"Ssshhh! Wag ka nang umiyak," ani Jt na patuloy parin sa pag haplos sa buhok ni Zira, "baka mabinat ka?" anito sa dalaga.
Tumingala naman si Zira upang makita ang mukha ng binata saka hinaplos ang mukha, I love you too!" ani Zira na patuloy paring nilalandasan ng luha sa mga mata.
"Talaga mahal mo ako?" ani Jt na namimilog ang mga mata sa sobrang saya.
"Opo matagal na, sa tingin mo ba mag papaubaya ako sa iyo noon kung hindi kita mahal? Hindi naman ako cheap na babae nho?" ani Zira saka isinubsob muli ang mukha sa dibdib ni Jt.
Kinabig naman ni Jt si Zira at lalong hinigpitan ang pag kakayakap.
"Teka hindi na ba masakit ang tiyan mo?" ani Zira ng maalalang sumasakit ang tiyan ng binata.
Ngumisi naman si Jt," hindi na masakit okay na ako!" tigon nito saka kinintalan ng halik ang noo ni Zira at niyakap muli ng mahigpit.
Hindi namalayan ni Jt na pati siya ay tumutulo na rin ang luha.
"Matulog ka pa sweety, dahil may sinat ka pa, dito lang ako sa tabi mo," anas ni Jt.
Ngumiti naman si Zira saka tumingala muli at inabot ng labi nito ang mamasa masang labi ng binata saka pumikit.
Napangiti si Jt habang lumuluha, halos ayaw na niyang bitawan sa pag kakayakap si Zira.
"Sweety I want to hug you till you sleep!" anito.
Tumango lamang si Zira saka lalo pang isiniksik ang mukha sa leeg ng binata.
Damang dama nito ang init na pag mamahal ni Jt, mga haplos nitong may pag galang at hindi nag tagal tinangay na rin siya ng antok dahil hindi pa gaanong mabuti ang kanyang pakiramdam.
Iyak ni Leth naman ang nag pagising kay Jt ng madaling araw, sinipat niya ang suot na relo 3:00 am palang. Kinapa muna niya ang noo ni Zira at napangiti siya ng wala na itong lagnat, hinalikan muna niya ito saka nag mamadaling pinuntahan ang anak.
"Baby, tahsn na nandito na si Daddy!" ani Jt saka lumapit kay Leth na umiiyak.
"I want Mommy, your not my Daddy!" humihikbing sagot ni Leth.
"Promise, I'm your Daddy baby, look!" ani Jt saka binuhat ang anak at idinala sa harap ng salamin.
"Oh diba sino ang kamukha mo ako ba oh si Mommy?" tanung ni Jt.
Pinakatitigan ni Leth ang mukha ni Jt at hinaplos iyon.
"Kung ikaw po ang Daddy ko bakit mo po pinaiiyak ang Mommy ko, diba dapat love mo po siya diba ganun naman po dapat ang Mommy at Daddy love each other?" naguguluhang tanung ni Leth dahil naalala nito kung paano umiyak si Zira noong nasa park sila.
"Baby, I love you Mommy too more than my life, I love you both, nag uusap lang kami ng Mommy mo noon kasi akala niya iiwan ko na naman ulit kayo, pero baby hindi na ulit mangyayari yun!" ani Jt at niyakap ang anak.
"Yeyyy, may Daddy na ako," ani Leth saka kumalas sa pag kakayakap sa ama, tulad ng ginagawa niya sa ina, pinupog din niya ng halik ang mukha ni Jt.
Tuwang tuwa naman si Jt ng mga sandaling iyon, nag uumapaw ang puso jiya sa kaligayahan.
"Nasaan po si Mommy?" ani Leth.
"May sakit si Mommy nasa kabilang kwarto, hindi ka pa pwedeng pumunta doon dahil nag papahinga pa si Mommy, halika matulog ka ulit, tatabi si Daddy sayo!" ani Jt at inakay na muli sa kama ang anak.
Nang makatulog si Leth nakatulog din ng bahagya si Jt at nang magising siya alas sais na ng umaga, nag tungo siya sa Kitchen upang ipag luto ang kanyang mag ina, arozcaldo ang inihanda niya, hinintay muna niyang magising ang anak at sabay silang pupunta sa silid na inokupa ng dalaga.
BINABASA MO ANG
ZIRA, THE SHIP CAPTAIN By: Lorgee Rhy (complete)
LosoweSynopsis Isang pangyayari ang nag pabago sa isang ZIRA ALARCON. Pangyayaring kahit kailan ay hindi niya makakalimutan na naging dahilan upang kamuhian at kalimutan ang lalaking lihim na minamahal. Ngunit paano kung matulad ang kanyang kapalaran sa k...