"Gago siya, Klio. Gago siya!" I kept on chanting as I watched him enjoying the waves in front of me.The past days of the short vacation we have were well spent, it's either we're enjoying the beauty of Ilocos or just in bed...making wonders.
At ngayong huling araw na namin ay napagdesisyunan niyang maglangoy, samantalang ako ay nakatingin lang dahil hindi ako nakapagdala ng damit panligo and I kind of afraid of the sea too dahil nangangati ako noon kapag nag-s-swimming.
Okay lang naman, nag-eenjoy naman ako sa tanawin...sa panonood sa kanya.
I bit my lips as I watched the seawater trickle on his well-toned body. He looked so hot and handsome. Hindi ko alam, pero habang habang tumatagal ay mas lalo kong napapagtanto kung gaano siya ka-gwapo. Kumpara noon ay mas lalo ko nang naaappreciate ngayon ang features niya.
"Uy!"
Inis akong napatayo nang bigla niya akong sinabuyan nang tubig dagat. Sa lalim ng pag-iisip ko ay hindi ko na namalayang nakalapit na pala siya sa akin.
"Gago! Ang sama mo!" Reklamo ko at binato siya ng towel na hawak ko.
"Lumilipad na naman kasi 'yong isip mo! Sino ba kasi 'yong iniisip mo? 'Yong lalaki no'ng nakaraan?" Humalakhak naman siya pagkatapos itanong iyon.
What? Si Rick? Siya ba ang tinutukoy niya? Aba! Gago ba siya?
Siya kaya ang iniisip ko, parang tanga. But there's no way in hell na sasabihin kong siya ang iniisip ko! Baka mamaya isipin pa niya na nagkakagusto na ako sa kanya.
Duh, lust is different from like. At sa sitwasyon namin ay alam kong lust lang ang lahat. Okay lang naman, pareho rin naman naming pinapakinabangan ang isa't isa. Hindi na lugi.
"Wala ka na ro'n!" Sagot ko inirapan siya, agad naman siyang natawa.
"Sungit talaga, lika nga rito!" He smirked and I immediately shrieked when he lifted me up.
"Hoy! Ibaba mo 'ko! Ayoko sa dagat!" Sigaw ko ngunit bilang pasaway na tao ay 'di naman siya nakinig sa akin at dirediretso niya akong ibinagsak sa mga alon.
"You freak!" I shouted again ngunit tawa lang siya nang tawa habang sinasabuyan ako ng tubig dagat.
"Have fun! Ang lungkot mong tingnan doon kanina, para kang brokenhearted!" Aniya at natatawang lumangoy palayo.
"Hindi ako brokenhearted! Nag-iisip lang kasi!" Nakasimangot kong sagot at sinubukang lumangoy na rin. Wala rin naman akong magagawa dahil basa na ako.
Ang baduy lang dahil naglalangoy akong naka t-shirt. Sigurado akong kapag makita ako ng mga kaibigan ay pagtatawanan ako ng mga 'yon dahil sa outfit ko.
"Ang dami mong iniisip palagi, hindi ka ba napapagod?" Tanong niya nang umahon sa harap ko.
I raised a brow. "Bakit ka nagtatanong? Interesado ka ba sa akin?"
He also raised a brow as the side of his lip rose. "Hindi ba obvious?"
"Puro ka naman kalokohan, tsaka 'wag ka ngang tanong nang tanong, nakakapagod sumagot!" I snorted.
"Sungit mo talaga, pero maganda ka pa rin. So ano nga? Nakakapagod ba?"
I sighed, ang kulit naman niya.
"Syempre nakakapagod." At minsan ayoko na, nakakasawa na. I was meant to say that, too, but I chose not to.
"Then don't think." Aniya at tumingin sa kawalan.
I rolled my eyes. "Normal people think, just so you know."
He shook his head. "You took it too literally, babe. Hindi gano'n ang ibig kong sabihin."

BINABASA MO ANG
Bewitching the Tempter
RomanceKlio Adrasteia is known as the happy-go-lucky IT girl who lives her life to the fullest. She's from a wealthy and influential family, however, her life was quite messed up because she's labeled as the black sheep of the family. Alaric Augustine, on...