What if pdn?
jwk
____________________Imee's POV
Ilang araw na ang nakalipas simula ng mangyari 'yon hanggang ngayon diparin mawala sa isip ko 'yung sinabi nya na mahal nya ako."Sino ba naman kasing mag aakalang isang Ceo mag mamahal ng isang hampas lupa na gaya ko diba? Haystt"
Ilang araw nadin niya akong iniiwasan I mean, Ilang araw na naming iniiwasan ang isa't isa at lagi siyang wala dito sa bahay hindi konga alam kung umuuwi pa sya.
"Imee? Kakain na anak nandito si Rodrigo" Napabalikwas naman ako sa narinig ko.
"Opo manang bababa na po!" Nag ayos naman na ako at nagmadaling bumaba dahil ngayon ko nalang sya makikita ulit pagkatapos nung nangyari. Gustong gusto ko syang makausap pero iniiwasan niya ako.
Pagbaba ko kumakain na sila.
"Oh Imee sumabay kana dito" Lola Vic. Tumango nalang ako at sinabayan silang kumain. Nagulat ako nang tumayo si Rodrigo kaya napatingin ako sakanya.
"Saan ka pupunta? Hindi kapa tapos kumain." Lola Vic.
"Busog napo ako lola kumain na ho ako kanina" Alam kong iniiwasan nyalang talaga ako kaya ayaw na niya kumain.
"Hindi, umupo ka diyan at sabayan mo kaming kumain."
"Pero lo-"
"Wala ng pero pero Rodrigo umupo ka diyan at sabayan kaming kumain! Ngayon kanangalang ulit namin makakasabay kumain dahil late kana lagi umuwi tapos sasabihin mo busog kana? Sabihin mo nga sakin Rodrigo may problema kaba?"
"W-wala naman po (sabay tingin sakin kaya nag iwas ako ng tingin.)"
"Sigurado kaba? Kilala kita Rodrigo. Now tell me what's going on? Akala nyoba hindi ko napapansin?" Napatingin naman kami kay lola Vic.
"Akala nyoba hindi ko napapansin na nag iiwasan kayong dalawa? Care to explain why?"
"L-lola hindi naman po sa ganon ahmm m-may kaunting misunderstanding lang ho kami at m-maayos din naman po namin" pagsisinungaling ko. Hindi naman umiimik si Rodrigo.
"Siguraduhin nyolang. Ayokong nag iiwasan kayong dalawa ha alam nyo naman yun."
"O-opo lola sige napo hayaan nyona po syang umalis busog naman na po ata sya."
Tinuloy na naming ang pagkain namin at nang matapos kami ay hinanap ko kaagad si Rodrigo. Nakita ko naman siya sa may pool area umiinom.
"Rod!" Tawag ko saknya pero hindi nya ako nilingon.
"Hey Rod please talk to me" Lumapit naman ako saknya.
"Leave me alone Imee."
"No please... Let's talk"
"For what?"
"I-I'm sorry h-hindi mo dapat narinig yon at-" Hindi naman na niya ako pinatapos magsalita.
"Dapat nga eh diko nalang talaga narinig 'yon."
"Kasi ang sakit Imee ang sakit." Nakita ko naman tumulo ang luha niya.
"I'm sorry Imee"
"You don't need to say sorry Rod wala kang kasalanan!" Nagsimula nadin tumulo ang nga luha ko.
"No, I'm sorry for loving you kahit na alam ko namang hindi mo ako mamahalin."
"Masakit Imee pero anong magagawa ko?"
"H-hindi kolang inaasahan na mamahalin mo ako Rod"
"Bakit? Kasi mahirap kalang? Imee hindi mahalaga sa akin kung mayaman kaman o mahirap! Kung mahal kita mahal kita! Tingin mo ba ganong klaseng lalaki ako? Tumitingin sa yaman?"
"Rod naman! Intindihin mo muna ako! Hindi ko naman kasi talaga inaasahan d-dahil a-akala ko ginagawa mo'to dahil gusto mo akong tulungan!"
"Oo Imee ginagawa ko rin ito para matulungan ka at para narin makasama kita dahil alam ko naman talaga na hindi mo ako mamahalin! Masakit lang na sayo kopa mismo narinig!"
"Ano namang gusto mong gawin ko?! Pilitin ko yung sarili ko na mahalin kita?!"
Rodrigo's POV
"Ano namang gusto mong gawin ko?! Pilitin ko yung sarili ko na mahalin ka?!" Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya.
"Rod I'm sorry h-hindi naman kasi ganon kadaling-" hindi kona siya pinatapos.
"Hindi ganon kadaling ano? Mahalin ako? Pero bakit bumigay ka saakin?"
"H-hindi ko rin alam"
"Anong klaseng sagot yan?! Alam mo Imee hindi kita maintindihan! Ang sabi mo wala kang pake kung sino mang babae ang makasama ko pero nagalit ka nung narinig mo si Lhea habang kausap kita tapos sabi mo rin hindi mo ako mahal at hinding hindi mo ako mamahalin pero bakit mo binigay ang sarili mo sakin?!" Wala naman siyang masagot kaya ngumisi ako.
"Kausapin mo nalang ako ulit kapag may maisasagot kana sa tanong ko." Sabi ko bago siya iwanan.
Imee's POV
Nakatulala lang ako nang iwan niya ako. Tinatanong ko sa sarili ko yung tanong niya kanina."Bakit nga ba?"
"Mahal na nga ba kita? Ayaw kolang bang aminin sa sarili ko kasi natatakot ako?"
"Ano ba Imee umayos ka nga!" Sigaw ko sa sarili ko at humagulgol.
"Hindi kona alam 'tong nangyayari ngayon! Gulong-gulo na ako!" Umiyak nalang ako ng umiyak hanggang sa mapag pasyahan ko na matulog na kaya umakyat na ako sa taas at natulog.
Kinabukasan nang magising ako wala na si Rod sa bahay. Sinabayan ko nalang si Lola Vic mag almusal at napansin naman niya na maga ang mata ko.
"Imee? Maga ang mata mo ah, nag away ba kayo kagabi?"
"H-hindi naman po lola ahmm puyat lang po ako" pagsisinungaling ko.
"Alam kong nag away kayo kagabi dahil nakita ko kayo." Agad namang tumulo ang mga luha ko.
"I-i'm sorry lola kahit ako gulong gulo na po sa sarili ko"
"Magpakatotoo ka Imee alam kong mahal ka talaga ng apo ko dahil nakikita ko 'yon."
"N-natatakot ako lola b-baka darating ang araw saktan niya rin ako tulad ng ginawa ni Mark lalo na kasal lang kami sa kontrata darating at darating ang araw na iiwan niya ako" Humihikbi kong saad.
"Kung patuloy kang pangungunahan ng takot mo parehas lang kayong masasaktan kaya kung ako sa iyo Imee habang maaga pa magpakatotoo kana. Alam kong mahal mo rin siya."
"P-pero nasaktan ko siya Lola n-nasabi kong hinding hindi ko siya mamahalin."
"Gaya nga ng sabi mo natatakot ka. Nasabi mo lang iyon dahil takot ka at ayaw mong aminin sa sarili mo na mahal mo siya."
"Ayusin niyo 'yang problema nyo mag usap kayo ng matino at ipaliwanag mo lahat sakanya para mag kaintindihan kayo. Pero sana kapag nag usap na kayo ulit hindi na takot ang mangunguna sayo."
"S-susubukan kopo Lola"
"Wag mong subukan Imee, Gawin mo. Wag kang mag alala kakausapin ko rin siya."
"S-salamat po lola."
____________________
Siguro naman dina kayo mabibitin niyan
Get ready for the next chapter dahil may eepal. (Parang si sincerelyyours1998)
Good night!
BINABASA MO ANG
Marriage Contract
FanfictionWhat if your Marriage Contract turns into a real marriage? but you have to get hurt first to realize that you love each other.