Chapter 4: Waiting for You

5.4K 130 4
                                        


Sobra na, hindi na pwede 'to.

Inis kong isinara ang screen ng phone ko at galit na napatayo.

"Sa Mapua siya nag-aaral, hindi ba? Engineering ang course, tama?" I muttered, looking at Agatha and Kyla.

Gusto ko lang talagang makasigurado kahit na kakabasa ko lang nong twitter post tungkol sa issue that was posted by one of his fans. Yes, that jerk has a freaking fan club. Hindi ko nga gets e, mas bet pala kasi ng mga tao 'yong mga mukhang gago? Gosh, I can't believe it!

"Tama ka naman, pero kalma, Klio!" Kyla held my arm.

Umiling ako. "Kailangan ko siyang puntahan at sabihing itanggi ang kumakalat na ito. It's no use kung ako lang ang tatanggi dahil ayaw naman akong paniwalaan ng iba."

Agatha's eyes widened. "So? Pupuntahan mo siya?"

I sighed. It's not like I want to, 'yon lang talaga ang nakikita kong paraan para itigil ang rumors na 'yon.

Duh, syempre ayokong maging associated sa playboy na 'yon!

"Oh my gosh! Mukhang papunta tayo sa exciting part ah!" Kyla beamed and stood.

"Gagi, Kyla! You know this girl, baka mamaya sumabog 'yan doon! Nakakatakot magalit 'yan!" Agatha disagreed with her.

I rolled my eyes. "Mga siz, hindi ako pupunta doon para makipag-away. I'll just go there to talk to him...in peace. Ayoko rin namang mag-iskandalo sa hindi ko eskwelahan. Hindi ako palengkera." I explained and proceeded to get my bag from the desk.

"Gagi, scam yata 'yan. Pero bahala na, kaya na 'yan ni Ashtine, expert naman yata 'yon sa babae." I heard Kyla whispering.

"Gagi ka talaga, 'di mo yata kilala 'yang kaibigan natin. Kay Denver pa nga lang grabe na ang badtrip n'yan e acads lang 'yon, paano pa kaya 'to na halatang inaasar siya?" Agatha countered.

"E baka naman kasi bet talaga siya ni Ashtine? Alam mo naman, Klio is that it girl!"

"Alright, may point ka nga. And actually, bagay naman sila."

I groaned in frustration and faced them two.

"Girls please, ayoko nang marinig pangalan ng gagong 'yon." Inis kong saad.

"Girl, ang puso mo! 'Wag mong ipakita masyado na inis ka, baka mas lalo ka pang asarin nun!"

I pouted. She got a point though.

"Alright." I sighed.

UP to MAPUA was more than an hour ride dahil sa traffic. It was so hassle pero para sa reputasyon ko, laban lang.

When I got there ay hindi ko pa alam kung paano makakapasok, mabuti nalang ay naalala ko ang isang kakilala ko na nag-aaral roon. Just one chat and she already went out to greet me.

"Hi, Heze!" I hugged her.

"Hello! Gaga, what brings you here? Hindi ka naman mangungutang e ano? Kasi kung oo, wala akong ipapautang ni isang sentimo. Broke era ako beh." Daldal niya.

I immediately laughed and shook my head.

"Don't worry, maniningil lang ako sa isang tao dito."

"Huh? Sino? Nangutang sayo?"

I smiled. "Alaric Manjarrez, do you know him?"

Her brows furrowed. "Huh? Si Ashtine? Bakit?"

I held her arm. "Please, I just really need to talk to him dahil malaki ang atraso niya sa akin."

Heze looked confused but she eventually nodded. "Okay, follow me then."

I didn't know what she do or said to the guards, ang alam ko lang ay mabilis kaming nakapasok ng school.

Bewitching the TempterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon