CHAPTER 5
Kasalukuyang kumakain mag-isa si Darcy sa kusina ng mansion. She was very hungry that she could not hold on. Alas 9:00 na ng gabi at hindi pa rin umuuwi si Alferus, hindi naman sa naghihintay s'ya rito pero tulog na kasi ang mga kasambahay at paniguradong walang magbubukas ng pintuan kundi s'ya lamang.
Nakapagtataka lamang kung bakit hindi pa bumabalik ang lalaki samantalang kaninang tanghali pa iyon nakaalis para ihatid sa airport ang asawa. Binalewala na lamang iyon ng dalaga at patuloy ito sa pagsubo ng kanin nay may toyo sa kanyang bibig. Wala s'yang makitang ulam kung kaya'y toyo na lamang ang kanyang ginamit.
Kalauna'y nakarinig ito ng doorbell kung kaya't dali-dali itong napatayo habang napupuno pa ng kanina ang bibig. Dali-dali niyang tinungo ang pintuan at binuksan iyon, binuksan n'ya rin ang ilaw dahil masyadong madilim ang paligid.
Bumungad sa kanyang harapan ang mukha ng lalaki na seryosong nakatingin sa kanyang pagkabukas n'ya sa pintuan. Animo'y may atraso sa rito sa sobrang seryoso ng tingin nito sa kanya.
"Ayaw mo ba pumasok?" Tanong ng dalaga habang nakahawak sa doorknob ng pintuan.
"Why are you the one who opened the door? Where are the servants? Why are you still awake?"
Napakunot naman ang noo ng dalaga sa sunod-sunod na tanong nito sa kanya. Nabigla lang s'ya roon. Hindi n'ya inaasahang pati ang pagtulog n'ya ay pinapakealaman ng lalaki.
"Huh?...Ah...tulog na ang mga kasambahay kaya ako na ang nagbukas," iyon lamang ang isinagot ng dalaga, pero nanatili pa ring nakatayo sa labas ang lalaki at nakatitig ito sa kanyang maamong mukha.
"What happened to your face?" Tanong naman ng lalaki habang nakatitig sa mukha ng dalaga.
"Bakit?" Litong tanong nito at hinawakan ang kanyang mukha.
Pumasok ang lalaki at deretso itong naglakad, hindi muna s'ya sinagot nito.
"'Yung bibig mo ba 'yung ginamit mo pangsubo ng kanin o 'yung pisngi mo?" Tanong ng lalaki at pabagsak itong napaupo sa mahabang sofa saka nito ipinatong ang mga paa sa mesa na nasa harapan. Relax itong lumundag sa kinauupuan.
"Ha?" Napahawak ang dalaga sa magkabilaang pisngi nito at doon n'ya lang napansin na may mga pira-pirasong kanin pala na naladikit roon. Nakaramdam ng hiya ang dalaga pero binalewala n'ya lamang iyon
"Sige, alis muna ako," paalam n'ya at akmang aalis na s'ya ng pigilan s'ya nito.
"Get me a cup of coffee," utos ng lalaki kahit na hindi ito nakataingin sa kanyang gawi.
"A-ako?" Napaturo sa sarili ang dalaga.
"Sino pa ba? Ikaw lang naman kausap ko," anito kaya natahimik ang dalaga at dali-dali nitong tinungo ang kusina. Nagmistulang kasambahay s'ya ngayon. matapos n'yang hatdan ng kape ang lalaki ay ipinagpatuloy n'ya ang kanyang pagkain.
Hinugasan n'ya ang kanyang pinagkainan nang matapos itong kumain at agad namang natulog sa kuwarto. Kinaumagaha'y maaga itong nagising, iyon kasi ang nakasanayan n'ya simula nang magtrabaho s'ya sa bar. Ngayong wala na s'yang trabaho, hindi n'ya alam kung ano ang gagawin buong araw.
Pumunta s'ya ng hardin upang magmuni-muni dala ang tasa ng kape. Umupo s'ya sa swing roon at tahimik na nilalanghap ang hangin at pinapakiramdaman ang buong paligid. Gusto n'yang maging abala sa araw na ito pero hindi n'ya alam kung ano ang dapat n'yang pagkaabalahan.
Miss na n'ya ang umuwi sa compound na tinutuluyan n'ya noong hindi pa man s'ya lumipat. Bagamat pansamantla lamang ang pagtira n'ya sa mansion ng mga Hemsworth, kahit hanggang sa matapos lamang ang kontrata ay hindi maitangging gusto n'yang umuwi at humiga sa matigas n'yang kama.

BINABASA MO ANG
In Contract
RomanceDebbie Darcy Jayne is a young woman who works at a bar to support her family. Her parents are both ill, and she is the only child in the family, so she is considered as the breadwinner. Habang nagtatrabaho sa bar, hindi inakala ni Darcy na makikilal...