. Hay. Habang tinitignan ko yung menu lalo ako’ng nawawalan ng gana. Hindi ko alam kung bakit. Hay. Ano ba naman 'to?

“Ae? Are you okay? Gusto mo mag take out na lang tayo tapos sa bahay niyo na lang tayo kumain?”

“Okay lang?” Tumango siya at nginitian ako. Tumayo si Ericka over the counter na lang daw siya oorder.

*I hope you won’t get tired day by day...*

Calling 사랑

“Yeoboseyo?” Mahinang sagot ko. Hindi ko alam, pero parang bigla ko’ng gusto’ng umiyak. (Yeoboseyo(여보세요):Hello)

“Ae asan ka?”

“Ikaw asan ka?”

“Pauwi na ko. Saan kayo kumain ni Ericka, puntahan ko na lang kayo.”

“Hindi na, nag take out lang kami, pauwi na din kami maya maya.”

[IN THE PROCESS OF REVISING]Breaking the ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon