CHAPTER 1:

10.5K 202 4
                                    

" Bunso, mula kahapon ng ikasal kami ng kuya Venc mo napapansin ko matamlay ka, akala mo ba hindi ko iyon napapansin? Pilit mo mang itago ang nararamdaman mo I know may bumabagabag sa iyo, now tell me kung ano yun handang makinig si ate," ani Alrea.

"Ano ka ba ate, wala ito napagod lang ako promise!" ani Zira na pilit pinag tatakpan ang totoong nararamdaman.

"Haysst, nakakatampo ka naman, aalis na nga kami ng kuya Venc mo para sa honymoon namin tapos hindi ko ma eenjoy kasi ikaw ang maiisip ko kasi malungkot ka!" kunwaring emote ni Alrea.

"Nako naman si ate kunwari hindi ma eenjoy bagkus tumakas pa kayo ni kuya kahapon," natatawang sabi ni Zira ngunit pag daka'y biglang natahimik dahil sa naalala nitong tagpo.

"Oh siya hmmm, mukhang okay ka na nga at tinutudyo mo na ako, mag asawa ka na rin bunso ng maranasan mong tumirik ang mata!" bulong ni Alrea sabay bungisngis.

Pulang pula naman ang pisngi ni Zira sa sinabi ni Alrea.

At ng makalayo si Alrea bumuhos ang masaganang luha sa kanyang mga mata.
Ganun pa man inayus niya ang sarili upang puntahan ang taong laman ng kanyang isipan.

Inayus ni Zira ang sarili at nag tungo sa bahay nila Jt.

" Oh iha, napasyal ka?" tanung ng ginang.

" Dandito po ba si Jt tita. gusto ko po sana siyang makausap." nakayukong tanung ni Zira.

"Maagang umalis iha hindi ko alam kung saan nag punta." sagot nito.

"Ganun po ba? sige po mauna na po ako," ani Zira na naluluha nanaman ngunit pilit niyang pinipigilan.

"Ibilin mo na lang para sabihin ko na lang mamaya." ika muli ng Ginang.

" Hindi na po bali tita, hindi naman po ganoon kahalaga," sagot ni Zira na pilit ngumiti.

Makalipas ang isang buwan tuluyan ng hindi nakita ni Zira si Jt.
Lalong sumama ang loob ni Zira, matapos ang lahat,parang basura lang siyang iniwan ni Jt.Kung kelan may nangyari sa kanila noon nasa outing sila at dahil iisa lang ang kwarto na kanilang inukupa. Kasalanan niya nag padala siya sa nararamdaman kahit alam pa niyang si Alrea ang tinatangi ng binata.

Noon ipinangako niyang hinding hindi na muling mauulit pa ang kanyang katangahan dahilsa lalaki.

Napag pasyahan niyang mag lakad lakad sa Hacienda at kalimutan ang bumabagabag sa kanya ng bigla siyang mahilo at bigla ring nakaramdam ng pag sirko ng sikmura. Biglang sumama ang kanyang pakiramdam, umiikot ang paningin hanggang sa nawalan ng malay.

AFTER 4 YEARS...

"Mamu, when my mom will come home?" malungkot na tanong ni Leth sa Lolang si Rapaela.

"Diba sinabi ko na sa iyo dati pa sweety kung bakit wala si mama?" sagot ni Rapaela.

"Opo, nasa karagatan po sakay ng barko, kaya lang po I really miss my mama Lola!" ungot ng bibong si Leth sa kanyang Lola.

Lihim na pinunasan ni Rapaela ang luha na bigla na lang bumagsak mula sa kanyang mga mata. Nakaramdam siya ng awa para sa apo.

Mula ng isilang ito ng kanyang bunsong anak tila ba sadyang inilayo ni Zira ang sarili sa bata at sinisi nito ang sarili sa nagyari sa kanya.

Batid niyang kaya madalang pa sa patak ng ulan ang pag uwi ni Zira sa Hacienda ay nahihiya ito sa sinapit at pag kakamaling nagawa.

"Captain saan po tayo dadaong?" tanong ng seaman kay Zira na naka focus sa monitor ng barko ba nasa kanyang harapan.

"Sa Taiwan!" tipid na sagot ni Zira.

Sumapit ang mga sampung oras ay nasa pier na sila ng Taiwan.

ZIRA, THE SHIP CAPTAIN By: Lorgee Rhy (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon