CHAPTER 8:

4.9K 169 1
                                    

"Anung sabi mo?" nakakunot noong tanung ni Zira at salubong ang kilay.

Humigpit naman ang kapit ni Leth sa kamay ng ina sa pag aakalang baka paiyakin nanaman ito ng binata.

"Please Zira, we need to talk for the sake of our daughter!" sagot ni Jt.

Bigla namang nakaramdam ng pag ka dismaya si Zira akala pa naman niya nag punta doon si Jt para suyuin siya at ligawan tulad ng sinabi nito ngunit hindi pala, kundi para lamang sa anak nila.

"Umalis kana, hindi ka namin kailangan ng anak ko dito!" ani Zira at hinila na si Leth papasok sa loob ng bahay.

Sumunid lamang ang paslit sa ina at hindi na nangulit pa.

Napapakamot na lamang sa ulo si Jt, luminga sa paligid at napag desisyunan na sumunod sa kanyang mag ina.

Ngunit palapit pa lamang siya sa pinto ng bigla itong sumara na halos ikalaglag ng tutuli sa kanyang tenga ang lakas ng kalabog nito.

Pinag sarhan ni Zira ng pinto ang binata.
Biglang kumulog at kumidlat.

Napakamot sa ulo si Jt, "naman ngayon pa yata uulan?" anito saka tumingala sa langit.

Inakay mi Zira ang anak patingo sa banyo at binanlawan, saka nito tinuyo ang katawan ng anak at binihisan.

"Mommy kawawa naman po si Tito Jt, baka po maulanan po siya?" ani Leth sa ina.

Napabuntong hininga naman si Zira," umalis na siya anak," sagot nito.sa anak.kahit malakas ang pakiramdam niyang nasa labas pa ang binata saka wala rin siyang narinig na uggong ng chopper.

"Hmmmp, Mommy bakit po kayo nag aaway?" inosenteng.tanung ni Leth.

"Hindi lami nag aaway anak, mayroon lang kaming hindi pinag kakaintindihan, halla matulog ka na para mabilis kang lumaki," anito sa anak saka ipinahiga sa kama ng matapos bihisan.

Nakatulog naman kaagad si Leth, dala ng sobrang pagod.

Nag masid masid naman si Jt sa paligid, tumingala siya sa langit at saka yumuko ulit. Kahit anung mangyari hindi siya uuwi ng hindi kasama ang kanyang maina at hindi napapatawad nito.

Bumuhos na ag ulan na kanina ay nasa ulap pa, basang basa na si Jt at mas ninais pa nitong mag pakabasa at nag lakad lakad sa buhanginan at pasipa sipa pa ito sa buhangin.

Nang makatulog si Leth kaagad nag tungo si Zira sa kwarto kung saan naka aet ang lahat ng monitor.

Kitang kita niya si Jt na pasipa sipa sa buhangin.

Kaagad siyang napamura ng mag red ang isang trap na malapit sa binata at kung masidipa ito ni Jt ay bigla itong sasabog. Hinanap ni Zira ang off ng naturang trap ngunit hindi niya makita.

"Shit!" ani Zira ng makitang malapit na si Jt sa trap.

Agad tumakbo si Zira palabas ng bahay.

---

"Wuaah, mukhang wala yatang balak si mahal na papasukin ako ah!" ani Jt at patuloy parin ito sa pag lakad at kasabay ng pag sipa sa buhangin.

Huminto siya sa tapat ng ng crab na gumagapang, ang pag sipa sana niya ay nabitin dahil sa talangka na naroon.

Napahinto si Zira at nakahinga ng maluwag ng makitang huminto si Jt at ang tangka nitong pag sipa ay hindi itinuloy.

Napangiti si Jt sa talangka na nasa buhangin ngunit ng damputin nito ay bigla siyang sinipit.

Nakatayo lamang si Zira habang pinapanood ang binata sa hindi kalayuan. Ngunit nabigla siya ng akmang sisipa nanaman si Jt sa buhangin.

"Waaaggg!" sigaw ni Zira at tumakbo palapit sa binata.

Akma namang sidipain ni Jt ang talangka na sumipit sa kanya ng matinig ang sigaw ni Zira.

"Grabe naman ito para talangka lang eh!" ani Jt sa isip.

"Hey bakit lumabas ka umuulan oh?" ani Jt na napalitan ng pag aalala ang boses.

"Adik ka ba? Alam mo ba sa ginagawa mo pwede kang mamatay?" galit na sabi ni Zira upang mapag takpan ang labis na pag aalala.

"Hindi ako ang mamamatay kundi yung talangka na sumipit sa akin, kaya pag bigyan mo na ako gusto kong sipain eh!" ani Jt na inamba nanaman ang paa. Tamang tama naman nakapatong ang talangka sa trap na naroon.

"Sige pag sinipa mo yan ako mismo papatay sayo!" nang gigigil na sagot ni Zira, na noo'y nanginginig na dahil sa takot at inis sa binata. Takot na baka mawala ito mismo sa harapan niya, at inis dahil hindi niya makontrol ang sarili konti na lang susugurin na niya ng yakap si Jt.

"Hayssst, oh ayan hindi na wag ka ng magalit!" nag tataka namang sabi ni Jt sa nakikitang ekspresyon ng mukha ng dalaga.

Napahinga naman ng malalim si Zira. Saka hindi napigilang napatulo ang luha, ang pag pipigil sa sarili na yakapin ang binata ay hindi na niya nakontrol.

Inilang hakbang niya ang pagitan nila saka niya niyakap si Jt. Umiyak siya sa dibdib nito dahil sa sobrang takot na naramdaman kanina.

Napakasaya naman ni Jt ng mga oras na iyun, ngunit ang kasiyahan niya ay saglit lang dahil bigla ring lumayo si Zira sa kanya saka binigyan siya ng malakas na sampal.

"Adik ka, kung sinipa mo yang talangka na yan, hinding hindi mo na makikita ang anak mo, so dont dare na balikan pa yan, kung ako sato umuwi kana!" ani Zira at saka tinalikuran si Jt.

Napamaang naman si Jt at sobrang sama ng loob dahil para lang sa talangka nag kaganoon si Zira at worse idinamay pa ang anak na hindi n'ya na daw makikita.

Napahinto muli sa pag kakbang si Zira, bigla siyang lumingon baka bigla na lang sipain ni Jt yung talangka.

"Pumasok kana sa loob, baka magkasakit ka kasalanan ko pa, kung ayaw mo naman malaya ka ng umuwi!" ani Zira.

Pumalakpak naman bigla ang tenga ni Jt sa narinig kaya mabilis pa sa alas kwatro na iniwan ang talangka, at sumunod kay Zira, mahirap na baka mag bago pa ang isip ng kanyang mahal na tigre

ZIRA, THE SHIP CAPTAIN By: Lorgee Rhy (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon