CHAPTER 9:

5.1K 159 1
                                    

Tuwang tuwa na sumunod si Jt kay Zira sa loob ng bahay, kahit nanginginig na sa ginaw ay hindi nito alintana dahil sa sobrang saya.

"Gusto mong mag kape? Para mawala yang pag ka ginaw mo, mag palit ka.muna ng damit mo, may twalya na sa loob ng banyo at tamang tama ihahanda ko ang kape mo baka isipin mo wala akong puso!" ani Zira na nag tuloy sa kusina.

Hindi parin mapalis ang ngiti ni Jt, para sa kanya maganda na iyung senyales.

Nag babanlaw ng katawan si Jt, iniisip jiya kung anu ang idadahilan niya upang manatili lang siya sa Isla kasama ng ksnysng mag ina, dahil panigurado itataboy nanaman siya pauwi ni Zira oras na tumila ang ulan.

Samantala...

Inip na inip naman si Zira na bag hihintay kay Jt, maging siya ay basa rin ngunit hindi pa lumalabas ang binata, bumibigat na rin ang talukap ng mata at bagagyang sumasakit ang ulo, malakas ang pakiramdam nitong lalagnatin siya. .

Pakanta kanta naman si Jt habang palabas ng banyo at tinutuyo ang buhok, bakapalit na rin siya ng damit, nakita niya na may sport short si Zira sa loob ng banyo at iyun ang isinuot.

Nanlaki ang mata ni Zira ng makita ang suot ni Jt, iyun sana ang nais niyang suotin dahil presko sa katawan maging ang terno nitong t- shirt na sinadya pa niyang ipinatahi L ang sukat dahil gusto niyang maluwag sa knya dahil ginagamit lang naman niya sa loob ng bahay.

"Bakit iyang damit ko ang suot mo? Diba may dala ka naman?" nakabusangot na tanung ni Zira.

Ngumiti naman si Jt, " pwede bang akin na lang ito tamang tama may pangalan ng anak ko sa likuran!" sagot ni Jt.

"No... " protesta ni Zira, " akin lang yan, pwede ba inumin mo na yung kape mo at palitan ko yang suot mo, saka okay na yata ang panahon pwede ka ng umalis!" padarang na sabi ni Zira saka nag tuloy sa banyo.

Masama talaga ang kanyang pakiramdam at masakit ang ulo.

Itinapat niya ang sarili sa maligamgam na tubig.

At ng matapos maligo doon lang niya na realize na wala na palang twalya dahil ipinagamit na sa binata plus isinuot pa nito sng kanyang bihisan. Nang gigigil siyang tinawag ang binata, na abala naman sa pag pra practise ng kanyang drama.

"Jtttt..." malakas na sigaw ni Zira.

Nagulat naman ang binata na hihigop pa lamang ng kape.
Nag mamadaling nag tungo ito banyo at kumatok.

"Bakit?"

"Babakit bakit ka wala akong maisusuot na damit, pwede ba kuhanan mo ako ng damit sa bag at please twalya na rin," gigil na sabi nito, at this time hindi na niya mailakas ang boses dahil sa pananakit ng ulo.

Agad naman tumalima si Jt. Binuksan nito ang Bag na nakita sa kwarto ni Zira, pag bukas pa lang niya tumambad na ang underware nito, tila napapasong kumuha siya ng dalawang pares at t- shirt at short.

Nang mskakuga sumulyap muna siya sa anak na himbing na natutulog at agad hinalikan sa noo bago lumabas.

Kinatok muna niya ang pinto ng banyo saka inuwang ng bahagya ang pinto at iniabot kay Zira ang damit.

Matapos iabot ang damit nag tungo na siya sa sofa at ipinag patuloy ang pag eensayo.

"Dapat ganito, ouch ang sakit ng tiyan ko!" ani Jt na pinaasim pa ang mukha," mukhang hindi kapani paniwala isa pa..." ika nanaman niya," ah Zira pwede bang dito muna ako sobrang sakit ng tiyan ko" aniya na pinalungkot ang mukha.

Dahan dahan namang lumalapit si Zira at tila umiikot ang pamingin.

Agad na umaktong masakit ang tiyan si Jt ng makitang palapit si Zira.

"Ouch, sakit ng tiyan ko, Zira sa tingin ko hindi ako makakauwi!" ani Jt na pinalukot pa ang mukha.

Tahimik naman si Zira na unti unting lumapit sa bintana at sinilip ang labas. Tumila na ang ulan.

Ngunit ang pakiramdam niya tila siya mabubuwal.

"Ouchh!" ika muli ni Jt nanakapikit ang isang mata, habang ang isang mata naman ay palihim na nakatingin kay Zira, nakayuko rin siya at sapo sapo ang tiyan. Ngunit bigla siyang napatayo ng makitang tila mabubuwal si Zira, mabilis pa sa alas kwatro na tinakbo niya ang distansya nilang dalawa at sa mga bisig niya bumaksak si Zira at nawalan ng malay.

Nang maramdaman ni Jt ang katawan ni Zira inaapoy ito ng lagnat, dagli dagli niya itong binuhat sa sofa bed na naroon at ipinahiga si Zira.

Tinakbo niya ang kinaroroonan ng mga gamit ng kanyang mag ina nag babakasakali ng may tableta doon para sa lagnat dahil kilala niya ito na laging handa.

Napangiti siya ng makitang may paracetamol doon, sumilip muna siya sa isa pang kwarto at ng makitang maayus at malinis

ipinasya niyang doon ilipat ang dalaga upang hindi mahawa ang anak nila sa lagnat ng dalaga.

Bigla naman siyang nakaramdam ng inis kung hindi dahil sa talangka hindi ito mauulanan at hindi mag kakasakit.

"Hayst gaano ba kaimportante ang talangka na yun?" inis na sambit ni Jt sabay buntong hininga.

Ipinahiga niya si Zira sa kama saka nanguha ng tubig upang mapainum ito ng gamot. Pero hindi parin humuhupa ang lagnat nito at nakikita niyang nanginginig ito sa ginaw kaya
sinilip muna niya ang anak, at ng makitang maayus ito bumalik siya sa kinaroroonan ni Zira.

Tumabi siya ng higa dito at niyakap ito, hindi naman nag tagal nawala ang panginginig ng katawan ni Zira. Hindi siya natulog binabantayan lamang niya ang dalaga, iniuban niya ito sa kanyang braso
habang ang isang kamay nito ay humahaplos sa buhok ng dalaga.

"Alam mo ba kung bakit bigla akong nawala noon? dahil sa kakambal ko na nag aagaw buhay at tanging ako lamang ang makakasalba sa buhay niya, matagal kaming nakaratay sa hospital na halos doon na kami tumira, alam mo rin ba na walang araw na hindi kita naaalala at napapanaginipan, noon ko na realize na mahal na pala kita matagal na, sising sisi ako sa nasabi ko noon sa iyo, gulong gulo lang ako sa nararamdaman ko noon, nang gabing may mangyari sa atin doon palang alam ko na na ikaw ang mahal ko at pawang pag hanga lamang ang nararamdaman ko sa ate mo, gusto ko ng hilain ang oras para makauwi noon ngunit natakot ako na baka hindi mo naman ako mahal na baka galit na galit ka sa akin, at totoo nga dahil ng mag kita tayo kung pwede lang siguro ako mag laho ng ilang sigundo ginawa mo na dahil napopoot ka sa akin and its killing me, pero pilit kong pinanlalabanan iyon dahil this time gusto ko patunayan sa iyo na mahal na mahal kita, with or with out our daughter I will court you, pero mabait parin ang Diyos dahil binigyan niya tayo ng munting anghel, lalo kitang minahal ngayon Zira dahil kahit wala ako sa tabi mo noon hindi mo pinabayaan ang anak natin at hinayaan mo siyang makita ang mundo, I'm so proud of you, I love you, at gagawin ko lahat para hindi na kayo mawalay pa sa piling ko dahil pag nangyari muling mawala ka sa akin kayo ng anak ko hindi ko na kakayanin, mahal na mahal kita at gagawin ko lahat matutunan mo lang akong mahalin!" ani Jt.

Hindi naman namalayan ni Zira na namasa na pala ang kanyang mga mata, kanina pa siya gising ng ilagay ni Jt ang ulo niya sa braso nito, hindi lang siya nag pahalata dahil gusto niyang namnamin ang sandaling nasa braso siya ng lalaking matagal ng pinapangarap at minamahal. Kaytagal niyang inaasam asam at pinaka pinananabikan ang marinig ang mga katagang ngayon ay nanulas sa mga labi ng binata. Ang paliwanag at mga sinabi nito ay sapat na upang mawala ang galit niya sa ama ng anak niya at ngayon ay nag uumapaw nanaman ang pag mamahal niya sa binata.

Hindi na niya napigilang hindi mapaiyak at niyakap ng mahigpit si Jt. Nagulat naman ang binata sa ginawa ni Zira.

ZIRA, THE SHIP CAPTAIN By: Lorgee Rhy (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon