CHAPTER TEN
-Mia's POV-
"Hindi nga sabi ako nagseselos!" kanina pa ako kinukulit ng mga kaibigan ko, at kahit anong sabihin ko hindi sila naniniwala
"Weh? Eh bakit kanina sa canteen sobra kang makatitig dun sa dalawa?" sabi ni Nikko ng natatawa tawa
"Bakit masama na ba tumitig ngayon?!"
"Unless may iniisip kang masama" Mac butt in
Oo kanina inimagine kong nabibilaukan silang dalawa.
Hindi na sumama si Lance samin, madalas na niyang nakakasama si Miami. Bakit ba umepal pa yung babaeng yun dito sa istoryang to. Nakakainis.
Imbes na isipin ko sila ng isipin, ibinaling ko muli ang atensyon ko sa pagt-type ng thesis. Isang chapter nalang matatapos na to.
"Hey guys!" nagulat ako nang biglang dumating si Lance dito sa tambayan kinindatan niya pa ako psh
"Lance! Oh nasan na si Miami?" tanong ni Mac
"Umuwi na, may kinausap lang naman siyang prof eh." tumabi siya sakin
"Ikaw? Kamusta ka naman? Namiss kitang asarin." pinisil niya ang braso ko at ngumiti ng nakakaloko
Bwiset ka. Kung alam mo lang kung gaano ako nagseselos ngayon. Ayokong makita pagmumukha mo lumayo ka sakin
"Ah wala naman. O-okay lang."
Hindi niya pwedeng mahalata na naiinis ako sa kanya
Na nagseselos ako
Dahil wala naman akong karapatan
-
Pagkatapos ng last subject ko, dumiretso na agad ako sa parking.
"Mia." muntik akong atakihin sa puso nang biglang may nagsalita mula sa likod ko.
"Anong kailangan mo"
Para talaga siyang kabute na bigla bigla nalang sumusulpot nakakaasar
"Tara!"
Hindi na ako nakaangal pa nang higitin niya ako papunta sa sasakyan niya
"Teka! Pano yung sasak--"
"Akong bahala sa car mo, don't worry."
Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan, dun ako sa passenger seat umupo.
Tahimik lang kaming dalawa. Parehas na nag aantayan kung sino ang mauunang magsalita. Saka gabi na, saan niya ba talaga ako dadalhin?
Nagulat ako nang dalhin niya ako sa bahay nila. Anong gagawin namin dito??
"Let's go inside."
Nandito nanaman ako. Kung saan una kaming nagkakilala. Hindi man magandang alaala yun, atleast in that way, naging close kami sa isa't isa though hindi halata hahaha
"B-bakit dinala mo ako dito?"
"Basta"
Itinulak niya ako sa dingding at iniharang ang isa niyang braso sa may gilid ko "Kung iniisip mong may gagawin akong masama sayo" mas lalo niya pang inilapit ang mukha niya sakin na halos naririnig ko na ang paghinga niya "Asa ka."
BINABASA MO ANG
He's Dating the Lost Princess (On-hiatus)
Fiksi Remaja"Iba ang na fall sa mahal" would you love someone who doesnt love you back?