Ngumisi si Jt dahil gusto niyang sulitin ang pag kakataon para maipadama sa dalaga ang labis na pag mamahal niya.
"Handa ka na ba sweety?" tanung nito sa dalaga na namumungay ang mga mata.
Ngiti lang ang isinagot ni Zira, ngunit nag bigay iyon ng kakaibang lakas sa binata upang ituloy ang kalokohan. "Sweety kumapit ka, dahil ngayon gagawin na natin ang stlye na sinasabi ko ang pinag samang piloto at kapitan ng barko, at ito ay para lang talaga sa ating dalawa ang HAGUPIT STYLE," nakangising sabi ni Jt kasabay ng pag halik sa dalaga.
"Bakit hagupit ang kinalabasan ng piloto at kapitan ng barko?" natatawang tanong ni Zira.
"Eh kasi pag pinag sama iyon malakas ang impact kaya HAGUPIT," natatawang sahot ni Jt at inumpisahan na ang nais mangyari.
"Imaginin mo sweety sa bawat indayog natin, iyun ay ang alon na humahampas sa karagatan, at galaw naman ay tulad ng eroplano sa kalawakan sa bilis, kaya kumapit kana at HAHAGUPIT na tayo, intensity 10 na ito sweety!" ani Jt na halos sumakit sa kakatawa at kakailag sa kurot ng dalaga. Hindi nag tagal napatitig sila sa isat isa, titig na nauwi sa pag HAGUPIT na sinasabi ni Jt, ayaw ng bigkasin ni Jt kung paano nila gagawin, gusto niya silang dalawa na lamang ni Zira ang tutuklas.sa HAGUPIT STYLE ( iwas report,haha).
Kapwa pagod ang katawan ng dalawa ng matapos ipadama sa isat isa ang kanilang pag mamahalan.
At bago sila natulog, sinambit muna nila ang magic word at sabay na natulog na magkayakap.
Kinaumagahan, napag pasyahan nilang magkasintahan na uuwi na sa HACIENDA ALARCON upang ayusin ang kanilang kasal.
"Sweety, doon muna ako sa Hacienda ha, dahil kailangan ko pang makausap ang pamilya then after that mag sasama na tayo, iuwi mo muna si Leth sa inyo para makita ng mama mo at doon muna ako matutulog sa Hacienda," nakangiting sabi ni Zira.
"Sige sweety hihintayin na lang lita sa bahay oh susunduin kita?" tanong ni Jt.
"Wag mo na akong sunduin, ako na lang ang pupunta doon bukas!" sagot ni Zira.
HACIENDA ALARCON
"Oh ikaw iho, wag na wag mo na uling
paiiyakin itong anak namin kung hindi kami na mismo ang mag lalayo sa iyo pati na sa apo namin!" makahulugang banta ni Raffy kay Jt."Makakaasa po kayo Tito," sagot ni Jt.
Iniabot ni Zira ang gamit ni Leth kay Jt dahil isasama muna niya ito upang makita ng mga magulang ni Jt
Matapos makausap ni Jt ang mga magulang ni Zira ay umalis na rin ito kasama ng anak."Ate sobrang saya ko, alam mo ba noon, sobrang selos ko sayo dahil ikaw lagi ang napapansin ni Jt samantalang ako lagi inaaway!" ani Zira kay Alrea.
Napangiti si Alrea sa kwento ni Zira."Alam mo rin bunso, sobrang saya ko rin dahil naging masaya ka run at natagpuan mo na ang tunay na mag mamahal sa iyo, nga pala gusto ko ako ang mag aayus ng kasal ninyo, saan mo ba gusto...?" ani Alrea sa kapatid at matamang nag isip," alam ko na kung ako sa himpapawid eh ikaw naman sa karagatan, tulad ng kila Mom and Dad, pero mas bongga ang sa iyo kasi your especial!" ani Alrea sa kapatid na si Zira.
"Thank you so much ate, sa laging pag intindi at pag mamahal, pag suporta at hibdi pag iwan noong akala ko hindi na ako makakabangon!" madamdaming sagot ni Zira.
"Ano ka ba, kapatid kita at mahal kita, gagawin ko lahat para sa iyo at pag pinaiyak ka ng Jt na iyun babasagin ko ang mukha niya!" bantang totoo ni Alrea.
"Halla, matulog na tayo!" ani Alrea at humalik muna sa pisngi ng kapatid saka nag paalam ng umalis sa kwarto ni Zira.
"Goodnight sweetdreams!" pahabol ni Zira sa kanyang ate.
Biling baliktad si Zira na, hindi makatulog tila ba hinahanap hanap niya ang prisensya ng binata sa kanyang tabi.
Bigla niya itong na miss, at pinananabikang makita, hindi siya mapakali.
"Haysst ang hirap naman nito, isangvgabi lang hindi ko lasama pero para ng isang taon sa akin," ani Zira sa sarili at bumiling muli.
Tila nararamdaman pa niya ang yakap ni Jt bago matulog, ang mukha nito.
"Hayyyst, bakit ba pinapahirapan ko pa sarili ko? Puntahan ko na nga lang!" ani Zira at binablot ang Roba at hindi na inabala ang sarili na palitan ang suot na pantulog, who cares bahay din naman ang pupuntahan niya, wala siyang paki alam kahit hating gabi pa iyun, basta gusto na niyang makita si Jt.
Agad niyang pinaandar ang kanyang kotse at nag tungo sa bahay nila Jt.
In message muna ni Zira ang katulong nila Jt, buti na lang at na save niya ang number nito noon, noong umaasa siyang uuwi si Jt sa Pinas ito ang kanysng kinausap upang balitaan siya ngunit walang Jt noon na dumating.
Napangiti si Zira ng mag reply ang katulong at sinabing
gising pa ito dahil nag fa facebook pa at ka chat ang boyfriend, ngunit nireplayan niya na wag ng i lock ang maliit na gate at pati ang pinto ng bahay para malaya siyang makapasok at matulog na ito wag na siyang hintayin, at tinanung na lang niya kung nasaan ang kwarto ng binata at siya na lamang ang mag tutungo doon para hindi na makaabala pa.
Excited si Zira na inihinto sa labas ng gate ang kanyang kotse saka mabilis na pumasok sa loob ng bahay.
Napapangiti siya dahil sigurado masosopresa si Jt pag nakita siya.
Ngunit ng malapit na ito sa kwarto ng binata ay nakarinig siya ng unggol.
Napakunot ang kanyang noo at biglang kinabahan, dahan dahan niyang pinihit ang knob ng pinto at bingo hindi nakalock, ngunit bigla siyang natigilan
na para bang naitulos siya sa kinakatayuan at gusto ma niyang lumubog doon kung maaari lamang bumuka ang kinatatayuan niya upang siya ay lamunin. Sobrang sakit ngayon ang kanyang nadarama, ang makitang may kaulayaw ang taong mahal niya at walang iba kundi ang kaibigan nito.
Nang makabawi sa pagkabigla tumakbo siyang palabas ng bahay na iyon na labis na nasaktan.
BINABASA MO ANG
ZIRA, THE SHIP CAPTAIN By: Lorgee Rhy (complete)
RandomSynopsis Isang pangyayari ang nag pabago sa isang ZIRA ALARCON. Pangyayaring kahit kailan ay hindi niya makakalimutan na naging dahilan upang kamuhian at kalimutan ang lalaking lihim na minamahal. Ngunit paano kung matulad ang kanyang kapalaran sa k...