Chapter 13: *truth or dare*

19 3 0
                                    

CHAPTER THIRTEEN

-Lance's POV-

Pagkatapos naming manood ng horror movie lahat na sila nagkwentuhan at nagkamustahan sa kaibigan nilang si Sydney, ako naman pangiti ngiti lang, di naman kasi kami close nun. Sa totoo lang, pamilyar yung itsura niya, di ko lang sure kung kailan at saan ko siya nakita. Basta ang alam ko kilala siya ng kapatid ko.

Oo, may kapatid ako, di nga lang halata. Di na rin kami ganun ka close katulad ng dati simula nang magkatrabaho siya, kaya napalayo ang loob ko sa kanya.

Kapatid ko si Levi, isang taon ang agwat niya sa akin. Hindi ko siya tinatawag na kuya dahil ayaw niya. Sabi niya feeling niya sobrang tanda niya sakin kaya sa pangalan ko nalang daw siya tawagin which isn't a big deal for me

Sa isang IT Company na siya nagtatrabaho ngayon, dati siyang photographer ng mga model sa states. Madalas niyang nakakatrabaho yung mga contestants sa America's Next Top Model. Daming chix! Hahaha

Ewan ko nalang, one day nagresign siya sa pagiging photographer, di rin namin alam ng mga magulang ko kung anong rason basta ang sabi niya lang nahihirapan na siya sa trabaho niya. Hindi naman kasi nag o-open up samin si Levi, masikreto siyang tao.

Sa isang sulok lang ako pumwesto habang pinagmamasdan yung Sydney. Maganda siya, matangkad, para talagang model. Makinis ang balat, parang kutis mayaman. Hindi siya payat, sexy siya. Maputi, matangos ang ilong at blonde ang buhok. Kulay berde ang mga mata at mapula ang labi kahit na walang lipstick.

Napakagandang dilag.

Para akong nakakakita ng diyosa sa isang paraiso

"Wait a second, I know that guy!" maya maya nakita kong nakatingin siya sakin at itinuturo ako sa mga kaibigan niya. Tiningnan nila akong lahat habang ako naman confused sa mga nangyayari

"Magkakilala kayo?" tanong ni Nikko kay Sydney

"Not really magkakilala but he looks familiar kasi" she said

"Uhm have we met before?" I asked

"I don't know pero parang nakita na kita somewhere"

"Omg tadhana na ituu" pang aasar ni Kevin, binatukan ko nga! Kingina ano ba.

"Gago ka may magseselos!" sabat ni Mackenzie

Fvck wag ngayon please.

Napatingin kaming lahat kay Mia na kasalukuyang walang kaalam alam sa nangyayari. Walang ibang ginagawa kundi ang lantakan yung pizza habang nagpapatugtog ng malakas sa headset niya

"What?!" she said in confusion

"Ganda mo daw sabi ni—" nak ng pota Kevin nakakaasar ka na!

Inirapan niya lang kami at bumalik na sa pagkain ng pizza.

"Alam niyo ba naka work ko si Richard Juan sa states!" sabat ni Sydney

Nagulat nalang kami nang biglang tumabi sa amin si Mia nang marinig niya yung sinabi ni Sydney

"OMG SI RICHARD CHING JUAN?!" she said

"Uhm yes, bakit Mia, crush mo ba yun?"

"Hindi lang crush! Love ko yun! Ugh!! Ang swerte mo naman! I'm so inggit!"

Ouch. Love niya daw.

Paano na ako?

"Don't worry, kapag may chance, ipapakilala kita dun"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 07, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He's Dating the Lost Princess (On-hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon