CHAPTER SIX
-Lance's POV-
Ibinalik ko kay Mia yung regalo niya para sakin. Nasabi ko na nga ng wala sa oras na ayokong matapos yung amin kahit imbento ko lang yun pero hindi pa rin niya maintindihan. Kailangan ko pa bang i-translate sa ibang lenggwahe yung sinabi ko para lang ma gets niya pinupunto ko.
Sumangguni agad ako sa love expert na si Kevin, baka sakaling siya ang makaunawa sakin. May pagka loko loko man siya, kapag usapang matino, may sense yung mga sinasabi niya at madalas puro hugot. Di ko lang alam kung nabaon na niya hahaha.
"Lance, baka may gusto ka na sa kanya kaya ka nagkakaganyan. Masasabi mo ba yun kung hindi mo siya gusto. Kasi ang pinupunto mo, ayaw mo siyang mawala sayo, sabihin na nating biro lang ang lahat, kahit na sa maikling panahon palang kayo nagkakakilala, parang medyo na attach ka dun sa tao. Diba sabi mo kapag naibigay na niya sayo yung regalo, matatapos na yung kalokohang inimbento mo. Kaya siguro ganyan ka mag react."
"Hindi kaya mahal ko na siya?"
"Bro, iba ang na fall sa mahal. At iba rin ang gusto sa crush. Tandaan mo yan."
"Baka nababaliw na ako. Dalhin mo nalang kaya ako sa mental baka sakaling gumaling ako doon."
"Matagal ka ng baliw gago wag kang tanga." na gago na, na tanga pa ako. Ang hard ah.
"Pre bakit ang galing mo mag advice i mean kahit minsan walang kwenta, tumatagos sa puso ko hahaha. Pwede ka ng dj sa radyo, palitan mo na kaya si Papa Jack"
"Wag kang mang bola, wala akong pera akala mo madadaan mo ako sa ganyan. Saka na kita ililibre kapag nakuha ko na ulit yung sunod kong allowance."
"Kapal mo, mas mayaman ako sayo Kevin Reagan. Hindi ako nagpapalibre. Kaya kong bilhin lahat ng nabibili mo."
Umarte siya na para bang sobrang nilalamig at tinatangay ng malakas na hangin
"Pre grabe ang lakas ng hangin, ang lamig. Tatangayin na ata ako."
"Seryoso kasi brad, bat ba pag nag aadvice ka parang sobrang nakakarelate ka?"
"Ganyan talaga pag single. Lakas mag advice. Basta di mo rin mag ge-gets kapag in-explain ko sayo. Sige na boy uuwi na ko, may report pa akong tatapusin."
"Sige boy, salamat ah. Ingat ka."
Bago siya umuwi, kumuha pa siya ng pizza na nakapatong dun sa lamesa. Ang takaw talaga nun.
Sigurado ako galit yun sakin si Mia. Ikaw ba naman regaluhan tapos ibabalik sayo. Diba masakit. Parang sa crush, kapag inamin mo sa kanya na gusto mo siya tapos sasabihin lang sayo na "sorry pero hanggang friend lang talaga ang tingin ko sayo", di ka ba masasaktan? Masakit kaya ma reject.
#whogoatlines
Nag mall ako mag isa, nang kahit papaano hindi ko masyadong maisip yung mga nangyari kanina at yung mga nangyayari sakin na di ko maintindihan.
Napadaan ako sa bilihan ng concert tickets at naalala ko yung concert ng Maroon 5 na sinasabi ni Mia, may malaking poster kasi na nakalagay dun.
**
-Mia's POV-
Kanina ko pa tinititigan yung regalong ibinalik sakin ni Lance. Di ba niya nagustuhan? Kailangan ba malaki yung regalo ko para tanggapin niya? Bakit ganun? Ang sakit naman ma reject.
Nagreplay yung mga sinabi niya sakin kanina
"Yun nga Mia eh! Kaya nga binabalik ko sayo kasi ayokong matapos yung satin."
BINABASA MO ANG
He's Dating the Lost Princess (On-hiatus)
Teen Fiction"Iba ang na fall sa mahal" would you love someone who doesnt love you back?