CHAPTER FIVE
-Mia's POV-
[apartment]
Di ko pinansin si Lance buong araw kahit kinukulit niya ako. Ewan nakakairita kasi siya. Sa tuwing nakikita ko yun, nasisira na agad araw ko. Lahat ng ginagawa niya kaasar asar.
Umiiwas nalang ako nang tumigil na siya sa kakakulit sakin. Oras na maibigay ko yung regalo niya, matatapos na rin tong gulong pinasok ko.
"Nakasimangot ka nanaman, kaya nagmumukha ka lalong manang eh" biglang sabi ni Kevin habang naglalaro ng COC sa phone niya.
Hindi ko siya sinagot dahil ayoko nang makipagtalo sa mga non sense na ipinaglalaban niya.
"Alam mo tigilan mo muna yang kakagawa ng thesis. You need a break and cmon have more time for yourself. Di ka na nakakabili ng matitinong damit, di mo na naaayos ang sarili mo dahil lang sa pisting thesis na yan. Mia, wag mo namang kalimutang alagaan ang sarili mo. Paano na pag nagkatrabaho na tayo at di na tayo nagkikita ng ganito kadalas, wala ng magsesermon sayo."
Bigla akong natawa dahil sa sinabi niya. Putek lakas maka tatay ah hahaha.
"Minsan na nga lang ako magsalita ng ganito katalinhaga tapos tatawanan mo lang ako? Sige ganyan ka naman eh, tingin mo lahat ng sinasabi ko biro."
Pumunta ako sa sala at tumabi sa kanya sabay isinalaksak ko sa bunganga niya ang isang tinapay
"Kumain ka nalang. Gutom lang yan." At bumalik na ko sa kinauupuan ko
"Paano pala kapag sinabi kong binilhan kita ng ticket sa concert ng Maroon 5 baka tawanan mo lang ulit ako at akalaing biro."
Nagulat ako sa sinabi niya. Bigla akong nabuhayan nung narinig ko yung 'Maroon 5'
"Paano kung di naman pala totoo, masasaktan lang ako."
Tumayo siya at pinuntahan ako kung saan ako nakaupo.
"Eh paano kung totoo?"
"H-hindi ko alam, a-aba siyempre m-matutuwa ako."
Kinakabahan ako sa ginagawa niya. Nilapit niya pa lalo yung mukha niya sa mukha ko. Kaunti nalang magkakahalikan na kami sa posisyong to.
"K-kevin ano ba!" at tinulak ko siya palayo sakin.
Sa sobrang lakas ng pagkakatulak ko sa kanya tumama siya sa ref namin. Pinipigilan ko lang tumawa kasi sobrang nakakatawa yung naging reaksyon niya. Hinimas himas niya yung ulo niya kaya ako naman naawa, tinulungan siyang makatayo.
"Di ka naman mabiro Mia. Grabe ka naman." nakakaguilty tuloy
"Kasalanan mo yan! Ilalapit lapit mo pa kasi yang mukha mo sa mukha ko! Ang baho pa naman ng hininga mo dapat nga sasabihin ko sayo na itext mo nalang sakin yung gusto mong sabihin kasi mahihimatay na ako, nakakasuffocate kaya!" At tumawa ako ng malakas, hindi ko na siya nagawang tulungan makatayo sa kakatawa ko.
Inamoy ni Kevin hininga niya. "Hindi naman mabaho ah!" Nagawa niya pang ipaamoy sakin sa pamamagitan ng pagsasabi ng 'HAAAHHHH' sa harap ko mismo.
"Ay grabe ang baho" sabi ko
"Kakatootbrush ko lang kanina. Gumamit pa nga ako ng listerine eh. Baka sayo yung mabaho. Tandaan mo malapit ang ilong sa bibig"
"Pero seryoso binilhan mo ko ng ticket sa concert ng Maroon 5?" Baka lang naman kasi totoo yung sinabi niya eh hahaha
Imbes na sagutin ako ng maayos, humagalpak naman siya sa kakatawa. Nauntog pa nga ulit siya sa ref eh.
BINABASA MO ANG
He's Dating the Lost Princess (On-hiatus)
Teen Fiction"Iba ang na fall sa mahal" would you love someone who doesnt love you back?