Chapter 34: Warmth

3.7K 103 3
                                        


Hindi ako nakagalaw mula sa kinatatayuan ko. Totoo ba ang narinig ko? He did that because...he wanted justice? Totoo ba iyon?

Why...

Bakit niya itinapon ang buhay na meron siya para sa bagay na iyon? Isa siya sa mga pinaka naapektuhan dahil sa nangyari noon, pero bakit...

Hanggang ngayon ba nakatali pa rin siya sa nakaraan?

Maraming bakit sa isip ko. It felt sad to think about it, lalo na kung totoo iyon, at hindi ko rin alam kung ano ba ang gagawin ko kung totoo nga.

For ten years, pinilit kong mamuhay ng normal at malayo sa nakaraan. I lived happily despite everything, nagawa ko iyon because Denver was beside me. Pero siya? Kung sakali mang totoo iyon, I couldn't imagine the hardships he's been through. Law school is already like hell and to climb to where he is now must be really difficult.

I know wala pang confirmation kung totoo nga iyon but I already feel guilty. Alam kong hindi ko kasalanan but I just couldn't help it. I feel guilty for living like nothing happened while someone's striving to get justice for my disappearance.

"Are you okay?"

Naputol ang pag-iisip ko nang may magsalita sa gilid. It's Alaric and I don't know how to face him anymore after what I heard.

"Here, your wine." Aniya at inilahad sa akin ang dala niya. Mabilis ko iyong tinanggap at walang pasubaling ininom.

"Oh, you must be really a party girl!" He uttered and chuckled na mas lalong nagpasidhi sa nararamdaman ko.

Gusto kong itanong. Gustong-gusto ko nang itanong pero hindi... hindi pwede.

At may parte rin sa akin na natatakot malaman ang totoo. Kasi hindi ko alam kong paano ko matatanggap e.

"Excuse me, restroom lang ako." Mabilis kong sabi at agad na lumayo sa kanya.

Sapo-sapo ang dibdib na animo'y naging tambol dahil sa lakas ng tibok nito ay hinanap ko ang CR. There, the tears I've been trying to hold back fell and I let them fall silently.

After letting out what's bugging my chest, I went out of the cubicle.

I made sure before going out na maayos na ang sarili ko kung kaya't nakataas noo na uli ako no'ng lumabas. But right when I went out, I was greeted with awfully familiar faces, at mukhang nagulat din sila sa presensya ko.

Agatha and Kyla.

It's been a while. And while I looked at them, I was reminded again of what happened back then. Katulad noon ay hindi ko pa rin sila masisi, ngunit hindi rin ibig sabihin no'n ay nakalimutan ko na ang katotohanang kinaibigan lang nila ako because they thought they could use me. But then... that's not worth a grudge with. Kasi ang babaw.

Tila nakakita ng multo na umatras sila. Gusto kong ngumisi but I maintained my composure.

"Excuse me, Miss?" I smiled. "Uh, you're blocking my way, I'm sorry." Kalmado kong sabi.

"Ay, hala. Sorry!" Natatarantang wika ni Kyla at gumilid.

"Thank you," I uttered and smiled again.

Nagsimula na akong maglakad but before I could go farther ay narinig kong muli ang boses nila.

"Miss?" Agatha called.

Lumingon naman ako nang nakakunot noo.

Ano? Familiar ba? Mukha bang multo? For a while, I wanted to laugh.

"Nothing, sorry. May kamukha ka kasing kakilala namin." Aniya at tumawa.

"Ah." Tumango-tango ako. "A friend?"

Bewitching the TempterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon