CHAPTER 3
"So this is your room. You will live here for the meantime."
Wala sa sariling nakatitig si Darcy sa mamahaling kuwarto sa mansyon ng mag-asawa. Nasa dulo ang kanyang kuwarto kung saan tinawag nila itong guest room. Doon s'ya matutulog sa kuwartong iyon para maging madali na magkasundo sina Darcy at Alferus Hemsworth.
Hindi lubusang ma-absorb lahat ng kanyang iniisip. Masyadong mabilis ang mga pangyayari, ngayo'y nasa loob na s'ya ng kuwarto na kanina la'y nakaupo pa sila sa sofa. Ang alam lamang ni Darcy ay pumerma s'ya ng kontrata, ni hindi n'ya ito maayos na binasa.
Napabuntong-hininga na lamang ito habang patuloy namang nagsasalita si Sanjah kasama ang kasintahan nito. Ngayo'y inilibot s'ya sa kabuoan ng mansyon upang makabisado n'ya ang bawat daan ng mansyon, sa laki ba naman niyon, siguradong mawawala ka roon. Maraming mga daan at masyadong nakakalito kung saan patungong banyo, kusina, at guest room sa dami ng mga pintuan.
"Pwedeng sa bahay na lang ako matutulog? Hindi naman kailangan dito ako matutulog, 'di ba? Well, I can come here every morning."
Biglaang tanong ni Darcy sa mag-asawa kung kaya't sabay ang mga itong napalingon sa kanya. Kinunutan s'ya ng noo ng lalaki.
"Did you read the contract properly?" Tanong nito sa kanya at tinaasan s'ya ng kilay. "It was clearly stated there that you will live with us until all of this damn thing is done," maypamura nitong ani.
Napairap na lamang sa kawalan si Darcy. Hindi n'ya akalaing ganoon pala ang pamamaraang pagsagot ng lalaki sa kanya. Kung sa bagay nga naman, mukha naman itong masungit at may sariling mundo. Masyadong seryoso sa buhay.
"Eh, paano 'yung trabaho ko?" May halong pag-aalalang usal ni Darcy. "Hindi alam ng mga magulang ko 'tong ginagawa ko," dagdag n'ya pa na s'yang nagpadagdag sa pag-aalala nito.
"Your parents doesn't have to know. No one should, so zip it," ani pa ng lalaki. "And about your job, you'll have to stop working. I have already told your manager that you're working for us and he willingly agreed. Siguro hindi ka talaga n'ya gusto after what you have done on my bachelorette party, don't you think?" dagdag nito at tumaas ang gilid ng labi nito na animo'y nag-aasar.
Natahimik si Darcy sa sinabi ng lalaki. Masyadong harsh para sa kanya sa sinabi nito.
"What? Wahat happened to your bachelorette party?" Sabat naman ni Sanjah na may halong pagtataka. She seems intrigued.
Matamis na ngumiti si Alferus rito. "No, nothing much, hon." Inilagay nito ang kanyang kamay sa likod ng kanyang asawa saka sila patuloy na naglakad. Napasimangot na lamang ang asawa nang hindi s'ya umamin.
Napataas na lamang ang kilay ni Darcy habang nakasunod na naglalakad sa likod ng mag-asawa.
'Tsk, walang loyalty.'
Iyon ang nasa kaloob-looban ng kanyang isipan ngayon. Pansin n'ya na mukhang maraming tinatago ang lalaking sa kanyang asawa. Hinuhusgahan na n'ya ang lalaki sa kanyang isipan dahil naiinis rin s'ya rito. Hindi n'ya maintindihan kung ano'ng nakikita ni Sanjah sa lalaki na s'yang naging dalhilan ng pagsasama nila sa pamamagitan ng kasal.
Umiling-iling na lamang ang dalag. Matapos nilang libutin ng ilang oras ang kabuoang ng mansyon pati ang labas nito'y bumalik sila sa salas. Tanghali na at hindi pa silang nagtanghalian. Ala 1 na ng tanghali at nagugutom na ang dalaga, gustuhin n'ya mang umuwi at bumalik sa bar ay 'di nya magagawa. Napaisip na lamang ito kung hinahanap pa ba s'ya ng mga katrabaho n'ya sa ba. Siguro nama'y hindi, tutal wala naman ang mga iyong pake sa kanya.
Hindi na nakikinig si Darcy sa mga pinagsasabi ni Sanjah sa kanyang harapan dahil nagugutom na ito. Hindi s'ya sanay na nililipasan ng gustom kung kayat tumutunog na ang kanyang tiyan. Her stomach is growling, making loud sounds. Napatakip na lamang si Darcy sa tiyan dahil nahihiya s'ya na baka marinig iyon nina Sanja at Alferus.

BINABASA MO ANG
In Contract
RomantizmDebbie Darcy Jayne is a young woman who works at a bar to support her family. Her parents are both ill, and she is the only child in the family, so she is considered as the breadwinner. Habang nagtatrabaho sa bar, hindi inakala ni Darcy na makikilal...