Chapter 16

473 7 0
                                    

CHAPTER 16

NAKAUPO lamang si Darcy sa kama habang malalim na nag-iisip. Kanina pa s'ya roon at hindi n'ya naisipang lumabas man lang. Kaninang tanghalian ay lumabas s'ya at nauna nang kumain.

Inimbitahan s'ya ni Sanjah kanina na maligo sa dagat kasama si Alferus pero tumanggi s'ya rito. Hindi muna s'ya magpapakita sa lalaki dahil medyo na wi-wirdohan s'ya rito.

Inabot ni Darcy ang kanyang cellphone at binuksan n'ya ang kanyang mga notepad. Tutal wala s'yang mapagsabihan sa kanyang mga nararamdaman sa araw na ito ay isinulat nya lamang roon ang lahat ng gusto n'yang sabihin.

She made it like a diary. Tinitipa n'ya lahat ng kanyang nararamdaman roon. About being hurt, feeling jealous, lonely, and sadness.

Medyo naiiyak s'ya habang tinitipa ang lahat ng kanyang mga gustong sabihin sa kanyang notepad. She wished someone is there to listen to her.

Bumuntong-hininga s'ya at pinipilit na pakalmahin ang kanyang sarili. Kalauna'y nakarinig s'ya ng katok sa pintuan kaya dahan-dahan s'yang tumayo't binuksan nya ito.

Bumungad sa kanyang harapan si Sanjah at kasama nito si Alferus. Sinulyapan lamang ni Darcy si Alferus at ibinalik n'ya rin agad ang kanyang paningin sa babae.

"Are you busy?" Nakangiting tanong ng babae sa kanya.

"W-why?" She asked.

"Labas tayo. May park malapit dito, punta tayo roon," nakangiting yaya nito sa kanya.

She wanted to refuse kaya nagdadahilan s'ya rito. "Ah...masakit kasai 'yung katawan ko...kayo na lang muna," pagdadahilan n'ya at napasulyap s'ya sa lalaki na ngayo'y nakatingin sa kanya.

Hindi nya lamang pinansin ang reaksyon nito at nanatiling nakatuon ang kanyang paningin kay Sanjah.

"Sige na, Darcy. Maganda roon t'wing hapon," pagpupumilit nito sa kanya.

"Kayo na lang muna. Masakit talaga 'yung katawan ko," pagkukunwati n'ya dahil sa katunaya'y ataw n'yang makita ang lalaki dahil mas lalo lang s'yang naiinis rito pati na rin sa kanyang sarili.

Naiinis s'ya sa kanyang sarili dahil sa dinami-rami ng mga lalaki sa mundo ay bakit ba s'ya ang nagustuhan nito na mayroon na itong asawa.

"Please, Darcy? Minsan lang naman talaga ako magyayaya ng kaibigan, eh," she said while her eyes are begging for her to agree.

Napalunok na lamang si Darcy. Hindi n'ya talaga matatanggihan 'yung babae. Masyado itong mabait sa kanya.

"S-sige, magpapalit lang muna ako, ah?" Paalam n'ya at agad na sinarado ang pintuan. Napabuga s'ya ng hangin nang maisara nya ang pintuan.

Hindi n'ya makayanan ang mga titig ng lalaki sa kanya. Kinakabahan rin s'ya habang kausap si Sanjah.

Binalewala lamang iyon ni Darcy and she went on her luggage to get some clothes. Kumuha lamang s'ya ng palda at sleeveless na top tsaka nagsuot lamang ito ng doll shoes.

Lumabas s'ya ng kaniyang kuwarto at nasalubong n'ya ang mag-asawa na naghihintay sa kanya sa labas. Sinalubong pa s'ya ng ngiti ni Sanjah.

"Let's go?" Tanong ni Sanjah sa kanya. Ngumiti lamang s'ya sabay tango.

Sumakay sila ng sasakyan patungo sa parke at ilang mintuo lamang ang kanilang biyahe upang makarating sila roon.

When they arrived at the park, agad silang nagbabaan sa sasakyan. Maraming mga tao ang paligid especially street vendors na nagtitinda ng mga street foods.

It's been 3 years since Darcy went to a park. Sa sobrang busy n'ya ay ngayon lang rin s'ya nakabalik sa pagpunta sa parke. It might not be the same park as what she had went before, but it is still a park.

In ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon