Chapter 13: Feel Sorry

3.4K 105 6
                                    


Kinusot ko ang mata ko nang maramdamang may tumamang liwanag sa aking mukha.

I groaned and stretched my arms. Pakiramdam ko ay napagod ako sa pwesto ko.

Uh, wait...

Napabalikwas ako at agad na napabukas ng mata, and my eyes immediately widened when I saw Alaric staring and grinning at me.

Anong nangyari? Bakit kasama ko siya? At nasaan kami?

Napatakip ako ng bibig nang maalala ang mga nangyari kagabi.

Gosh, I begged him to take me away last night, and I fell asleep during the ride. And now, it's already morning.

"Good morning," nakangiti niyang bati habang nakatitig pa rin sa akin.

"Uh, nasaan tayo?" I asked him with my furrowed brows and looked at the view outside, ngunit ang nakikita ko lang ay dagat at malalakas na akon.

"Can you guess?" He smirked.

Mas lalo akong napakunot ng noo. Ang naalala ko ay sinabihan ko siyang dalhin ako sa malayong lugar. Pero siguro hindi naman niya ako dinala sa Mindanao e 'no?

I sighed and went out of the car. Agad naman akong sinalubong ng malakas at malamig na hangin.

When I looked around, I saw windmills, at doon ko lang napagtanto kung nasaan kami.

Ilocos Norte.

And it was my first time to see the windmills in front of my eyes, kung kaya't bahagya akong napatulala, tila hindi pa naaabsorb ang tanawing nasa harapan.

My mind only went back to reality when my stomach growled. Napahawak naman ako agad ro'n.

Damn, kagabi pa nga pala ako hindi kumakain.

Agad ko namang narinig ang pagtawa ni Alaric sa likod ko pagkatapos, akala mo ay kinikiliti ng demonyo dahil sa tawa niya.

"Here, kumain ka muna. Mukhang galit na 'yang tiyan mo e, parang ikaw, galit na naman." He continued laughing as he handed me the paperbag he's holding.

Nakasimangot akong inabot iyon ngunit agad ding napangiti nang makitang galing iyon sa paborito kong restaurant.

Bumalik ako sa kotse at nagsimulang kumain samantalang siya naman ay pangisi-ngisi lang habang tumitingin sa akin. Ewan ko sa kanya! I appreciate his efforts and all pero nakakainis talaga mga tingin at ngisi niya. He looks so arrogant.

"Are you already done?" He asked when I placed the food back in the paper bag.

"Yeah, busog na ako." I answered. "Thanks for the meal. Ikaw? Kumain ka na rin ba?" I asked calmly, trying my best to sound nice.

He grinned. "Are you concerned about me now? Well, kung concern ka, don't worry about it anymore. Kumain na ako, babe."

Wow. I rolled my eyes.

"Napakaano mo talaga."

"Gwapo? Hmm." He immediately countered. Napangiwi naman ako.

"Kapal mo naman." Nandidiri kong sabi at tumawa lang siya.

"Ouch." Napadaing ako nang maramdamang may tumusok sa beywang ko galing sa gown na suot. It felt so uncomfortable.

"Oh, wanna change clothes?" He asked.

"Bakit? May dala ka bang extra?"

He smirked. "Wala, but I can buy you clothes. Anything you want."

Wow? Edi siya na ang mayaman.

"I also have my own..." I stopped when I realized I didn't have my wallet with me. "Uh, nevermind. Okay then, buy me. Babayaran ko nalang pagbalik ng Manila." I continued.

Bewitching the TempterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon