Chapter 01

53 6 0
                                    

WARNING: Sensitive Content

Kanina pa ako naka saing at lahat lahat, pero hindi parin dumadating sina Mama at Papa. Pumunta sila sa Doktor para sa monthly check up ni Mama dahil sa kaniyang sakit.

Si Mama ay umuupo na lang siya sa may wheel chair, her half body was paralyzed dala nang kaniyang sakit, masakit man makita ang Mama na naka gan'on pero hangga't okay lang ang kalagayan niya ay okay na sa'min 'yon.

Narinig ko ang pagbukas nang gate at dali dali naman ako'ng tumakbo para makita kung sino 'yon, lumiwanag ang mukha ko na sina Mama 'yon.

"Koleen!" Narinig ko'ng tawag sa'kin ni Papa galing sa labas ng bahay, madali naman ako'ng tumungo sa gate, nag mano ako sa kanila at kinuha na ang dala pagkatapos, para hindi na mahirapan si Papa, dahil papasukin pa niya ang wheel chair ni Mama. "Ayusin mo na ang mesa, dahil... Bumili na naman ako ng paborito mo! Lechon! Manok!"

Napangiti ako at napapalakpak pa dahil do'on. Retired teacher kasi ang Mama at syempre timing rin na every monthly check up niya do'on rin ang pag kuha niya ng pension niya. Marunong naman ako'ng kumuha ng pera sa machine pero si papa palagi ang nag e-insist na siya daw ang sasama.

"Kamusta daw ang kalagayan ni Mama, Pa?" Tanong ko. Habang inaayos na ang mesa para sa hapunan.

Sumulyap siya sa'kin habang inaayos ang wheel chair ni Mama. "Okay naman... D-daw siya sabi ng doktor"

Nag umpisa na kami'ng kumain. Napatingin ako kay Mama nang makita siyang titig na titig sa'kin habang may ngiti sa kaniyang labi, hindi pa nga siya nakasubo dahil sa kakatitig sa'kin.

"Bakit po Ma, may problema ba?" Agad naman siyang napailing, at napatawa ng bahagya.

"Huwag kang mag alala sa'kin, anak, okay lang naman ako" I just pursed my lips and gave her a nod when she reached for my hands ang gently squeezed it, making me assure.

Mahaba pa ang kuwentuhan naming magpamilya, napapangiti rin ako sa tuwing tumatawa rin ang Mama.

"Ang Ganda naman ng asawa ko" Napabaling kami sa direksiyon ni papa ng pinuri niya si mama.

But my heart started to ache, unti unting nawala ang mga ngiti sa labi ko, napatulala ako sa kaniya.

How can he act like this in front of his family, Infront of us, like... He din't hide anything from us.

Alam ba ni Mama o ako lang ang nakaka alam? O baka talagang alam niya ngunit nag bubulag bulagan lang?

Gano'on naman kasi palagi eh, minsan, kailangan mo'ng magbubulag bulagan kahit alam mo naman talaga kung ano ang totoo, in order to not feel the pain and all questions that were unanswered that clouded inside your head. Kailangan mong mag bubulagbulagan.

Hindi ko masabi kay mama ang totoo, dahil kahit ako mismo ay natatakot rin na baka may masamang mangyayari sa ina kung sasabihin ko ang totoo. But... Judging the instinct of a woman? Alam ko na ang sagot.

Nauna ng umakyat sina mama at papa at ako naman ay naiwan para iligpit ang kinainan. Ngunit sumama muna ako paakyat dahil gusto kong puntahan muna si mama.

She manuevered his wheel chair at my direction, lumabas si papa saglit kaya naiwan kaming dalawa.

"Anak, Koleen?" Tawag niya sakin sa malambing na boses.

Napabaling ako sa kaniya, I gave her a small smile and she kissed my forehead like what she always do when I was still a kid.

I bent to equaled our gazes, napatitig lang siya sakin at may mga ngiti sa labi, she then looked for my hand and when she found it, she squeezed it.

Under The City Lights Of Chicago Where stories live. Discover now