CHAPTER ELEVEN
-Lance's POV-
"Gusto rin kita Lance."
Maaga akong nagising dahil may saturday classes ako. This time, hindi ko nailagay sa basong may tubig ang alarm clock ko.
"Gusto rin kita Lance."
Napagdesisyunan kong magluto ng almusal imbes na magpadeliver ng makakain. Iba talaga ang nagagawa kapag inspirado
"Gusto rin kita Lance."
Kumakanta kanta pa ako habang niluluto ang sunny side up at bacon. Ahh what a great day to be alive
"Gusto rin kita Lance."
Nagconcert din ako sa CR at pilit na inalala lahat ng mga nangyari kagabi.
Si Mia
At yung sinabi niya na nagpahirap saking makatulog ng maayos kagabi
"Gusto rin kita Lance."
Kanina pa rin paulit ulit na nagrereplay yung huling sinabi ni Mia sakin kagabi bago siya umalis
At hindi ko maiwasang hindi mapangiti
May sarili na rin yatang buhay itong labi ko
"Hoy! Anong nginingiti ngiti mo diyan?! Kanina ka pa nakatulala sa kawalan, ano bang nangyayari sayo?"
Biglang naputol ang pagmomoment ko nang batukan ako ni Nikko psh dakilang epal talaga
"Wala ka na dun." at iniwasan ko siya ng tingin dahil panigurado aasarin nanaman niya ako oras na malaman niyang iniisip ko si Mia
Umusod siya palapit sakin at tinitigan ako. His face was like this: >.>
"Lance Kieran Maxwell Sutherland" naningkit ang mga mata niya "Ikaw ah, may tinatago ka sakin."
"What are you talking about? Wala akong tinatago! Barbero to! Magkano pagupit sayo?" naiirita kong sabi
"Whoa kung wala, bakit ka defensive?" ngumiti siya ng nakakaloko at ginulo ang buhok ko
"Stop it Nikkolai, wag mong guluhin ang buhok ko! Ano ba bro, may buhok ka rin naman eh!"
"Highblood brad, tara na nga sa room, malufet pa naman prof natin."
Habang nagkaklase, lumilipad ang utak ko, tipong talak ng talak yung prof namin at kung ano ano ang sinasabi pero walang pumapasok sa mahiwaga kong brain. Nakatingin lang ako sa kanya at tumatango tango pa para magmukhang nagets ko yung latest lecture
"Pre, naintindihan mo yung tinuro ni Sir?" tanong sakin ng katabi kong kapwa ko dean's lister aka Nikkolai Valdez
"Nakinig lang ako." kumunot ang noo niya, hindi niya ako na gets hay ang slow talaga niya
Maya maya, bigla siyang natawa, tiningnan tuloy siya ng masama nung prof namin.
Binulungan niya ako "Pre ngayon ko lang nagets yung sinabi mo" napailing ako
LATE REACTION -_-
-
Half day lang ang klase namin tuwing sabado kaya't napagdesisyunan namin ni Nikko na mamasyal muna bago umuwi.
Tinawagan niya ang buong tropa para imbitahin at nung si Mia na yung tinatawagan niya binigay niya sakin yung phone
*kring kring
BINABASA MO ANG
He's Dating the Lost Princess (On-hiatus)
Ficção Adolescente"Iba ang na fall sa mahal" would you love someone who doesnt love you back?