"Si Ashtine 'yon ah, kinausap ka niya?" I heard Agatha's voice behind me at agad akong napalingon sa kanya."Kilala mo 'yon?" I asked with my furrowed brows.
"Ah, si Ashtine Manjarrez, oo naman. Crush na crush ko 'yon dati before ako magkabebe!" She proudly answered.
"Ako rin, crush ko 'yon kaso never naman akong pinansin, kasi sino ba naman ako? Ako lang 'to, si Kyla, good girl lang." Kyla added.
Napangiwi naman ako. What's with the reaction?
"What's with that freak? Napakahangin, I don't like him. Mukhang gago."
How dare he tell me na hindi siya interesado sa akin? Eww, as if naman kagwapuhan. Ang layo-layo niya sa crush ko kahit na pareho silang Manjarrez.
"Ha? Bakit? Gwapo naman ah, cute niya, bagay pa 'yong tongue piercing niya sa kanya." Nakangising sagot ni Kyla.
Tongue piercing? 'Yong gagong 'yon meron?
Taena, panira imagination naman 'yon. Ang hot pa naman ng imahe ng mga may tongue piercing sa utak ko tapos may isang panira kasi mukhang jejemon.
"Kadiri. Uuwi na nga ako, sira na gabi ko," inis kong sagot at tumalikod na, ngunit agad naman akong naapayos ng tayo nang may nahagip ang paningin.
Ang crush ko! Si AJ!
"Omg!"
I heard Kyla and Agatha shrieking behind me at kahit ako, kung 'di lang ako takot na masira ang cool image ko ay baka tumili na rin ako kasama nila. Ngunit sa halip na gawin iyon ay inayos ko ang sarili ko, mabilis kong sinuklay ang maitim at bagsak na buhok, inayos ang suot na skimpy black dress, composed myself, and walked swiftly with grace.
I'm confident. Alam ko naman sa sarili ko na maganda ako. My hair compliments my morena skin and facial features well, makurba rin ang katawan ko na sakto lang sa taas kong limang talampakan at limang pulgada.
"Klio!" Someone from their group called me, taas noo naman akong ngumiti at lumapit.
Omg, he's here na! Ang crush ko sa archi department!
Nakatagilid siya mula sa pwesto ko at kahit gano'n ay litaw na litaw pa rin ang kagwapuhan niya. He looks like a prince sa pagiging angelic ng mukha niya.
"Oh, hi." I greeted and smiled, kahit na gusto kong tumingin sa crush ko ay pinigilan ko ang sarili ko. Syempre, I don't want to make a bad impression. Ayokong ipakita na head over heels ako 'no.
"Nandito ka? Hindi busy sa schoolworks?" Reel asked. Isa siya sa mga kakilala ko sa department nila dahil naging kaklase ko sa isang minor. At kung sinuswerte nga naman, magkaibigan sila ni AJ, magkasama raw kasi sila palagi sa org sa pagkakarinig ko. E sakto, medyo close kami ni Reel.
Ngumisi ako. "I already finished them, ayoko ring gumala na hindi pa tapos. Alam mo na, studies muna bago jamming."
Syempre, pa-good shot dapat.
"Bait mo naman! Kumusta naman kayo ni Aranjuez? Lagi pa rin kayong nag-aaway sa klase?"
My eyes widened. Gagong Reel! Bakit pa niya binanggit ang siraulong 'yon?
I sighed. Oo nga naman pala, no'ng naging kaklase niya ako ay kaklase rin namin 'yong gagong 'yon. Si Denver Aranjuez. Social issues pa ang topic lagi kaya always kaming nagkakasagutan since laging iba ang stand namin sa mga bagay-bagay. Ang init kasi ng ulo sa akin ng isang 'yon, well, ako rin naman. Patas lang kami. Bwisit siya e.
"Uh, hindi naman away 'yon, we just have contrasting stands and I'm just defending mine. Healthy discussion lang naman." I smiled awkwardly.
Damn, nakatingin na si AJ sa amin. Shuta, baka isipin niya na ang warfreak ko sa klase!
"Gagi, buti naman. Naalala ko pa kasi noon, halos magbatuhan na kayo ng upuan sa init ng sagutan niyo. Pati si Miss Asuncion napapahawak sa teacher's table." Reel laughed.
Taena, wala na. Sana pala hindi nalang ako lumapit.
AJ looked at me with his furrowed brows and smiled a bit. Nahigit ko naman ang hininga ko dahil sa kaba.
"Pero naalala ko rin, laging ikaw ang last line kapag debate. Galing mo e, lodi talaga!" Pagbawi niya at nakahinga naman ako nang maluwag.
Dapat lang Reel, ipamukha mo naman na magaling ako. I smiled.
"Oh, that's cool."
My eyes widened and I bit my lower lip when AJ suddenly talked while looking at me. Tangina, kakilig.
"Ay oo nga, bro. Si Klio..." Reel smiled and looked at AJ. "Klio, si AJ, President ng org namin."
I smiled. This is it.
I extended my hand. "Hello po, it's nice to meet you. I'm Klio nga pala..." nakangisi kong sabi.
He smiled back and was about to shake my hand when suddenly, someone draped an arm over my shoulders.
"Oh, hi babe! Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap."
My eyes widened. Who the fuck?
When I turned my back ay agad kong nakita ang taong kanina lang ay kinaiinisan ko.
The jerk named Alaric Augustine...and what the hell does he think he's doing?
"Excuse me?"
He smiled. "Oh, you're talking to my brother? Oo nga pala babe, kapatid ko...si Alexander James, you must know him, same school kayo 'diba?" He smirked.
I froze. Teka, k-kapatid niya? Wow, 'di ko maabsorb! And what the hell is happening?
AJ cleared his throat and fixed his eyeglasses. Umiwas din siya ng tingin.
"I see, you're my brother's girlfriend. It's nice to meet you, Klio. See you again," malamig niyang sabi bago tumalikod.
"Uh, no..." I muttered but it was already too late.
Mabilis siyang naglakad palayo at wala akong ibang nagawa kundi ang sundan siya ng tingin.
AJ immediately looked disinterested after hearing his brother and now, he's probably thinking that I'm really dating him.
Tangina lang. It was all ruined because of him.
I groaned and looked at Alaric furiously, na ngayo'y nakahalukipkip habang nakatingin sa akin.
Kasalanan niya 'to!
I'll make him pay.
BINABASA MO ANG
Bewitching the Tempter
RomantikKlio Adrasteia is known as the happy-go-lucky IT girl who lives her life to the fullest. She's from a wealthy and influential family, however, her life was quite messed up because she's labeled as the black sheep of the family. Alaric Augustine, on...