PROLOGUE
Sa lahat ng lugar sa mundo, sa dami ng lugar na pwede mong pagtrabahuan, hindi inakala ni Darcy na sa bar lang pala s'ya mapupunta. She's been working on the bar for about 1 year and a half now. She's enjoying her life, doesn't she?
Simple lang naman ang buhay ni Darcy, hindi mayaman, hindi rin sobrang hirap, pero hindi maitangging malaki ang pangangailangan n'ya sa pera. Her parents are both ill and she is a lone daughter. Ibig sabihin niyon,, sa kanya nakasalalay ang lahat ng pangangailangan ng pamilya. Nakaratay lamang sa higaan ang mga magulang nito, parehong may sakit at inaalagaan lamang ng kapitbahay nila sa Albay.
Hindi sapat ang sahud n'ya para tustusan ang pagpapagamot ng kanyang mga magulang. Kung igagastos rin para sa pagpapagamot ng magulang ang lahat ng perang nalikom kanyang trabaho, ano pa ang kakainin nila? Hindi rin naman pwedeng mangungutang s'ya sa kapitbahay, dahil masyadong mahigpit ang mga kapitbahay pagdating sa pera.
Medyo mahirap man ang buhay, ngunit patuloy na kumakayod si Darcy. All she wanted in her life is to give her family a brighter future. Pangarap n'ya simula pa no'ng bata s'ya ang magkaroon ng magandang buhay, magagarang kotse, malalaking bahay, maraming pera, at masayang pamilya, but things doesn't always go on how you planned it to be. Sadyang mapanghamon lang talaga ang panahon.
Sa kabila niyon, patuloy pa rin ang pagpupursige ni Darcy, nag-aakalang mayroong himala na magpapabago sa takbo nga kanyang buhay... umaasa.
"Darcy, pakibiggay nga 'to sa table 3."
Muling natauhan sa pagkakatulala si Darcy nang magsalita ang kasamahang bartender nito sa trabaho. Liningon n'ya ang tray na naglalaman ng mamahaling mga inumin at dahan-dahan n'ya itong binuhat at walang imik na naglakad. Kakaunting pagkakamali, ay talaga namang pagagalitan ka ng manager ng bar. Masyado itong estrikto pagdating sa trabaho, dahil gusto niyang mabigyan ng magandang serbisyo ang bawat customer.
Maingay ang buong paligid, amoy na amoy sa buong paligid ang amoy ng alak at anumang bino. Marami ang mga tao sa loob ng bar at sobrang lakas ng tugtog na animo'y hindi na magkakarinigan ang mga tao.
'The Kingston" is known as the finest bar all around Cavite. Expensive, but worth it. Madalas dinadayo ng mga negosyante sapagkat sikat na sikat ang bar, marami ang nagkakainteres na bilhin ito, ngunit hindi ipanagbili ng may-ari kahit gaano pa man ka laki ang perang inalok sa kanila. Mabuti na rin iyon, mas natutuwa pa si Darcy niyon at hindi na s'ya mahihirapan pang mag-adjust sa kung sinuman ang magmamay-ari ng bar.
Sa kasalukuyan, mayroong bachelorette party na nagaganap sa loob ng bar na ipinapatupad ng isa sa pinakamayamang negosyante sa buong Asya--- si Mr. Alferus Hemsworth. Ikakasal na ito kinabukasan kung kaya't nagkakaroon ng bachelorette party. Pulos mga lalaki ang nasa loob ng bar at talagang malilito ka kung sino talaga ang iakakasal. Hindi klaro ni Darcy kung ano ang hitsura ni Mr. Hemsowrth, sapagkat sobrang dami ng mga tao at natatabunan na siguro ito.
Madalas naririnig ni Darcy ang pangalang Alferus Hemsworth kahit noong hindi pa man nagkaroon ng bachelorette party. She is too curious to know who Mr. Hemsworth is, pero hindi n'ya pinilit ang sariling kilalanin ito, even though she really wanted to.
Darcy passed a lot of crowd before she arrived at table 3, but it is too crowded. Nagtatawanan ang mga kalalakihan at nagbibiruan nang makarating s'ya roon. Hindi makadaan ng maayos si Darcy upang ilatag ang dala-dalang tray ng whiskey sapagkat nakapaligid sa mesa ang mga kalalakihan. She's having a hard time to pass through. Hindi rin s'ya makakapagsalita dahil sigurado siyang hinding-hindi s'ya maririnig ng mga ito, sa lakas ba naman ng tugtug.
"Excuse me," usal ni Darcy pero walang nakakarinig sa kanya. She doesn't have the urge to louder her voice kasi mahina talaga ito. Biglaang humina ang tugtog and she suddenly heard a voice.
"It was an honor to be surrounded by the people whom I became good friends with, since the very beginning..." Pagsisimula ng baritong boses na nagsasalita.
Pilit na isiniksik ni Darcy ang sarili upang makapasok nang biglaan s'yang matisod na siyang dahilan upang matapon n'ya ang dalang tray sa mesa ng mga kalalakihan, at siyang naging dahilan upang magsilayuan ang mga ito, maliban na lang sa isang tao na nanatiling nakaupo sa harap ng mesa kahit na natapunan rin ito ng inumin. Nahinto ito sa pagsasalita and he closed his eyes in disbelief.
Nahinto ang mga tao sa ginagawa at nahinto rin ang musika.
Basag ang baso at basang-basa si Darcy. Hiya ang kanyang nararamdaman habang pinipilit ang sariling makatayo mula sa pagkakasubsub sa mesa. Mayroong mga nagtawanan sa nangyari sa kanya at ang iba nama'y tahimik lamang na nakatingin. Nakayuko lamang ito at pilit na pinapasan ang hiya, dahil nasa kanya na ang lahat ng tingin ng mga tao. Masyadong agaw pansin ang nangyari sa kanya.
Walang mukhang maiharap si Dracy at nanatili itong nakayuko. Pinipilit niyang hindi s'ya maluha kahit na hiyang-hiya na s'ya sa sarili. Wala man lang tumulong sa kanya nang masubsub s'ya sa mesa.
"I-I'm so sorry."
Iyon ang tatlong salita na binitawan ni Darcy habang nanginginig sa hiya at takot. Malikot ang kanyang mga kamay, dahil iyon ang kanyang paraan para pakalmahin ang sarili. Hindi nagtagal ay sumulpot sa harapan ang baklang manager ng bar.
"What happened here?!" Gulat na tanong ng manager.
Dahan-dahan ang pag-angat ng tingin ni Darcy sa manager at ibinaling n'ya ang tingin sa lalaking nasa kanyang harapan ngayon, nakaupo at umiinom ng alak. Hindi makikita sa mukha nito ang ekspresyon, hindi mo mahuhulaan kung galit ba ito o hindi. Muling ibinaling ni Darcy ang tingin sa manager. Kita sa mukha ng manager ang naglalagablab na galit sa mga mata nito ngunit hindi ito masyadong halata sa mukha n'ya.
"I'm really sorry, sir. I apologize in behalf of my staff. We will do better next time. I am really sorry," masisinang paumahin ng manager doon sa lalaki. Nagbago ang ekspresyon ng mukha nito nang kausapin n'ya ang lalaking nakaupo.
Seryoso ang mukha ng lalaki at inalis ang tumilapong bubog ng baso sa kanyang suot.
"Tsk, clumsy-blind-brat," usal ng lalaki na ikinatawa ng mga taong nasa paligid.
Muling ibinaba ni Darcy ang tingin, nakatitig na lamang ito sa sahig dahil pinagtatawanan na s'ya ng mga tao. Masakit sa kanyang kalooban ang nangyari sa kanya, lubusan siyang napahiya at wala na siyang mukhang maiharap pa. Sigurado siyang pinipintasan na s'ya ng mga tao, hinuhusgahan sa kanyang pagkakamali.
"On my office, now..." Bulong ng manager nito at muling humingi ng despensa sa mga tao bago pa man ito naunang umalis. Halata ang galit sa boses nito.
Walang lingon-lingong umalis si Darcy at nagsidatingan naman ang tagalinis ng mga bubog at kalat.
Napabuntong-hininga ang dalaga. Kinakabahan s'ya dahil maaari siyang tanggalin sa trabaho ng kanyang manager. Natatakot s'ya pero wala s'yang magagawa. Nangyari na ang dapat mangyari, at iyon ang lamunin s'ya ng kamalasan sa buong buhay n'ya.
Napailing-iling na tinahak ni Darcy ang daan patungo sa opisina ng kanyang manager.
BINABASA MO ANG
In Contract
RomansaDebbie Darcy Jayne is a young woman who works at a bar to support her family. Her parents are both ill, and she is the only child in the family, so she is considered as the breadwinner. Habang nagtatrabaho sa bar, hindi inakala ni Darcy na makikilal...