CHAPTER 8
LUMABAS si Darcy mula sa bari na dati n'yang pinagtatrabahuan. Gabi na nang ito'y makalabas, at alas 7:00 na ng gabi. Inimbita kasi s'ya ng dating amo roon at nagkaroon sila ng pag-uusap tungkol sa ngayong bagong buhay ni Darcy.
Nakatanggap rin s'ya ng balita patungkol sa kanyang mga magulang na ngayo'y kasalukuyang ginagamot sa isang pribadong hospital kung saan ang mga ito inilipat. Her parents are getting better kahit na mabagal ang recovery ng mga ito. Still, she was very grateful.
HHinatid si Darcy ng sasakyan ng dating amo sa mansion ng mga Hemsworth sapagkat gabi na at wala na masyadong sasayan sa kalsada. Ayaw rin naman ng dating amo na maglakad ito papauwi dahil sa dami na ng mga masasamang loob ngayon at malayo-layo rin ang sakayan ng jeep.
"Salamat po," pasalamat n'ya sa dating amo nang makalabas s'ya ng sasakyan.
"No problem, hija, basta balik ka sa susunod sa bar, ah? We are very happy to welcome you," nakangiting tugon ng dating amo saka sila nagpaalam sa isa't isa.
Pumasok sa malaking gate si Darcy saka ito dumeretso sa pintuan ng bahay. Pagbukas n'ya ng pintuan ay tahimik s'yang pumasok sa loob habang pinagmasdan ang paligid at inaalam kung dumating na ba si Alferus.
Nang mapansing tahimik na tahimik ang paligid ay agad itong pumasok sa loob ngunit pagkarating n'ya sa salas ay sinalubong agad s'ya ng seryosong tingin ni Alferus.
"Bakit ngayon ka lang? Where have you been?" Seryosong tanong ng lalaki habang nakaupo ito sa dulo ng sofa at nakakrus naman ang mga paa nito. Nakasuot ito ng ternong pajamas na may disenyo ng peppa pig.
"H-ha? G-galing ako sa bar nag---" Hindi naituloy ng dalaga ng sasabihin nang makita n'ya na tumaas ang kilay ng lalaki.
"Go on," usal nito.
"Galing ako sa bar dahil inimbita ako ng dati kong amo," paliwanag n'ya rito.
"What makes you to return home late?" Seryoso pa rin ito kung kaya'y napakamot na lamang sa ulo ang babae. Why is he very serious anyway? As if naman magkarelasyon sila?
"Teka nga, bakit ba ang dami-dami mong tanong? Isa pa, it doesn't concern you naman, 'di ba? Hindi mo naman pwedeng pakealaman 'yung buhay ko dahil buhay ko 'to, and I can do anything without asking for your consent," inis n'yang tugon.
Napaiwas naman ng tingin ang lalaki dito at tumikhim. "I was just worried..."
Napaangat ang kilay nang dalaga nang marinig n'ya iyon. "About me?"
Muli s'yang sinulyapan ng lalaki. "No. I am worried that if you'll enter the house late, you will forget to lock the door," tugon nito at tumayo.
Nakapamulsa itong naglakad papalapit sa kinatatayuan ni Darcy habang dala-dala ang isang shoe box at isa pang malaking box. Nang huminto ito sa harapan ay inilahad n'ya sa dalaga ang box.
"Wear this for tomorrow night. We'll be going to a birthday party. I'll call for someone to do a makeover for you para hindi ka naman magmumukhang sabog sa party. I don't want to embarrass myself."
Nang sabihin iyon ng babae ay nakaramdam s'ya ng insulto. Inirapan n'ya ang lalaki at marahan na kinuha ang bag. Wala na itong tanong-tanong pa at deretso s'yang umakyat ng hagdanan papasok sa loob ng kanyang kuwarto.
Kinaumagahan ay nagising ito at nakita n'ya ang shoe box at ang malaking box na bigay sa kanya kahapon ni Alferus, nakapatong ito sa mesa sa gilid ng kanyang higaan. Curious s'ya sa kung ano ang laman nito at kung bakit malaki iyon, mukha tuloy itong box ng cake pero masyadong magaan naman ata para maging cake.
BINABASA MO ANG
In Contract
RomantizmDebbie Darcy Jayne is a young woman who works at a bar to support her family. Her parents are both ill, and she is the only child in the family, so she is considered as the breadwinner. Habang nagtatrabaho sa bar, hindi inakala ni Darcy na makikilal...