CHAPTER EIGHT
-Lance's POV-
**From: Mia my loves
{we need to talk. meet me at the park after your class.}
Kakatapos lang ng klase ko ngayong araw at pinag iisipan ko kung pupunta ba ako sa park o hindi. Kinakabahan kasi ako baka sapak sapakin at tadyakan ako ni Mia o di kaya mag confess siya ng love niya for me HAHAHA joke
Pero seryoso, hindi kaya tungkol to dun sa regalong natanggap niya kay Kevin?
Hindi kaya alam na niya kung kanino talaga yun nanggaling?
Baka sinabi ni Kevin ang lahat lahat ng nalalaman niya about sa regalong yun?
Mas lalo akong kinabahan
Hindi ako pwedeng mabuking.
Lakas loob akong pumunta sa park, hinanap ko si Mia pero hindi ko siya makita, psh niloloko lang yata ako nun eh.
Tumambay muna ako dun, hinintay ko siya, mawawalan na ako ng pag asang dadating siya hanggang sa
"Oh, kumain ka muna" in-offer niya sakin ang isang barbeque at umupo sa tabi ko
"S-salamat"
Hindi ako magsasalita hangga't hindi siya ang nauuna. Inubos kong kainin yung barbeque pero hindi ko pa rin siya kinakausap
"Mabuti naman dumating ka, marami akong itatanong sayo." hindi niya ako tinitingnan, doon siya sa malayo nakatingin
"S-siyempre naman b-basta i-ikaw"
"Bakit ka nauutal? Natatakot ka ba? Hindi naman ako galit eh."
Biglang lumuwag ang pakiramdam ko ng marinig ko yun. Akala ko talaga galit siya sakin bukod sa nireject ko yung regalo niya, niloko at ginamit ko pa ang kaibigan niya para lang maiabot sa kanya yung peace offering ko.
"Lance" she said
"Yeah?"
"Bakit hindi mo nalang iniabot sakin ng personal yung regalo mo para sakin? Ginamit mo pa si Kevin."
"Naduduwag nga kasi ako, saka isa pa, peace offering ko yun sayo dahil nireject ko yung regalo mo para sakin at alam kong nasaktan ka ng ginawa ko yun sayo."
"Sabihin na nating nasaktan nga ako, pero hindi naman ako nagalit. Nainis nga ako nung sinungitan mo ko nung umaga eh wala naman akong ginagawa sayo. Saka naintindihan ko naman kung bakit binabalik mo yun, baka kasi mas gusto mo engrandeng regalo, mayaman ka pa naman."
Naintindihan? Not really
Hindi niya pa rin ako maintindihan
Hindi niya pa rin ma gets na ayoko siyang mawala sakin
Dahil kapag wala ng kami, wala na rin akong pag asang mapasakin pa siya ulit
Pwedeng may iba siyang magustuhan pero hindi ako yun
I mean come on, hindi naman ako ang ideal guy niya
Ayaw niya sa mahanging katulad ko
Ayaw niya sakin.
"Kaya ko nga binalik dahil ayokong magbreak tayo." teka bat ko ba sinabi yun!? -__-
"Eto Lance pumikit ka." ginawa ko naman ang sinabi niya at pumikit
Bakit niya ko pinapapikit? Hahalikan niya ba ako??
"Anong nakikita mo?" she asked
"Wala."
BINABASA MO ANG
He's Dating the Lost Princess (On-hiatus)
Подростковая литература"Iba ang na fall sa mahal" would you love someone who doesnt love you back?