CHAPTER 11:

4.9K 143 1
                                    

"Sweety, may hinihiling ang angel natin!" pilyong sabi ni Jt kay Zira.

Nag blush naman si Zira," Mag tigil ka nga diyan!" ingos ni Zira kay Jt pero nandoon na kinakabahan na ito.

Tumawa lang si Jt sa tugon ng dalaga.

"Sweety, anong gusto mong kainin at ipag luluto ko kayo ng little Angel natin!" ani Jt kay Zira na patuloy parin na namumula dahil sa makamundong iniisip.

"Mommy, tinataniung ka po ni Daddy!" kalabit ni Leth sa ina na nag lalakbay ang diwa.

"Ha- eh, bahala na ang Daddy mo!" sagot ni Zira na hindi makalingon kay Jt.

Agad namang ninakawan ng halik sa labi ni Jt si Zira saka humalakhak ng tawa dahil lalong pumula ang mukha ng dalaga.

"Ang ganda mo talaga sweety lalo na pag namumula, gusto mo ba ng hotdog or egg?" pilyong tanong ni Jt.

"Jtttt..."

"What? Tinatanung lang naman kita kung yun ba ang gusto mo?" tumatawang sagot ni Jt.

"Lunch time pag uulamin mo ako ng ganoon?" ani Zira upang mapag takpan ang pag kapahiya sa sarili.

"Pwede rin sweety kung iyun ang gusto mo willing akong ibigay sa iyo!" natatawang sagot nito sabay kindat.

Nakatakip naman sa bibig si Leth at natatawa sa nakikitang pag uusap ng mfa magulang.

"May bata diyan sa tabi natin tumigil ka nga?" nahihiyang sagot ni Zira.

Lalo namang napahagalpak si Jt ng tawa.

"Ano namang masama sa hotdog at ilog na sinasabi ko? Maliban na lang kung may iba kang pakahulugan sa mga iyon?" nanunudyong tanong ni Jt.

Pati ang anak nila ay nakikitawa na rin dahil sa pag tawa ni Jt.

"Hay ewan ko sa iyo, pwede ba lumabas ka na nga nang aasar ka lang eh," ani Zira na gusto na yatang lumubog sa sobrang hiya.

Kinuha nito ang unan at saka itinakip sa mukha.

Natatawa namang tumalima si Jt, karay karay nito ang anak at nag tungo sila sa kusina.

"Daddy I want hotdog also but not the egg, can you cook for me too?" tanung ni Leth sa ama.

"Oo naman baby kahit ilang hotdig pa gusto mo, si Mommy isa lang ang gusto!" ani Jt na tumatawa, buti na lang wala si Zira sa tabi nila kundi namula nanaman ito.

Nang makapag luto si Jt para sa tanghalian nila, niyaya na niyang kumain si Zira. At dahil aa tinutudyo niya ito, inihanda niya ang isang hotdog at dalawang nilagang itlog, ang itlog ay para sa macaroni na hindi muna niya inilagay sa bowl.

Pag kaupo ni Zira masama ang tingin ang ipinukol niya kay Jt. Pero sa kalooblooban nito ay natatawa siya.

"Ayaw ko ng hotdog!" ani Zira.

"Kainin mo yan sweety para bumalik lakas mo para mamayang gabi..." hindi itinuloy ni Jt ang dasabihin dahil akmag ibabato ni Zira ang itlog sa kanya.

"Teka lang patapusin mo muna ako, para mamayang gabi tuloy tuloy ang tulog mo,saka iyang itlog para dito sa macaroni at iyang hotdog ayaw na ng anak mo!" natatawang paliwanag ni Jt.

"Daddy gusto ko po mag swimming!" ani Leth.

"Maya maya anak mainit pa, masusunog ang balat mo!" ani Jt.

"Yeyy, Mommy ikaw din po maliligo?"

"Hindi pwede ngayon ang Mommy mo baby, dahil kagagaling sa lagnat, pagagalingin muna siya ni Daddy, " ani Jt na sinamahan nanaman ng kindat.

"Ay, okay po Daddy, pero Dady kelan po ako mag kakaroon ng kalaro?" naalalang tanung ni Leth.

"Soon baby, soon!" sagot naman ito.

Hindi mapalagay si Zira dahil papagabi na, nakakain na rin sila ng hapunan at kasalukuyang binabanlawan ni Jt ang anak dahil sa pag kababad sa tubig alat.

"Baby matutulog ka ng maaga ha!" kausap ni Jt si Leth.

"Ayaw ko po Daddy gusto ko kwentuhan ninyo ako ni Mommy saka doon ako matutulog sa tabi ninyo!"

"Akala ko ba gusto mo ng may kalaro na baby?" ani Jt.

"Opo!"

"Paano makakagawa ng baby si Daddy at Mommy kung nandoon ka? Bawal kasi pag may makakakita sa amin hindi tatalab ang magic hindi kami makakagawa ng baby!"

Tila naman nag isip si Leth, " Sige payag na po ako Daddybpero kwentuhan mo po muna ako bago matulog ha!" ungot ni Leth sa ama.

"Sure baby!" ani Jt saka ginulo ang buhok ng anak.

Matapos bihisan ni Jt si Leth ay ipinahiga niya ito sa kama at hinahaplos ang buhok ng daliri.

"Once upon a time, may isang prinsepe, na nag hahanap ng tunay na pag ibig, pero ng matagpusn niya ito ay bigla na lang iniwan ng wslang paalam!" paunang kwento ni Jt.

"Bakit iniwan ng prinsepe Daddy ang bad naman po niya?"

"Hindi pa tapos ang kwento ko anak, iniwan ng prinsepe ang mahal niya dahil may mahalaga siyang bagay na inasikaso," sagot ni Jt.

"Ah ganoon po ba yun Daddy? Eh ano po nangyari pagkatapos?"

"Nagalit yung prensesa at isinumpa ang prinsepe, pero mahal parin nila ang isat isa, at nag karoon sila ng isang napaka cute na baby, mahal na mahal ng prinsepe ang baby nila at maging ang ina nito, kaya ng mag krus ang landas ng prinsepe at prinsesa ay gustong gawin lahat ng prinsepe ang lahat para matunaw ang gakit sa puso ng prinsesa at para mayakap na rin nito ang kanilang baby ng ganito kahigpit!" ani Jt at hinigpitan ang pag kakayakap sa anak.

Humagikgik naman si Leth sa ginawa ni Jt lalo na ng ikiskis ni Jt ang nguso sa leeg ng anak na bag papakiliti dito dahil sa bigote na tumutubo.

"Tama na po Daddy, antok na po ako!" ani Leth na sinamahan pa ng hikab.

Napaluha naman at napapatawa si Zira na naka sikip sa pintuan. At ng makitang nakapikit na ang anak mabilis itong nag tungo sa silid na tinulugan ng nakaraang gabi.

Nahiga siya sa kama at nag talukbong.

Pasipol sipol naman si Jt habang papasok.

Nang maramdaman ji Zira na bumukas ang pinto ay nag tulog tulugan siya.

"Sweety, I know gising ka! Can we talk?" ani Jt at tinabihan ang dalaga na hindi parin kumikibo na lalong pinag igi ang pag tutulog tulugan.

Bumangon si Jt at inalis ang damit na suot tanging underware lamang ang natira dahil hindi ito sanay na matulog na may damit sa katawan.

Nahiga ulit uto sa tabi ni Zira, at kinabig payakap.

"I love you sweety!" anito at inakis ang pag kakatalukbong ng kumot, napangiti ito ng makitang naoalunok si Zira ngunit nakapikit.

Hinalikan ni Jt ang mga mata ni Zira ilong at saka siniil ng halik sa labi.

Napangiti siya ng maramdamang tumutugon na ng halik ang babaing pinaka mamahal niya.

"Aha, hindi ka tulog nho?" ani Jt sa dalaga ng mag hiwalay ang kanilang mga labi.

Hindi naman makasagot si Zira, dahil agad siyang kinubabawan ng binata at inumpisahan nanamang angkinin ang mapupulang mga labi.

ZIRA, THE SHIP CAPTAIN By: Lorgee Rhy (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon