"Sweety, tayo na baka hinihintay na tayo ng baby natin!" ani Jt na niyuyugyog si Zira upang magising.
"Hmmmp,inaantok pa ako!" protesta ni Zira.
"Sige matulog ka pa ng isang oras or dalawa, tatabihan na lang kita!" ani Jt at nahiga nga sa kama katabi ng dalaga.
LUMIPAS ang isang buwan," ate saan ba tayo pupunta?" tanong ni Zira sa kapatid.
"Basta, na miss kita ng sobra eh, paganda muna tayo, samahan mo ako sa saloon!" ani Alrea.
"Eh ate tinanatatamad ako masama ang pakiramdam ko!" pag-tanggi ni Zira.
Hinipo ni Alrea ang noo ni Zira," hindi ka naman mainit bunso!" ani Alrea.
"Ewan ko ate basta ayaw ko!" ani Zira at pahinamad na nahiga muli sa kama.
"No, kailangan mong bumangon diyan, ngayon nga lang ako mag-aaya ayaw mo pa, samantalang pag ikaw isang salita mo lang hindi ako nag dadalawang-isip," kunwaring nag tatampong sabi nito.
"Okay, fine maliligo lang ako!" ani Zira at pilit na bumangon kahit masama ang pakiramdam.
Napakunot ang noo siya dahil kanina pa hindi nag paparamdam si Jt sa kanya at maging ang anak nila ay hindi siya kinulit, iwinaksi na lamang niya sa isip baka may pinuntahan lamang ang kanyang mag-ama pag baba niya todo ngiti naman itong si Alrea.
"Shall we?"
Zira rolled her eyes," ano pa nga ba?"
Nang makarating sa saloon ang mag kapatid todo entertain sila ng bakla na mag aayus sa kanila, simpleng make-up lang ang inilagay sa mukha ni Zira at lutang na ang ganda nito.
Napakurap si Zira at nag tataka man ay wala ng nagawa.
"Bunso isuot mo ito, isukat mo tignan mo bagay ito panigurado para ito na lang ang isuot mo pag kasal na ninyo ni Jt!" ani Alrea.
"Eh ate, baka hindi matuloy ang kasal namin kung isusukat ko ito," nakangiwing tanggi ni Zira.
"Ano ka ba bunso, pamahiin lang yun ano, saka sige na ako rin isusukat ko yung damit na isusuot ko sa kasal ninyo," ani Alrea na may nag lalaro sa kanyang isipan.
Walang nagawa si Zira kundi sumunod na lamang.
"Wow, amazing ang ganda-ganda mo talaga bunso!" ani Alrea at maluha-luha itong yumakap sa kapatid.
Hindi nag tagal ay may kinuha si Alrea na panyolito sa kanyang bag.
"Bunso amuyin mo ito, pabango gusto kong bilhin, sabihin mo sa akin kung mabango!" ani Alrea.
"Okay!" sagot ni Zira ngunit ng amuyin niya ang ibinigay ng kanyang ate, unti-unti siyang pinanawan ng ulirat.
MAHIHINANG tapik sa pisngi ang nag pagising kay Zira, at una nitong nasilayan ang matamis na ngiti ni Jt.
"Hello sweety?" bungad na bati ni Jt kay Zira na para lang si sleeping beauty na nakahiga sa maliit na bed, ngunit napapalibutan naman ng mga taong nag mamahal sa kanya,isa pang napansin niya ay tila sila nasa karagatan.
Dahan-dahan siyang bumangon at tama ang kanyang hinala, nasa gitna sila ng karagatan, napapalibutan ng mga yate, napaluha siya ng mag sink-in sa utak niya ang maaring maganap, dahil naalala niya noong ikasal si Alrea, ang pinag kaiba lang ay sa himpapawid ito ikinasal samantalang siya ngayon ay sa karagatan.
"Sweety, ngayon na ang kasal natin!" bulong ni Jt. Sa pag tayo ni Zira siya namang lapit ng pari.
"I can't imagine na ako nanaman ang mag kakasal sa isang Alarcon, I'm glad na hindi sa himpapawid ang kasalan this time kung hindi nako baka maaga akong sunduin ni San Pedro!" biro ng pare.
BINABASA MO ANG
ZIRA, THE SHIP CAPTAIN By: Lorgee Rhy (complete)
LosoweSynopsis Isang pangyayari ang nag pabago sa isang ZIRA ALARCON. Pangyayaring kahit kailan ay hindi niya makakalimutan na naging dahilan upang kamuhian at kalimutan ang lalaking lihim na minamahal. Ngunit paano kung matulad ang kanyang kapalaran sa k...