Chapter 36: Lies

3.5K 99 11
                                    


I still can't believe what I just discovered. Ilang minuto na akong nakatunganga pero patuloy pa rin ang pagbuhos ng luha sa mga mata ko.

Sino nga ba ang taong pinagkatiwalaan at pinakasalan ko? Is he really a friend or a foe? I don't know anymore. And I know I should talk to him first before concluding or taking action.

"Uuwi na ako," matapang kong saad at tumayo. Agad ko namang nakita ang pagtutol sa kanyang mga mata.

"Klio, I'm not gonna let you go home alone. Sasama ako."

Umiling ako at hinawakan siya sa braso.

"No, don't." I smiled and let him see that it's gonna be fine. "Denver won't hurt me, he won't hurt us. So please...don't worry."

Kahit na alam kong marami siyang tinatago, hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na mabuti siyang tao.

"I can say that kasi mahigit isang dekada ko siyang nakasama at sa loob ng isang dekadang iyon ay ni isang beses hindi niya ako sinaktan. He was always there for me, pinapalakas ang loob ko, sinusuportahan ako, inaalagaan." I continued. "Maybe he has his reasons at 'yon ang aalamin ko. But don't worry, it's gonna be fine."

Muli akong ngumiti bago ko siya binitawan.

He sighed and nodded. "Alright. Just remember that I am always here. I will always protect you, Klio." Aniya.

Tumango ako.

"Thank you...for everything."

Kumunot ang kanyang noo na tila hindi nagustuhan ang sinabi ko.

"Don't thank me yet, Klio. Dahil hindi pa ako tapos." Aniya bago ako tinalikuran. Akala ko aalis na siya but he came back.

"Here, wear this. It's a personalized smart watch, just press the red button if you need my help, okay?"

I sighed and took the watch from him. I'm kind of hesitant but I still ended up wearing the watch. Ayoko nang tumanggi sa tulong niya because I might really need that. 'Coz who knows what will happen next?

"Thanks," I uttered again.

Alaric took me home after that. When we arrived ay agad kong napansin na tila dumoble yata ang dami ng sasakyan sa labas ng bahay ni Denver.

Sa mismong tapat ng gate niya ako binaba. Agad ko namang nakita ang paglabas ni Denver. Worry was etched all over his face at parang gusto kong maiyak nang maalala ang nalaman. But no, kailangan kong maging malakas para makompronta ko siya nang maayos.

"Where have you been? Are you okay? We've been looking for you." Sunod-sunod niyang tanong sa akin at niyakap ako nang mahigpit. Tumingin naman siya sa likod ko at agad na nandilim ang ekspresyon nang makita si Alaric.

"I got ambushed...A-Alaric saved me. Alam na rin niya." I answered. Nanlambot naman ang kanyang ekspresyon bago muling tumingin sa likod.

"Salamat." Pormal at seryoso niyang sabi kay Alaric bago ako binalingan. "Go inside now, naghihintay na sayo ang mga anak natin."

I immediately nodded. Miss ko na sila and I feel guilty dahil panigurado nag-alala sila. But before going inside, muli akong tumingin kay Alaric at binigyan ko siya ng maliit na ngiti. He also did the same which made me feel voltage of electricity all over my body.

Nang makapasok ay agad akong dinamba ng yakap ng dalawa. Akala ko kailangan ko ng mahabang explanation but I guess Denver already did something.

Expert nga pala siya. Expert sa pagtatago.

Hindi ko alam kung ano pa ang ginawa niya sa labas but it took him so long. Nang pumasok siya sa kwarto ay agad siyang lumapit para halikan ako. Even though hesitating, I tried to do the same, iyon nga lang ay mukhang napansin niya agad iyon.

Bewitching the TempterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon