CHAPTER 4
Kasalukuyang nakatayo at nakatitig si Darcy sa harapan ng malaking pintuan. Nagdadalawang-isip kung papasok ba s'ya o hindi. Kakagaling n'ya lang kamakailan sa compound na tinutuluyan n'ya upang kuhanin ang kanyang mga damit. She also dropped by the bar to formally say goodbye to her manager and co-worker, but guess what? They didn't even care.
HIndi naman nagluluksa ang dalaga, nasanay na s'ya sa ganoong mga ugali ng mga katrabaho. Meron ngang iilan na may pake-alam pero napipilitan, halatang plastik. Hindi na iyon pinoproblema ni Darcy, ang pinproblema n'ya ngayon ay kung paano buksan ang malaking pintuan sa kanyang harapan.
Hindi ito basta-basta lang pintuan na may doorknob, hindi rin ito pintuan na tintutak para makapasok, kung saan ang mga klase ng pintuang iyon ang nakasanayan ni Darcy. Nakalimutan na n'ya kung paano buksan ang pintuan. Nakalimutan n'ya rin kung paano binuksan ng mag-asawa ang pintuan.
Sinubukan n'yang itulak paloob ang pintuan ngunit hindi ito gumalaw na animo'y nakadikit sa sahig. Limongon-lingon ang dalaga da paligid upang humingi ng tulong, ngunit walang mga tao sapagkat nasa ikalawang palapag s'ya ng bahay. Napabuntong-hininga ang dalaga, nahihiya sa sarili.
Nakalapag ang kanyang dalawang malalaking bag sa sahig samatalang sabit-sabit naman sa kanyang balikat ang isa pang bag. Karga-karga n'ya rin ang pinaka iniingatan n'yang box na puno ng litrato. Tanging ala-ala na iniwan iyon ng kanyang lola na bigay sa kanya ng ina.
"You know you're blocking the hallway, right?"
Agarang nilingon ng dalaga ang pinanggalingan ng boses na iyon. Nakita n'ya si Alferus na nakatingin sa kanya. Pabaling-baling ito ng tingin mula sa kanya at sa kanyang mga bagahe. Kalauna'y nangunot ang noo nito sa hindi malamang dahilan.
"Uh...Oh, I'm so sorry," aniya at agad na itinabi ang kanyang mga bagahe, halata namang nahihirapan. Nahulog pa 'yung box na may lamang litrato. Hindi n'ya maiwasang hindi mapamura sa inis. Talaga namang napipikon na s'ya.
Hindi gumalaw si Alferus kahit na tumabi na ang dalaga. Nanatili ito sa kanyang kinatatayuan habang nakatingin sa dalaga.
"Daan ka na," usal ni Darcy matapos n'yang pulutin ang laman ng box.
"Bakit hindi ka pa pumasok? The door is in front of you," usal ng lalaki.
"Because I don't know how to open the door?" Patanong na tugon ng dalaga.
Lumapit ang lalaki sa kanya at binuksan nito ang pintuan. It was a sliding door and she doesn't know how to open a sliding door. She feels ignorant, all her life she never thought of sliding the door side wards.
"O-oh, thank you," pasalamt n'ya at pekeng ngumiti sa lalaki.
"Tss, don't be too ignorant. Sliding door is one of the common doors in the country, how could you not know how to open a sliding door?" Tila may halong inis ang boses nito nang sabihin iyon. Napataas namana ng kilay ng dalaga nang marinig ang tono ng boses nito.
Animo'y pinapagalitan s'ya ng estriktong kasintahan.
"It's not my fault! I am not obliged to know every door in this world. Kasalanan ko bang ignorante ako sa ganyang klaseng pintuan? Ngayon lang ako nakasalubong ng sliding door, dahil sa unti ng lugar na napuntahan ko simula bata pa ako. Halos lahat ng pintuan na nabuksan ko may doorknob," pagsusungit ng dalag at napairap ito sabay ayos ng pagksabit ng bag na nasa kanyang balikat.
Batid ng dalaga na hinding-hindi talaga sila magkakasunod. Paano na lang ang kontrata kung malabong magkasundo silang dalawa.
"Tsk, nonsense excuses," tugon naman ng lalaki at nilagpasan lamang s'ya nito. Sinundan n'ya ng masamang tingin ang lalaki hanggang sa maglaho ang pigura nito sa kanyang paningin. Pumasok na lamang s'ya sa kuwarto at sinarado ang pintuan.
Mabango ang kuwarto, nangangamoy ang hangin ng aircon. Inilatag ni Darcy ang bag sa sahig at umupo ito sa kama. Malambot ang kama, masarap higaan, medyo malaki-laki rin, magkakasya ang tatlong tao.
Bahagyang napaidlip ang dalaga at hindi na ito nag-abala pang magbihis. Iilang mintuo pa'y nabangaon ito at lumabas ng kuwarto. Naglibot-libot muna s'ya sa mansyon. Tahimik ang buong paligid dahil 'yung mga kasambahay abala sa kani-kanilang mga trabaho.
"Ma'am, may kailangan po kayo?"
Napalingon ang dalag sa gawi kung saan nanggaling ang boses. Nakita n'ya ang isa sa mga kasambahay na may dala pang feather duster.
Ngumiti si Darcy rito tsaka umiling-iling. "W-wala po," tugon n'ya. "Naglibot-libot lang po ako," dagdag nito. nagpaalam naman ang kasambahay sa kanya kung kaya naiwan s'yang mag-isa sa salas. Naglakad-lakad lamang ito kung saan man s'ya dalhin ng mga paa.
Napadpad s'ya sa hardin. Puno ng mga bulaklak, magagandang mga halaman, at mayayabong na mga puno. Presko ang hangin. Sa isang malaking punuan nama'y makikita ang swing na gawa sa kahoy ang upuan at lubid naman ang nakatali rito.
Sinubukang umupo ng dalaga rito at agad n'ya itong idinuyan. Hindi maitanggig nag-enjoy s'ya rito, iyon nga lang, nasusuka s'ya dahil hindi s'ya masyadong sanay.
Naglibo-libot munsa hardin si Darcy, minamasdan ang bawat halaman na nakikita. Naagaw ng atensyon nito ang kulay dilaw na bulaklak, mukha itong rosas pero mas makapal pa s'ya sa rosas. Maganda tignan dahil sa laki nito, para itong cupacake na may frosting sa ibabaw. Pinitas iyon ng dalaga at inamoy. Wala masyadong amoy, amoy halaman lang s'ya.
"That's a Japanese Ranunculus, looks like a rose but is less expensive."
Agad na napalingon ang dalaga sa pinanggalingna ng boses na iyon. medyo nagulat s'ya pero binaliwala n'ya lamang iyon.
"Sir Alferus... Alferus? A-ah...kinuha ko na..." Aniya. Hindi malalaman sa boses nito kung nagpapaalam ba s'ya rito o ipinagmamalaki n'ya ang napitas na bulaklak.
"I see that," tugon naman ng lalaki habang sumisimsim ito sa kape. Tanghaling tapat pero nagkakape. Tama ba 'yon?
Napayuko ang dalag sa hawak-hawak n'yang bulaklak. "A-ah, papasok muna ako," paalam nito pero napahinto s'ya nang mayroong pumasok sa kanyang isipan.
"Ah, ano'ng ginagawa mo dito?" Kunot-noo n'yang tanong.
Mahinang natawa ang lalaki sa tanong nito. "Of course, this is my garden, what would you expect?" Tugon naman ng lalaki at inilagay ang kamay sa bulsa.
"Eh, 'di ba kanina pumasok ka sa kuwarto mo?"
"I was in the balcony." Tinuro nito ang balcony na sinasabi nito. Kitang-kita pala roon ang hardin. "I was watching what you were doing."
Napakunot ang noo ng dalaga sa sinasabi nito. "You were stalking me?!" Gulat na tanong ng dalaga.
Napataas naman ng kilay ang lalaki. "W-what? No! I was just... looking around and I happened to see you."
"And bumaba ka rito dahil nakita mo ako?" She asked with a foolish smile on her face.
"Tsk... I'll be sending my wife to the airport. I'll be leaving you for a moment." Iyon lamang ang tanging tugon ng lalaki at nagmartsa ito paalis.
"Huh? 'Di mo naman kailangang magpaalam sa akin." Mahinang natawa ang dalaga matapos n'yang sabihin iyon.
Napahinto sa paglalakad ang lalaki at saglit s'yang nilingon nito. "I am not. I'm just telling you kasi baka kung ano pa ang pakeke-alaman mo dito sa bahay, mahirap na..." Nagpatuloy sa paglalakad ang lalaki.
Napalitan ng inis ang ekspresyon sa mukha ng dalaga. Napairap s'ya sa kawalan at binitiwan ang hawak na bulaklak saka rin ito nagmartsa papasok sa loob ng bahay.

BINABASA MO ANG
In Contract
RomanceDebbie Darcy Jayne is a young woman who works at a bar to support her family. Her parents are both ill, and she is the only child in the family, so she is considered as the breadwinner. Habang nagtatrabaho sa bar, hindi inakala ni Darcy na makikilal...