Pakanta kanta si Zira pabalik, nagulat pa siya ng makita ang oras, oras na pala ng pag lalayag.
Sinenyasan lang niya ang tauhan upang tulungan siya sa mga pinamili para sa anak saka nag tuloy siya kung saan pa aandarin na ang makina at i check na rin ang weather
"Captain, ihahatid ko na po ba ito sa Cabin mo?" tanong ng seaman.
"No, its okay, ako na lang ang mag dadala niyan mamaya!" sagot ni Zira.
Lumipas pa ang mga oras, lumalayag na sila.
Habang nag kakagulo naman sa Pier dahil may mga lalaking nag hahanap parin sa kanilang bihag.
"Oh pupunta muna ako sa Cabin ko, mag buzzer lamang kayo sa aking Cabin kung may emergency at pupunta ako kaagad dito!" ani Zira.
"Yes Captain!" sabay sabay na turan ng mga seaman.
"Gabriel ikaw na muna ang bahala sa makina, mag bibihis lamang ako at mag papahinga lang ng konti!" ika pa ni Zira.
Habang nag lalakad si Zira papunta sa Cabin na ino ukupa ay bigla siyang kinabahan.
"Hmmp, bakit kaya ako biglang kinabahan?" tanung ni Zira sa sarili.
Pag pihit niya ng pinto napatapik siya sa noo dahil hindi nanaman pala niya nai lock iyun.
Binuksan niya ang puntuan at napanga nga siya sa nakita. Isang mama na nakahandusay sa sahig na puro pasa at nakatali ang kamay.
Nilapitan ni Zira ang lalaki, kay lakas ng kabog ng kanyang dibdib na hindi niya maintindihan.
Nang makita niya ito ng malapitan, napatutop siya sa bibig hindi makapaniwala sa nakikita.
"Jt..."
Tanging nasambit ni Zira.
Wala paring malay ang binata. Ibinaba ni Zira ang mga dala dala at dagli dagling kinalagan ang kamay nito sa pag kakatali.
Awang awa siya sa nakikitang ayus ito. Its been a years, pero bakit kay bilis parin ang tibok ng puso niya sa tuwing mapapalapit sa binata.
Ngunit binaliwala ni Zira ang nararamdaman at this time hindi na niya paiiralin ang tawag ng puso dahil nasaktan na siya at hindi na niya hahayaang iyon ay mang yari muli.
Ipina ibabaw ni Zira ang galit sa puso upang matabunan ang unti unti nanamang pag kabuhay ng damdamin para sa binata.
Matapos linisin ang sugat ng binata, pinalitan rin niya ang t - shirt nito.
Mala paring malay si Jt habang nakahiga sa sahig na nilatagan ni Zira ng comforter dahil hindi naman niya ito kayang buhatin.
Lumabas si Zira at bumalik sa mga tauhan at ipinaalam sa mga ito ang natuklasan, sinabihan din niya ang mga tauhan na siya na ang bahala sa binata dahil kilala niya ito, at sinabi niyang sa sisunod na destinasyon nila ibaba ang lalaki.
Nanguha ng pagkain si Zira para pag gising ni Jt ay may makain ito.
Napa pitlang si Jt ng maramdamang parang umuuga ang kanyang hinihigaan, duon lamang niya napag tantong nasa barko siya.
Laking pag tataka niya ng maramdamang hindi na nakatali ang kanyang mga kamay at masaya siya dahil naigagalaw na niya ito ng malaya.
Malinis na rin ang kanyang suot, tumingin siya sa paligid at tumambad sa kanya ang portait ng isang batang babae na si Zira mismo ang nag pinta.
Kumabog ang dibdib ni Jt ng makita ang mala Anghel na mukha ng bata at sigurado siya sa sarili na nakita na niya ang litrato na ganito ang mukha somewhere pero hindi matandaan
Napatayo siya ng wala sa oras at hinipo ang mukha ng bata na nakapinta.
Siya namang pag pasok ni Zira na may dalang pag kain, ngunit pag kakita niya sa binata na tinititigan ang kanyang anak ay bigla siyang kinabahan kaya agad niyang ipinatong ang pagkain sa lamesita at tinakpan ng tela ang mga ipininta na mukha ng anak.
"So gising ka na pala? Long time no see Jt, or its better to say na sana hindi na tayo muli pang nagkita, by the way paano ka napunta dito sa Cabin ko?" ani Zira na blanko ang expression ng mukha.
Hindi naman makasagot ang natulalang binata, hindi makapaniwalang nasa harapan na niya ang babaeng laging laman ng kanyang panaginip, panaginip na ang nakaraan ang tanging laman.
Ang mukha nitong nakangiti habang tulog, ang labing malalambot na nakapag patuliro sa kanya upang siya ay makalimot, at dahil sa isang pangyayari nag bago ang lahat.
"Natulala kana Mr. Jt, hindi ka ba makapaniwala na ang babaeng tinalikuran mo noon ngayon ay nasa harapan mo na?" pang uuyam na tanung ni Zira.
"Hi- hindi kita tinalikuran..."
"Talaga? Kaya pala noong matapos ang kasal ni ate ay wala kana, ganoon mo siya kamahal kaya hindi mo matanggap na sa bestfriend mo napunta, anyway kumain ka na, baka pag namatay ka dito kasalanan ko pa!" ani Zira at akmang lalabas na ng pinto ng may maalala.
"At wag na wag mong pakikialaman ang mga paintings ko kung ayaw mong ipatapon kita sa dagat at pag pistahan ng mga pating or isorendeer sa gumapos sa iyo, mamaya na tayo mag usap, once again dont ever ever touch my paintings?" ani Zira ar tuluyan ng iniwan ang binata na nakabuka parin ang bibig dahil hindi na hinintay pa ni Zira na makapag paliwanag ito tungkol sa nakaraan.
Napilitang kainin ni Jt ang pagkain na idinala ni Zira.
Matapos niyang kumain iginala niya ang tingin sa loob ng Cabin, nakita niya sa isang tabi ang mga laruan na binili ng dalaga para sa isang batang babae.
"May asawa na kaya si Zira?" tanung ng isip ni Jt. Hindi niya mawari ngunit nasasaktan siyang isipin na may asawa na nga ito.
May isang portrait doon na natatabingan ng tela at unti unting natatanggal ang tabing.
Nilapitan niya iyun at pinag masdan.
Isang napaka cute na sanggol ang naka pinta doon.
Bigla nanaman bumilis ang tibok ng puso ni Jt hindi niya malaman kung bakit siya nag kakaganoon.
Hindi naman mapakali si Zira sa kinaroroonan, natatakot at kinakabahan siya na baka malaman ni Jt ang kanyang sekreto.
Hindi na siya nag dalawang isip pa at bumalik na muli sa kinaroroonan ng binata.
Pag bukas niya ng pinto.
"Kabilin bilinan ko na wag mong pakikialaman ang mga paintings ko, simpleng salita hindi mo pa maintindihan, pakialamero ka parin!" ani Zira na kinakabahan.
"Hindi ko naman sinasadyang pakialaman natanggal kasi yung tabing, ang cute niya anak mo?" ani Jt.
Natigilan si Zira sa tanong ng binata,
"Oo anak ko!" sagot ni Zira.
Andun nanaman ang banyagang pakiramdam ni Jt.
"Anak ba natin siya?"ani Jt na, maging ito ay hindi makapaniwala na iyun ang manunulas sa kanyang labi.
Namutla naman si Zira sa hindi inaasahang tanong ng binata.
BINABASA MO ANG
ZIRA, THE SHIP CAPTAIN By: Lorgee Rhy (complete)
AlteleSynopsis Isang pangyayari ang nag pabago sa isang ZIRA ALARCON. Pangyayaring kahit kailan ay hindi niya makakalimutan na naging dahilan upang kamuhian at kalimutan ang lalaking lihim na minamahal. Ngunit paano kung matulad ang kanyang kapalaran sa k...