Chapter 9: *jelly ace*

24 3 0
                                    

CHAPTER NINE

-Mia's POV-

Wala akong morning classes ngayong araw kaya naisipan kong bisitahin naman ang mga accounts ko sa social media sites na malamang sa malamang eh, inaanay na dahil di ko na nabubuksan araw araw.

In-add ako ni Lance sa facebook at dahil mabait ako in-accept ko yung friend request niya. Una, tiningnan ko profile pictures niya at hanep!!!! Ang peymus talaga ng lalaking yun!! Kada picture umaabot ng 1k yung likes shet men. Hanggang sa kinalkal ko ang bawat picture sa albums niya, pero bakit ganun? Wala siyang picture na kasama family niya?

Nasawa akong tingnan ang mukha niya kaya tiningnan ko naman ang mga status niya. Puro whogoat naman, hashtag bitter

"Ang pasensya ko sayo ay parang tinta ng ballpen ko! Paubos na!!"

"Ang pag ibig ay parang pencil at eraser. Kapag nagkamali ka, pwede kang gumamit ng eraser at itama muli ang lahat. Ngunit ang eraser ay nauubos rin, kagaya ng tiwala."

"Ang nararamdaman ko sayo'y parang itinapon mo nalang kaagad sa basurahan."

Yan ang ilan sa mga status niya medyo pa hugot pero hindi naman talaga soz

Pero may ilan din dun na natamaan ako kagaya ng

"Do what you fear and your fear will disappear"

"Take risks"

Masaktan man kapag nagmahal, natuto naman. Para sa sunod na nagkamali ka ulit, alam mo na ang gagawin mo.

#hindiwhogoat

Do I deserve his love?

Wala namang mawawala kung susubukan kong magmahal diba?

May forever kaya kami?

Ay walanjo, siguro pagod na pagod na tong si Lance kakatakbo sa isip ko. Sige na ako na corny

Sa twitter, flooded nanaman ang notifications ko dahil sa fandom. Miss na raw nila ako aw so sweet, internet bestfriends are the bomb, sana mameet ko sila sa future!! And finollow rin pala ako ni Lance dito psh ang jeje ng username @.MaxwellOfficial. Trololol lakas makalagay ng official ah! Bakit artista ba siya? May mga poser? Aba tinde boi pabebe ang isang to!! Ayos na yung Maxwell eh kaso may official. Hahaha

Nakatanggap ako ng text mula kay Lance

**From: Lance masungit

{Hey! See you at SB, 8pm, my treat! Pls come, may ipapakilala ako sayong sobrang special sakin.}

Special? Sino naman yun? Jowa niya?

Saka nahihiya akong pumunta, wala na akong mukhang maihaharap pa sa kanya matapos ko siyang i-friendzoned. Binabawi ko naman na nga yun eh!!

Sobrang lalim ng iniisip ko hanggang sa may tumapik ng balikat ko

"Huy, tulala ka nanaman diyan!" tangna halos mahulog ako sa kinauupuan ko, bigla ba namang susulpot na parang kabute itong si Kevin!

"Buset ka!!! Ginulat mo ko!!" namilipit siya sa kakatawa kaya binatukan ko siya

"Alam mo, madali kang mananakawan, iniwan mong bukas yung gate niyo! Buti nalang ako yung pumasok." I rolled my eyes

Kinuha niya yung phone ko at binuksan ang inbox! Ugh napakapakialamero talaga!!! Sinubukan kong bawiin yun sa kanya pero masyado siyang matangkad kaya hindi ko maabot #shortgirlproblems (a/n: s/o to my friend jovs hahaha peace!)

"Akin na yan Kevin!! Akin na!!!" tumatalon na ako baka sakaling maabot ko pero wa epek huhu

Nagsimula na siyang basahin yung text

He's Dating the Lost Princess (On-hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon