Chapter 12: *she's back*

15 3 1
                                    

CHAPTER TWELVE

-Mia's POV-

After nung scene na naghaharutan kami ni Lance, hindi ako tinigilang asarin ng mga kaibigan ko. Kesyo ang sweet sweet daw namin masyado ganito ganyan. Urgh.

Well, tambay nanaman ako dito sa apartment, and oh himala, hindi ako nagttype ng thesis ngayon. I need a break.

"Alam mo yang thesis parang pag ibig lang yan, kailangan i defend para maprove kung totoo." (#whogoat) sabi ni Kevin habang kinukuha sa bag niya yung mga dala niyang dvd

Nandito siya ulit ngayon sa apartment. We decided na mag movie marathon, medyo nas-stress na kasi kami and magc-chill lang muna kami today.

I glared at him "Dami mo talagang alam no. Bakit mo ba yan sinasabi sakin?"

Binigay niya sakin yung mga dvd at nagstart akong mamili kung anong movie papanoorin. "Is there a chance?"

"What are you trying to say?" sabi ko habang iniisa isa yung mga dvd

"Does Lance has a chance?"

Nagkibit balikat ako at napakunot ng noo "I don't know yet. Kailangan ko munang malaman if he's really serious about me"

"What if he does?"

"E di walang problema."

"But are you ready to get hurt? to risk your heart?"

That caught me off guard

Ilang beses ko nang tinanong ang sarili ko tungkol dito

Ready na nga ba talaga ako?

Napabuntong hininga ako at tumingin kay Kevin "Wala namang mawawala if I'll try right? Kapag may ulan, kahit may payong ka, mababasa ka pa rin, parang sa pag ibig kapag nagmahal ka di maiiwasang masaktan." #whogoat

Suminghap siya "Well I guess, you're on my level now Vaughn. Medyo nag-iimprove na yang knowledge mo about love." Tumayo siya mula sa kinauupuan niya at kinuha yung phone ko. Psh.

Siyempre hindi ganun kasaya kung di kasama yung iba pa naming kaibigan so we've decided to invite them over. Si Kevin ang tumawag sa kanila.

Scream yung napili kong papanoorin namin. Bwahaha bahala sila diyan basta ako, hindi ako takot sa mga horror movies.

-

Isa isa na silang nagsidatingan, si Mac ang nag initiate na magpadeliver ng malaking pizza habang si Nikko naman ay abalang isinasalang yung dvd sa player. Bumalik si Kevin sa bahay nila para kunin yung gitara, naisipan din kasi namin na magjamming after the movie marathon

So bale kaming apat natira dito sa apartment. Ako, si Mac and then yung lovers.

"Ang tagal naman ni Kevin" bulong ko

Naleleft out na kasi ako, may lovers na sobrang sweet sa isa't isa, tapos si Mac naman, katawagan yung pinopormahan niya. Ako nganga lang. Hays

"Kevin ka pa, baka kamo si Lance" nagulat ako nang biglang sumulpot si Nikko sa tabi ko

Anak ng pagong! Panigurado mang aasar nanaman ang isang to!

I groaned "Hoy hindi ah, wag ka ngang barbers ugh"

"Oh bakit ka defensive" ngumiti siya ng nakakaloko

"Whatever. Don't give me that look."

He's Dating the Lost Princess (On-hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon